Charlotte
Kinabukasan ay ginising ako ni Lola para magsimba. I'm not a religious type but I can't say no to Lola.
"Are you ready apo?" Napailing ako.
Wala talaga akong takas. Kahit na nasa second floor yung kwarto ko ay pinuntahan niya pa talaga ako. Well alam niya kasi na pag ang kasambahay ang tumawag sa akin ay baka magbago ang isip ko.
"Yes Lola." Walang ganang aniko.
Lumakad na ako palabas ng kwarto at nabungaran ko si Lola na naghihintay. She examined me again. I wore a dress. I'm not fool I know what should wore, we're going to church I must look decent. I know how to wore approptiately.
"You much look better." Lola said after examined me.
Sinabayan ko na siya sa paglalakad hanggang sa makarating sa kotse na maghahatid sa amin sa simbahan. May bago palang simbahan dito mismo sa Taal. Dati kasi pag nasisimba kami nila Lola sa kalapit na bayan pa kaya medyo malayo.
Pagkalabas namin ng kotse ay maraming bumati kay Lola. Nabasa ko rin sa isang engrave na bato ang pangalan ni Lola. Isa siya sa mga major sponsor ng pagpapagawa ng simbahan. Nabasa ko rin ang pangalan ng Lolo at Lola ni Daniel na isa rin sa mga major sponsor.
Pagpasok namin sa loob ay nakita ko si Daniel kasama ang Lolo at Lola niya. Doon na namin ni Lola naisipang umupo.
"Leonor!" Ani Lola at nakipagbeso-beso sa Lola ni Daniel.
Tango lamang ang ginawa ni Lola sa Lolo ni Daniel. Nag mano naman si Daniel kay Lola.
"Ang bait talaga ng bata na ito." Compliment ni Lola kay Daniel. "Muntik kong makalimutan. Charlotte ang apo ko." Pagpapakilala sa akin ni Lola.
"Goodmorning po." Magalang na pagbati ko.
Inilapit sa akin ni Mamita Leonor ang mukha niya para makipagbeso.
"Goodmorning naman hija. Ang laki mo na ah? At ang ganda-ganda mo. Noong huli kitang makita ang bata-bata mo pa." Papuri sa niya akin.
"Salamat po." Aniko.
"Ano kaba naman Leonor. Noong isang taon lang nakita natin siya dito sa atin. Anong ang tagal-tagal na?" Napailing si Lolo Edmundo. "Pero walang biro hija. Maganda ka. Manang-mana ka sa mommy mo." Anito sa akin.
Nagmano ako rito tanda ng paggalang . Nagsimula na ang misa kaya natahimik kami. Buong oras ng pagsesermon ng Pari ay tahimik lang akong nakikinig. Minsan napapalingon ako sa paligid. Parang kasing may tumitingin sa akin. May mangilan-ngilan naman akong nahuhuling nakatingin sa akin. May mga babae pero karamihan mga lalaki. Nang matapos ang misa ay inaya kami ng Lola ng Lolo ni Daniel na mananghalian sa kanila. Pumayag naman si Lola sa paunlak ng matanda. Well wala rin naman akong gagawin sa bahay atsaka pupunta rin naman ako kay Daniel para tumambay kaya okay narin.
Nauna na kaming lumabas ng simbahan ni Daniel dahil kinausap pa nila Lola si Father. Habang naglalakad ako palabas may humarang na lalaki sa akin.
"Daniel pakilala mo naman ako sa magandang binibini mong kasama." Napatitig ako sa lalaking nasa harap ko.
Isa siya sa mga nahuli kong tumitingin sa akin kanina sa loob ng simbahan. Gwapo siya walang duda don. He look so foreign. Kulay langit ang mata niya. His skin is fair. Mataas din siya tulad ni Sky. His nose is pointed. Kung hindi mo siya maririnig na matatas managalog aakalain mo talaga na foreigner siya na bumibisita lang dito sa bansa. Kung ihahambing ko siya kay Sky halos pareho lang sila. Bakit ba na iisip ko si Sky?
"Tyler." Napatingin ako kay Daniel na nagsalita. Nakaangat ang gilid ng labi niya.
So Tyler pangalan niya?
BINABASA MO ANG
Hopeless Playboy
RomanceSky Buenaventura is famous in his school. No one can't mess up with him. He is know for being gangster and playboy of course. He hate commitment. He just wants fun. And he like playing the girl like his toy. Love conquer everything. Even the most ev...