Chaptet 27

7 1 0
                                        

Mabilis na naasikaso nina Mommy at Daddy ang mga papeles ko para magtransfer dito sa San Francisco. Nakapag pa-enrolled na rin sa isang esklusibong paaralan.

Maayos narin ang pakikitungo ko kay Tito Rommel or Daddy Rommel. He wants me to call him Daddy. Pag tinatanong ko kung bakit eh basta lang ang sinasagot. He's very kind. Maalalahanin at madalas magbilin ng kung anu-ano.

Sa unang mga buwan ay mailap ako sa kanya. I hate him pero hindi ko alam yung dahilan. Tuwing kinakausap ko ang sarili ko kung bakit parin ako naiinis sa kanya ay wala akong mahita sa aking sarili.

Siguro ang isang bagay na nagustuhan ni Daddy sa kanya ay sobrang bait niyang tao. Hanggat kaya niyang magtimpi magtitimpi siya. Hanggang kaya niyang magbigay magbibigay siya kahit mawalan na siya. Tutulong hangga't may pagkakataon.

Natutunan ko na narin na taganggapin sila ni Daddy. With that I am a living proof that love knows no gender. Na ang pag-ibig ay hindi lang para sa isang Eba at Adan. Na ang pag-ibig ay hindi nangingilala ng kasarian.

Dito sa San Franciso ay katanggap-tanggap ang pag-iibigan ng pareho ang kasarian. Hindi katulad sa Pilipinas na halos pandirian ka pag nalaman nila na pumapatol ka sa kabaro mo lalaki o babae. The acceptance is still depend on what you believe in. Because Philippines is a catholic country same sex lovers is hypocrite. Now I know why Daddy and Tito Romel decided to live here for good.

Matulin na lumipas dalawang taon. Nakapagtapos na ako sa Senior High School at sa koloheyo naman ang kinuha ko ay Bachelor of Science in Business Administration Major in Marketing. Alam ko kasi na ako ang papalit kay Mommy sa kompanya kaya ito ang kinuha ko. Nang sinabi ko ito kay Mommy ay hindi nakatakas sa akin ang pagkislap ng mga mata niya.

Alam kasi ni Mommy na Architecture ang gusto ko at nasabi ko na sa kanya ito noon. Hindi siya tumutol sa akin pero alam ko na hindi siya masaya sa sinabi ko kahit nakangiti siya sa akin. Bakit ngayon iba ang kinuha ko? Simple lang. Naging praktikal ako. Ba't papahirapan ko pa yung sarili ko diba? Mag aarchie ako tapos pagdating ng panahon I will replace mom ng wala akong alam about business ano gagawin ko don? Magdadrawing?

"Akala ko ba gusto mong maging Architecture?" Tanong ni Daddy sa akin.

He frowned. Para bang may math problems siyang sino-solve sa isip niya. Marahil nagtataka siya kung bakit BSBA ang kinuha ko kahit na alam niya naman na bata pa lang ako gusto kong maging katulad niya. Maging isang Arkitekto. Magaling katulad niya.

"Nagbabago ang tao Daddy. Maaring mabago ang pag-uugali at kilos nito. Pati narin ang mga bagay na gusto nito. Kung ngayon gusto mo 'to bukas makalawa iba na ang gusto mo." Makahulugang aniko.

Isang malalim na buntong hininga ang ginawa ni Daddy. Bata pa lang ako gusto narin ni Daddy na maging katulad niya ako. In fact siya ang nag-influence sa akin sa pagdadrawing.

"Sige Dad matutulog na po ako," aniko at humalik sa pisngi niya at umakyat na sa kwarto ko.

Naligo muna ako bago natulog. Pabaling-baling ako sa kama. Hinahanap ang tamang pwesto para makatulog subalit sobrang ilap ng antok sa akin ngayon gabi. And I know why, because I am thinking. Naiisip ko yung mga sinabi ko kay Daddy. Nagbabago ang gusto ng isang tao. Kasama ba don ang nararamdaman?

Two years.

Dalawang taon na ang nakakalipas pero bakit yung nararamdaman ko para sa kanya hindi nawala o nabasawan man lang? Lumayo ako sa pag-aakalang makakalimot ako akala ko paghindi ko na siya nakikita malilimutan ko na siya but the fact that I couldn't saw him lalong lumalalim ang pagtingin na meron ako para sa kanya.

Hindi ako makamove-on kasi ako ang nagsabi na wala siyang maasahan sa akin. Na wala akong nararamdaman na kahit konti para sa kanya which in the fact is that I do feel the same thing for him. Na mahal ko rin siya. I am still suffering sa desisyon kong iyon na hindi ko alam kung tama ba.

Hopeless PlayboyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon