"Nasa huli ang pagsisisi"
Totoo..totoo ang linyang yan kasi ngayon ay nagsisisi na ako.Nagsisisi na ba't ngayon ko pa nakita ang totoo.
Binigyan na nga ako ng chance ni Universe, pero..nagpakatanga ako at inaway ko pa siya sa unang pagkikita namin..or 'una' nga ba.
May girlfriend ako..pero nung dumating siya..may nag-iba sa pagkatao ko na nung una di ko alam ba't ako nagkakaganun.
Naiinis ako sa kanya, ginagalit ako parati, lalong lalo na ang walang kaganang-gana niyang ekspresyon sa kanyang mukha.
Naiinis ako kasi SIYA lang ang naging target ko na kayang pigilan ang pambubully ko sa kanya.
Ang babaeng nung first day of school ininis at ginalit ako, ang babaeng may kayang pigilan ang lahat ng suntok ko, ang babaeng dating pa lang gagung-gagu na ang araw ko, ang babaeng walang gana parati ang ekspresyon, ang babaeng umaastang lalaki na kahit perfume hindi pinalampas dahil Axe Men ang perfume niya, at ang babaeng sa huli ay ginawa lang akong talunan..ay ang babaeng naging rason kung ba't ako nagsisisi ngayon.
'Ba't kailangan mo pa 'yong gawin?!Matalino ka, diba?!Hindi mo man lang ba inisip ang maging resulta gaya ng palagi mong sinasabi?!'
TT_TT
'Ba't kailangan..?Ba't pa kailangan..?'
TTT_TTT
Ang babaeng PINAKAAYAW ko ang siya pang nakaparamdam ng tinding pagsisisi at sakit sa buong buhay ko.
Sino ang babaeng iyon?Siya ang babaeng gagu pa sa gagu, mayabang pa sa mayabang, maangas pa sa maangas..pero grabe pag mag mahal..handang isakripisyo ang buhay na meron siya..para lang sa taong mahal niya.
TT_TT
Imbes ako ang BULLY at siya ang TARGET..baliktad..the tables turned..siya ang naging BULLY dahil pinagsisisi niya ako..at ako ang TARGET na nasaktan ng husto sa pagsisising 'yon.
Bakit ako nagsisisi?
Bakit ako nasasaktan?
Bakit kailangan niya pang dumating sa buhay ko?
Ito ang kwento ko..ang isang Jeix Carlos Villarde, na inborn ang pagiging MALAKING BULLY, wala pang ni isang pumatol at lumaban sa aking mga bullies, ang heartthrob sa campus na pinag-aari ko, at ang isang Jeix Carlos na childish mag-isip..ay pinagsisisi ng napakatindi sa isang babaeng di ko aakalaing magsisisi ako pag nawala siya sa buhay ko.
'Sa'n ka na..?Bumalik ka na..........please?'
BINABASA MO ANG
SACRIFICE - Season 1 (COMPLETED)
FanfictionSacrifice is the other term for love. A story inspired by He's Into Her by maxinejiji. Cover by: @Celestial_Psychopath. © ceethri • 2018