Tsapter 29

390 12 0
                                    


JEIX'S POV

Nang marinig ko ang sinabi ni Pato, gumuho literally, at sa imagination ang mundo ko.

Pati puso ko.

Patuloy pa rin sa pag-iyak rito si Pato sa harapan ko.Hindi pa rin ako makagalaw at pilit na pino-proseso ang sinabi niya sa utak ko.

'Hindi ito maaari..bakit?'

At doon ko na namalayang..bumagsak na ang luha mula sa mata ko na kanina pa nagbabadyang pumatak.

"H-Hindi ako m-makapaniwala.." finally nakapagsalita na rin ako. "H-Hindi ako naniniwala!" napasigaw kong sabi.

"Gohan, m-maskeh ako?.....H-Hindi rin.....pero, G-Gohan..maniwala ka......tulungan mo k-ko.......tulungan mo akong h-hanapin siya.....TULUNGAN MO AKO, GOHAN!!" mas lalong bumuhos ang mga luha niya.

"N-Nagsisinungaling k-ka lang.....d-diba?" di ko makapaniwalang tanong expecting her na sabihing ang linyang joke lang!kahit kailan talaga uto-uto ka!..pero hindi, hindi niya binawi.

"H-Hindi ako n-nagsisinungaling n-ngayon, Gohan......kailangan mo akong tulungan, Gohan!Please!Di ko alam nasaan si Khing!" nakaluhod na siya sa harapan ko habang basang-basa na ang mga kamay habang nakahawak sa kamay ko.

"B-Bakit?..........Bakit hindi mo sinabi ang t-totoo sa mga kaibigan mo?............BAKIT KAILANGAN MO PANG MAGSINUNGALING?!!" galit kong sigaw dahilan para mapatungo siya. "Alam mo ba yung pakiramdam na sa pamamagitan ng kasinungalingan mo, naging peaceful ang pakiramdam ko at naniniwalang ligtas lang si Goku?!Naging peaceful ang pakiramdam ko sa isang kasinungaling sinabi mo?!Tapos malalaman ko ngayong nawawala na pala si Goku?!Sana di man lang nagsinungaling!Para sana, pag sinabi mo kaagad.......sana ngayon, nahanap na natin siya!" panenermon ko sa kanya.

"I just want to make s-sure na l-ligtas kayo.....ayokong pati kayo.....madamay" sagot niya habang patuloy pa rin sa pag-iyak at nakabagsak na ang buong katawan sa sahig.

"A-Ano'ng madamay?!"

"A-Alam kong d-di simpleng p-pagkawala ito...d-di ako naniniwalang pasimpleng nawawala lang si Khing.."

"S-Sinasabi mo bang......baka may nangyari na sa kanya?"

Natahimik muna siya pero humihikbi pa rin. "K-Kaya h-half day lang ako p-pumapasok k-kasi.....pagdating ng hapon, ispe-spend ko a-ang buong o-oras ko sa paghahanap k-kay Khing..pero hanggangyon, h-hindi ko pa rin alam kung nasan siya!!At hindi rin siya umuuwi!!Kaya please, Gohan..t-tulungan mo ako, please!I'm begging!" hawak niya ulit ang kamay ko habang nagmamakaawa.

Patuloy pa rin ang pagtulo ng mga luha ko.

'Hindi ako makapaniwalang.....nawawala si Goku'

"M-Mas matatagalan tayo s-sa paghahanap kay Goku kung.." sabi ko at pinunasan muna ang mga luha ko tapos tumingin kay Pato. "Kung tayo lang dalawa ang maghahanap k-kay Goku.." sabi ko.

Sinubukan kong pakalmahin ang sarili ko ngayon.Kailangan kong kontrolin ang sarili ko.

Hindi ko lang matanggap na nawawala si Goku!

At ang mas nakakainis pa ron..NI HINDI KO MAN ALAM KUNG BA'T AKO NAGKAKAGANITO!!

"S-Sinasabi mo bang..k-kinakailangan natin a-ang tulong ng mga kaibigan k-ko?" nauutal niyang tanong.

"Oo.." sabi ko at tumingin sa malayo. "At tulong rin ng mga kaibigan ko"


SACRIFICE - Season 1 (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon