SPAIN'S POV
*sniff sniff*sniff sniff*
Agad akong bumangon.At kinusot ang aking mga mata.
Good morning, takteng Universe.Tss.
-_-
Nagising ako dahil sa sarap ng bango sa niluluto ni Yang.Alam kong nagluto rin siya ng spaghetti kaya dali-dali akong pumasok sa CR at naligo.At nagmamadaling magbihis.At bumaba na at pumunta sa kusina.
"Good—morning, Yang!" masayahin kong bati at niyakap siya mula sa likuran.
"Putakte!Di mo ako maloloko sa payakap-yakap effect mo dyan, Espanya!Alam kong good mood ka dahil nilutuan kita ng spaghetti!" masungit niyang paliwanag.
-__-
'Lumalambing na nga, tinataboy pa..tsk tsk'
Bumitaw nalang ako sa yakap ko para sa kanya at pumunta nalang patungong salas at sumandal sa sofa.At pumikit.
"Hoy, Khing..kumusta na nga pala ang Black Blood?Maayos naman?" tanong ni Yang.Nanatili lang akong nakapikit habang sinasagot siya.
"Mmm..nandon si Kenly..kaya expect more..at kahit na wala ako, alam kong magagawa nila ang mga ipinapagawa ko" sagot ko.
"Ano nga pala ang ipinapagawa mo sa kanila?At bakit di mo ako binigyan ng gawain, ha?" sunod-sunod niyang tanong.Pero nanatili pa rin akong nakapikit.
"Ibinigay ko kay Kenly yung listahan ng mga dapat patayin..at hindi kita binigyan ng gawain kasi alam kong magiging busy tayo.." binuka ko ang aking mga mata at tumingin sa kanya. "Nag-aaral pa tayo, diba?" yun lang at pumikit ulit.
"Putakte ka talaga, Khing..kahit kailan" tugon niya.
Di ko nalang siya sinagot kasi alam kong noon pa, gagu na ako.
"O nga pala, Yang.." sabi ko.
"Ano?"
"Kumusta naman yung pagtuturo mo kagabi kay Jun?Successful naman ba?" tanong ko.
"Oo..successful naman..kaso, ewan..parang wala sa sarili si Jun eh" sagot niya.
'Tss..sabi ko na nga ba..tsk tsk'
-_-
'Kailangan ko na talagang turuan ng da moves yung si Jun..tsk tsk..mapagkamalan tayong bakla nyan, pre kung di magaling humawak ng babae' sabi ko sa isipan.
Kumain na kaagad kami ni Yang ng almusal at pumunta na sa GGVIS.
Habang naglalakad.
"Oh my god, bakit nandyan pa ang isang 'yan?"
"Ang feeler talaga ng tomboy na 'yan!Na-expelled na nga, pumunta pa rito!"
"Baka bumalik para magbigay ng speech?Haha!"
"Ipapakain ko sa kanya ang speech niya!"
-_-
"Ano'ng pinagsasabi ng mga 'to?" nagtatakang tanong ni Yang habang nakatingin sa mga nakatitig sa amin habang dumadaan.
"Akala nila na-expelled ako" sagot ko.
"A—NO?!" napatingin siya sa'kin sa shock.
"Tss.." sagot ko.
"Bakit di mo kinoreksyunan?!"
"Tss.." nilingon ko muna siya. "Sa tingin mo?Maniniwala ang mga pagmumukhang 'to sa'kin?" tinuro ko pa yung mga tao.
BINABASA MO ANG
SACRIFICE - Season 1 (COMPLETED)
FanficSacrifice is the other term for love. A story inspired by He's Into Her by maxinejiji. Cover by: @Celestial_Psychopath. © ceethri • 2018