Chapter 1
Gabriel Kai
I'm Gabriel Kai. 25 years old. Isa akong owner ng isang coffee shop.
Masasabi kong successful na ako sa career pero hindi pa rin ako successful sa buhay dahil sa wala pa akong asawa. Hindi ko alam kung big deal ba talaga na meron kang asawa para maging mas successful ka pa sa paningin ng iba.
But I think, it's not about being successful but being fulfilled.
"Wala ka ba talagang balak mag-asawa, hija?" Tanong ng Lola ko.
Kasalukuyan akong nasa bahay nila dahil sa dito kami nag dinner na magpamilya.
Because it's sunday. It's family day.
Tinignan ko si Lola na iyong tanong niya ay isang toxic na ayokong malaman kung saan ba nagsimula.
"How many times do I have to answer that question, Lola? I already said last week that I am not yet ready for commitment and plus I don't want to have a boyfriend, not now." Sagot ko sa kanya habang patuloy pa rin ako sa pagkain.
Narinig ko naman na tumawa si Tito. Ang kapatid ni Mama ay si Tito Ronald. Dalawa lang silang magkapatid. Tito Ronald has three kids. They are all boys. Habang si Mama naman, ako at si Vandiel.
"Masyado mo naman yatang minamadali ang nag-iisa mong babaeng apo, Mama?" Sabi ni Tito kaya napaikot na lang ang eyeballs ko sa kanila.
Total sanay naman sila sa ugali ko.
"Nag-aaalala lang ako dahil baka mawala na sa kalendaryo ang edad ni Gabby at hindi ako mabigyan ng apo." Natatawang sabi ni Lola kaya tinignan ko siya nang hindi makapaniwala.
Iyon talaga ang habol nila sa akin ang mabigyan ko sila ng apo. Mag d-demand pa sila na lima raw ang ibigay ko. Ano ba ito? Contribution? Mukha ba akong inahing baboy?
Tawang-tawa naman silang pag-usapan ako hanggang sa madako sa business ang usapan nila. Si Vandiel naman ay nanatiling tahimik sa tabi ko.
If I'm 25. Vandiel is 20. Nasa 3rd year college na siya sa course niyang Veterinary. Mahilig kasi siya sa mga hayop kaya 'yon ang kinuha niya at ako naman, gusto kong maging isang doctor pero hindi naman ako nabigyan ng chance. Gusto ni Papa na kumuha ako ng tungkol sa business kaya iyon ang kinuha ko.
Ako ang mamamahala sa kompanya niya kaya ako ngayon ang naatasan. Hindi naman pwede si Vandiel kasi kahit anong gawin at kahit saang angulo, wala siyang hilig sa pagpapatakbo ng kahit anong business.
"How's your coffee shop, hija?" Tanong ni Lolo sa akin kaya napatingin ako sa kanya.
"Improving, Lo. Maayos naman siya. Mas nagiging busy ako this past few days dahil sa maraming pumupunta dahil sa malapit ito sa school." Sagot ko at ngumiti naman siya.
"It's good to hear that. May gagawin ka ba next Friday?" Tanong niya sa akin kaya umiling ako bilang sagot.
Nagulat naman ako ng pumalakpak siya.
"I want you to attend this meeting or should I say an event party in the Sun Ruses Island." Sabi niya.
Kaya kumunot naman ang noo ko.
"Bakit naman ako, Lo? Nandiyan naman si Kuya Daniel, si Kuya Tristan, at si Kuya Paolo. Why me?" Reklamo ko pero ngumiti lang siya sa akin.
"Daniel will going to fly back in Italy on Tuesday. Tristan will be in Norway tomorrow. Paolo will going to be in Davao on Friday. Vandiel will going to have his exam starting tomorrow. You're the only choice that I have. It's a three days party. Just attend that party for us." Sabi ni Lolo kaya napasimangot na lang ako.
Ano pa nga ba ang magagawa ko? Wala naman talaga akong choice. Tumango na lang ako kay Lolo.
Nang matapos ang dinner namin ay nagpaalam na agad ako para umuwi sa condo ko. May sarili na akong condo at si Vandiel ay nanatili pa rin sa puder nila Mama.
Pinarada ko ang kotse ko sa basement at sumakay ako sa elevator papuntang floor kung nasaan ang condo ko.
Pagkapasok ko sa condo ko ay hinubad ko agad ang sapatos ko at ibinabad ang katawan ko sa bath tub.
Isang buong week na wala akong ginawa kung hindi ang magtrabaho ng magtrabaho para sa future ko. Dapat na sana akong maging masaya para sa sarili ko kasi nakikita ko na ang sarili ko na magiging successful sa career ko pero hindi ko pa din magawang maging masaya.
I felt the emptiness captivating my whole body. Ilang taon na nga ba ang lumipas ng simula akong makaramdam ng ganito?
Almost 7 years.
Simula noong araw na nakilala ko siya. Naging masaya na ako. Wala akong pakialam sa magiging takbo ng buhay ko pero nag iba lahat iyon ng mag 18 ako.
Sa isang iglap nagbago ang lahat. Ang masayang buhay na gusto kong tumagal ay hindi rin nagtagal at naudlot na lang.
14 years old ako nang makilala ko siya. Kapitbahay namin sila sa isang subdivision. Lagi ko siyang kalaro kahit na mas matanda siya sa akin ng tatlong taon.
Noong nag 15 ako. Sinimulan niya na akong ligawan. Hindi ko naman maitatanggi na meron akong nararamdaman sa kanya kahit na ganoon pa lamang ang edad ko.
Sinagot ko rin siya dahil halos 6 months rin siyang niligawan ako. Nagtagal kami ng halos tatlong taon at naghiwalay kami ng mag 18 ako. Sa mismong birthday niya ay naghiwalay kami at dahil iyon sa pamilya niya.
Ayaw ng Lolo niya na mag girlfriend siya dahil sa siya ang magmamanage ng kompanya ng pamilya nila. Ano pa nga ba magagawa ko? Isa lang akong 18 years old noon. Hindi ko alam kung mapapanindigan ko ba ang desisyon na gagawin ko.
Nagplano kaming dalawa na magtananan. Wala akong pakialam kung masira ang buhay ko sa gagawin namin dahil ang mahalaga lang sa akin ay ang maging masaya. Ang makasama ko ang lalaking nagbibigay ng kasiyahan sa akin.
Sa araw na magtatanan kami. Hinintay ko siya sa isang waiting shed na malapit sa terminal dahil pupunta kaming Tagaytay. Halos sampung oras akong naghintay sa kanya pero walang dumating.
Nagulat na lang ako nang makita ko si Mama at Papa kasama ang mga pinsan ko na sinusundo na ako.
Doon ko na lang nalaman na ang lalaking mahal ko ay nasa ibang bansa na.
That day, I realized that even your happiness can break you that it can betrayed you too.
---
-JustForeenJeo
BINABASA MO ANG
The Past Is In The Present
General FictionPerez Series #2 They say the past is just a memory that will haunt us and hurt us in many ways. But why is it every human being wants to go back in the past even though it can hurt them? What will you do if they come back. If they want you back, if...