Chapter 15
Naka-ayos na ang mga maleta ko na dadalhin ko papuntang States. Kailangan ko na talagang maiayos ito dahil kung hindi ay malulugi na talaga ang kompanya.
Pati ang kompanya nila Tito ay medyo naaapektuhan na, pwede naman na sila na ang umayos nito.
Si Kuya Paolo ang nasa States at ilang beses niya nang sinabi na hindi niya kayang ma-iangat ulit ang kompanya at kailangan niya ng tulong ko.
Minsan tinatanong ko ang isip ko kung ano ba ang maitutulong ko doon?
"Hija kailan ka ba luluwas?" Tanong ni Lola sa akin kaya napatingin naman ako sa kanya.
Bumisita ako dito dahil gusto niya raw ako makita kaya hindi na ako nag dalawang isip at pumunta na agad ako dito. Tatlong araw na lang ay aalis na ako.
"Three days from now, Lola." Sagot ko sa kanya.
Ngumiti siya sa akin at hinawakan ang kamay ko.
"Things will go easy." Maikli niyang sabi pero parang may iba pang ibig sabihin at nag-iiba ang dating nito sa akin.
I look at her puzzled. Nakakunot na rin ang noo ko pero natawa na lang siya agad.
"Sino kaya sa inyo na mga apo ko ang makapagbibigay sa akin ng unang apo?" Sabi niya ng nakangiti.
I can see it in her eyes. The eagerness of having a grandchild.
Nalungkot naman ako bigla. Mabibigyan na sana kita, Lola. We have him/ her before. Pero hindi pa niya talaga oras kaya nawala rin siya agad.
Ngumiti ako pabalik kay Lola at hinawakan ko siya sa kamay.
"Kung sino man po ang mauna sa aming lahat. Hindi na po yon mahalaga. Ang importante, La. May apo na kayo." Masaya kong sabi sa kanya na mas ikinangiti niya.
Hinaplos-haplos niya pa ang buhok ko.
Nag ring naman ang cellphone ko kaya sinagot ko na agad to at hindi ko na tinignan kung sino ang tumawag.
"Hello." Bungad ko.
"Gab, wala na, sobrang lugi na ang kompanya. May gustong bumili nito at wala ng tayong pamimilian. Biglang bumaba lahat ng sales natin. Maraming empleyado ang mawawalan ng trabaho kapag hindi pa natin 'to ipapabili." Rinig kong sabi ni Kuya Paolo.
Napapikit na lang ako sa narinig ko. Paanong ganoon kabilis?
"Hintayin mo ko diyan. Mamayang gabi nandiyan na ako." Sabi ko sa kanya bago ko ibinaba.
Ilang araw ko na rin pino-problema ang kompanya.
Sino naman ang bibili no'n?
May parte sa akin na nalulungkot dahil sa pagmamay-ari ni Lolo 'yon pero hindi ko man lang na manage ng maayos.
Nagpaalam na ako kay Lola at tinawagan si Kuya Daniel. Mabilis naman siyang sumagot.
"Moved my ticket now. Kailangang makalipad ako papuntang States mamayang gabi." Sabi ko sa kanya at pinatay ko na agad.
Nagdrive na ako papunta sa The Ville. Ang isang subdivision.
Nag-usap kami ni Ryne noong isang araw at nabanggit niya sa akin ang tungkol sa bahay na ito na pagmamay-ari ng Kuya niya.
Nalaman ko rin na ikakasal na pala siya. It's a fixed marriage sa isang sikat na kompanya ang Sarmiento Industry.
Sa sobrang sikat no'n ay sikat din ang CEO na nagmamay-ari no'n. Calvin Klein model yata 'yon.
I remember his name, it's Aero Sarmiento. Ang swerte nga naman ni Ryne at mismo ang tadhana na ang nagtatagpo sa kanya sa isang tao. Sana nga lang iyong fixed marriage na' yan ay may maidulot na maganda.
Nag park ako sa gilid ng bahay kung saan sinabi ni Ryne. Isang white at gray na kulay ng bahay. Isang bahay kung saan walang kaparehang kulay kaya panigurado ako na kay Miko na nga ang bahay na yon. Hindi raw siya umuuwi sa bahay nila at dito siya umuuwi.
Hindi na ako nag doorbell dahil bukas naman ang gate nito.
Nakita ko na nandoon ang kotse niya. Malawak ang loob nito. Nakita ko naman ang mga kotse niya.
Isang collector ng kotse si Miko kaya hindi na ako magtataka kung maraming kotse dito sa garahe niya.
Ang ganda ng interior ng bahay. Puro glass walls ang bahay niya kay nakakalulang tignan.
Diretso akong pumasok dahil bukas naman ang pintuan. Hindi naman siguro siya mananakawan dahil mahigpit ang security ng subdivision na ito. Mabuti na lang at sinabi ko na dito ako pupunta kaya pinayagan akong pumasok.
Nagtuloy-tuloy ako pero hindi ko pa rin siya nakikita. Umakyat ako sa dalawang palapag at nakita ko ang iba't ibang kwarto doon.
Naalala ko naman ang sinabi ni Ryne.
"Kapag may nakita kang isang pintuan na iba ang deisgn sa ibang pintuan. Sa kanya na 'yon."
Kaya tinignan ko muna sila isa-isa at ang bandang nasa pangalawa bago ang dulo na room ang may kakaibang pinto kaya 'yon ang pinasok ko.
Dilim ang unang sumalubong sa akin kaya naman medyo kinabahan ako. Naglakad ako para hanapin ang switch ng ilaw ng magulat ako ng biglang sumirado ang pintuan.
Nagulat ako na halos lahat ng balahibo na meron ang katawan ko ay tumaas.
Bakit ba kasi masyadong madilim dito? Paano kung may nakapasok na iba? Paano kung maling bahay pala ang napuntahan ko?
Pero impossible naman dahil nasa garahe ang kotse na ginamit namin noong pauwi kami galing ng Sun Ruses.
May narinig akong hininga sa tenga ko kaya natuod ako agad.
"Surrender your body to me." Husky na bulong ng lalaking nasa likuran ko.
Hindi boses ni Miko 'yon. Hindi ganito ang boses niya. Napapikit na lang ako at taimtim na nagdarasal na sana may dumating.
Naramdaman ko ang paghawak niya sa may bewang ko papunta sa may dibdib ko na lumalakas na ang kabog.
Hindi ko magawang gumalaw o umangal man lang. Paano ba ito?
Napasinghap ako nang maramdaman ko ang kamay niyang tumigil sa may parte ng puso ko. Alam kong pinapakiramdaman niya 'yon kaya mas lalong bumilis ang tibok ng puso ko.
"I can feel your heartbeat. It's beating for me." Husky pa rin niyang bulong habang ibinababa niya ang bibig niya sa may leeg ko.
Tumaas lahat ng balahibo sa katawan ko ng ginawa niya' yon. Napasinghap naman ako dahil sa kinagat niya ang may sa bandang balikat ko.
Gusto ko na yatang mamatay.
Nagulat ako nang bigla niya akong yakapin at isubsob ang mukha niya sa leeg ko.
"Wait for me, baby. Wait for me to fix it."
---
-JustForeenJeo
BINABASA MO ANG
The Past Is In The Present
General FictionPerez Series #2 They say the past is just a memory that will haunt us and hurt us in many ways. But why is it every human being wants to go back in the past even though it can hurt them? What will you do if they come back. If they want you back, if...