Chapter 6
Nanatili pa din akong nakatingin sa dagat habang yakap-yakap ako ni Miko sa likuran ko.
"Give me another chance, Gab. Let me fixed everything." Sabi niya sa akin kaya yumakap ako sa kanya paharap.
Isinubsob ko ang mukha ko sa dibdib niya habang nakapikit ako at sinusulit ko ang moment na ito.
Naghanap ako ng pwede kong maisagot sa kanya pero masyado ng nauna ang puso ko at siya na mismo ang sumagot.
Hinalikan ko si Miko at tumugon naman siya. Inupo niya ako sa railings habang ang dalawa kong hita ay magkahiwalay sa bawat gilid ng bewang niya.
Nakahawak ang kamay ko sa batok niya habang ang isa naman ay sa braso niya. Ako ang unang kumalas at niyakap ko ulit siya.
"I don't want you to make a promise again. Promise me that you will not promised me again." Sabi ko sa kanya habang nakatingin ako sa kanya.
Pero tumawa lang siya sa sinabi ko.
"I don't get you. I will promise that I will not promised again? Are you tripping on me woman?" Sabi niya sa akin kaya natauhan naman ako.
Mali nga naman talaga ang sinabi ko.
"Right. Just no promises. I hate your promises." Sabi ko sa kanya at hinalikan ako sa noo.
"Wished granted. But there's one thing that I assured you that it will never changed by the time and by the pain. That is my feelings for you, Gab. It will always be you." Sabi niya sa akin para mapangiti ako.
Guminhawa ang pakiramdam ko. Lahat ng mga sakit na nangyari noon ay napalitan ng saya. Gusto kong magsimula ulit kami.
Masakit man ang nagawa niya sa akin pero nakikita ko sa paraan ng pinapakita ni Miko sa akin ngayon. Alam kong sincere siya sa ginagawa niya. Nararamdaman ko pa rin ang pakiramdam na nararamdaman ko noon.
"Forgive me, Gab." Sabi niya sa akin habang nakatingin sa mata ko.
Ngumiti naman ako sa kanya.
"You're forgiven." Sabi ko sa kanya at niyakap ko ulit siya.
I think I already found my happiness again. I'm with him again.
---
Mabilis lumipas ang araw at mag-iisang linggo na kami sa yateng ito. Lahat ng araw na magkasama kami ay sinulit namin dalawa bago kami bumalik sa isla.
Isang linggo ring wala kaming ginawa kung hindi ang bumawi sa 7 na taong pagkakahiwalay namin sa isa't isa. We make love every night at sa tingin ko ang bagay na iyon ang mas nagiging dahilan para mas mahalin ko pa siya.
Ibinigay ko ang lahat ulit kay Miko. Hindi ko na inalintana kung ano ba ang mangyayari sa akin kapag iniwan niya ako ulit.
Ang alam ko lang, masaktan man niya ako ng paulit-ulit. Iyong sakit na iyon nawawala kapag nagiging masaya ka.
Ang kasiyahan na nabibigay ni Miko sa akin ay walang katumbas. Siya lang ang magbibigay nito sa akin at sa kanya ko lang iyon mararanasan.
Maya-maya ay babalik na kami sa isla dahil hinahanap na ako ni Lolo. Ang alam niya ay party ang dinaluhan ko dito pero hindi niya alam na buong linggo kong kasama si Miko.
"Come'on, woman. We are here now." Sabi niya at hinawakan ang kamay ko patayo.
Sumunod naman ako sa kanya palabas ng yate at bumungad sa amin ang isla.
Magkasabay kami na bumaba na magkahawak pa din ang aming mga kamay.
Sa rooftop ng hotel ay may isang chopper. May lumapit sa amin na crew at may binulong kay Miko. Tumango lang si Miko at hinila na naman ako papuntang elevator.
"We need to go home now. Your Lolo is now looking for you." Sabi niya kaya tumango na lang ako. Natatakot ako na baka pagbalik namin ay muli niya na naman akong iwan but he assured me that he wouldn't.
Kung anong nangyari sa amin sa isla na ito ay dadalhin namin hanggang sa makabalik kami.
Pinauna niya akong isinakay at sumunod naman siya. Halos limang minuto ang tinagal namin sa himpapawid bago ko nakita ang airport.
Inalalayan niya ako pababa ng chopper at pumasok kami sa isang private plane. Ito ang eroplano na sinakyan ko papunta dito.
Sa parehong pwesto pa rin ako naupo at tumabi naman si Miko sa akin.
Nakasiksik ang mukha niya sa leeg ko kaya hinayaan ko siya doon.
Naramdaman ko ang mga maliit niyang halik sa leeg ko. Nakikiliti ako pero pinipigilan kong hindi umungol sa ginagawa niya.
Kinagat niya ang earlobe ko na naging dahilan para mag-init ang buong katawan ko.
"S-stop it, M-miko." Halos mautal kong sabi sa kanya pero tumawa lang siya sa sinabi ko.
"I can't get enough of you. I want everything about you, Gab." Sabi niya sa akin habang nakatingin sa mata ko.
I saw admiration, desire and lust in his eyes.
This man is really insatiable. He's being voracious.
Nagsimula ng lumipad ang eroplano at si Miko ay nililibang ang sarili niya sa pamamagitan ng paghalik sa akin at kung anu-ano pa hanggang sa mapunta ang lahat sa isang magandang alaala ulit.
We make loved in the private plane.
---
Dumaan ang oras at dumating na kami sa airport. Isinakay na nila ang maleta ko sa isang Lykan Hypersport. Isang kotse na nagkakahalaga ng 3.4 Billion US dollar. Ngayon ay masasabi ko nang ang yaman nila Miko. Halos iilan lang ang may kayang magkaroon ng ganitong klase ng kotse.
"You look shocked?" Natatawa niyang tanong sa akin at tinignan ko siya ng parang hindi makapaniwala.
"Is this yours?"
Tanong ko sa kanya pero natawa lang siya sa tanong ko.
"Do I look like I'm using things that isn't mine?" Sabi niya sa akin na nakangisi pa.
Seriously? Isang kotse lang gumastos siya ng ganoon kalaki. Ano pa nga ba ang aasahan ko sa isang CEO ng Perez Industry?
Binuksan niya ang passenger seat. Parang ayokong umupo doon dahil sa sobrang mahal nito.
"Come'on, woman. You're the only person that I let to be seated here even Niko and Ryko. I don't let them to seat here in this car." Sabi niya kaya wala akong nagawa kung hindi ang umupo na lang.
Nakita ko naman ang pagsilay ng ngiti sa mukha ni Miko.
"Hindi rin magtatagal. Tatlo na tayong nakaupo sa kotseng ito." Sabi niya habang nakangiti pa rin sa akin.
---
-JustForeenJeo
BINABASA MO ANG
The Past Is In The Present
General FictionPerez Series #2 They say the past is just a memory that will haunt us and hurt us in many ways. But why is it every human being wants to go back in the past even though it can hurt them? What will you do if they come back. If they want you back, if...