-This will be the pre-finale, HAHAHAHA. Salamat sa lahat ng nagbasa at nakaabot dito. I'm forever grateful.
---
Ngayon kami mag-uusap ni Miko sa isang garden na tinatawag nilang Garden of Slyvania. Nakasuot ako ng isang itim na halter dress at nag flats na lang ako. Si Isaac ang naghatid sa akin dahil siya ang kasama ko sa buong stay namin sa resort. Inimbitahan pala siya ni Lolo kaya nandoon siya.
He also confessed for what he really feels for me.
Masasabi ko man na ang swerte ko kasi merong isang Isaac ang nandiyan para sa akin na gagawin ang lahat at susundan ako sa lahat ng pupuntahan ko, but there's one man that can really change me into something real and that's Miko.
Kung ano man ang malalaman ko, tatanggapin ko at ipaglalaban ko siya.
Isang salita niya ang gusto kong marinig sa araw na ito. I'm the past that is worth to put back.
Aaminin kong kinakabahan ako, but it's now or never. I should do this.
Kinakabahan akong pumunta sa garden kung saan kami mismo magkikita. Sinabi niya sa akin na nasa pinakadulo raw ito ng buong lugar para naman hindi kami ma-istorbo kung mag-uusap man kami.
I badly want to know the truth.
Kung iyon ang magiging daan para maging maayos na ang lahat.
Nang nakarating ako doon ay nakita ko siyang nakatalikod sa akin. Gusto ko na siyang takbuhin at yakapin.
Miss na miss ko na siya. Gusto ko na siyang mayakap ulit. Marinig ang mga tawa niya at kung paano siya maglambing.
I missed the way he smiles, the way he looked at me. I missed everything about Miko.
Huminto ako ng mga ilang metro sa kanya at ang pagitan namin ay ang table na nasa gitna at nakahanda ito para sa aming dalawa.
"M-miko." Nauutal kong tawag sa kanya.
Pigil na pigil akong hindi mag crack ang boses ko dahil ayokong umiyak pero hindi ko mapigilan.
The moment that I saw him, gusto ko nang magmakaawa sa kanya na bumalik na sa akin pero hindi niya naman ako iniwan, iyong pakiramdam na nalaman ko tungkol kay Nathara para niya na rin akong iniwan.
Dahan-dahan siyang lumingon sa akin at blanko ang itsura niyang tumingin sa akin saka siya naglahad ng kamay at minuwestra akong umupo sa harapan niya.
Inaasahan ko na baka aalalayan niya akong umupo pero nagkamali ako. Nauna na siyang umupo at tinignan niya ako nang nagtataka kaya umupo na rin ako sa harapan niya.
Nasasaktan ako dahil pakiramdam ko nanlalamig na siya sa akin.
Sumusuko na ba siya at mas nanaisin niya na lang na kay Nathara na lang?
Tatanggapin ko kung magkaka-anak sila pero sana huwag niya akong iwan.
It is the vacuous decision, pero willing akong makihati kay Nathara.
"What do you want to talk?" Tanong niya sa akin sa malamig na tono.
Sa ganitong paraan pa lang ay nasasaktan na ako, paano kung malaman ko na talaga ang totoo?
How can I handle it? Paano ko malalampasan? How can I conquer it?
Pumikit muna ako bago ako tumingin sa kanya at huminga ng malalim saka na ako magdedesisyon kapag narinig ko na lahat.
"I just wanna know, kung totoo nga ba na ikaw ang tatay ng pinagbubuntis ni Nathara?" Tanong ko sa kanya.
I can see hint of pain in his eyes, bago siya umiwas ng tingin sa akin.
Alam kong nasasaktan ka rin, Miko. Pero sana naman ipaglaban mo ko kasi iyon iyong ginagawa ko.
Matagal pa siyang sumagot bago siya bumuntong hininga at tumango.
Natigil ako sa paghinga at puno ng sakit ko siyang tinignan parang nag slow motion lahat.
Iyong mga plano na gusto kong buuin kasama siya pagkatapos nang pag-uusap na ito ay nawala.
Inaasahan ko na sasagot siyang hindi na hindi sa kanya iyon.
"K-kailan pa?"
Nagsisimula na akong umiyak habang nakatingin ako sa kanya.
He covered his hands with his palms.
"That time, noong umalis ka papuntang States. Iyong araw na nasa hospital si Ryne at nag-aagaw buhay dahil sa nabangga siya. Kailanga kita no'n pero wala ka. Si Nathara ang nandoon sa tabi ko sa mga araw na ikaw ang kailangan ko."
Para akong sinaksak patalikod dahil hindi ko inaasahan ang sagot niya.
"I tried to stay away from her. God knows how much I tried. Nangungulila ako sayo pero si Nathara ang nandoon para sa akin."
Tuloy-tuloy sa pag-agos ng luha sa mata ko habang hawak-hawak ko ang dibdib ko.
"Wala ako sa tabi mo pero hindi 'yon sapat na rason para hanapin mo sa iba ang pagkukulang ko." Sabi ko sa kanya.
Tinignan ko siya pero hindi niya ko tinapunan kahit isang tingin lang.
"Miko, I want you to choose. Ako ba o si Nathara?"
He looked at me unconceivable.
Nakaawang ang bibig niyang nakatingin sa akin na tila hindi niya inaasahan ang sinabi ko.
"Don't do this to me, Gab." Hindi niya makapaniwalang-sabi pero ngumiti lang ako sa kanya kahit na ang sakit-sakit na para sa akin.
"Then why did you do this to me too?"
I looked at him with tears in my eyes.
Ilang luha ba ang kailangang maubos para maging masaya na ako kasama siya?
Ilang taon pa ang kailangan kong sayangin para makasama siya?
Ilang sakit pa ang kailangan kong labanan para sumaya?
Kasi napapagod na akong lumaban sa lahat na alam kong sa huli lagi akong talo.
If I can't win this game. I'll quit.
"I'm sorry, Gab. I'm trying to fix it. Give me more time." Sabi niya sa akin pero umiling ako sa kanya.
"I want you to choose." Sabi ko sa kanya pero umiling siya sa akin para maging dahilan na mas masaktan pa ako lalo.
He can't choose dahil ayaw niya akong masaktan.
"Alam kong masakit, Miko. Masakit para sa akin kasi 8 years ikaw lang ang minahal ko. I gave everything to you but this situation is different. May madadamay na bata and that idea kills me. Pinipilit ka ng pamilya mo na panagutan si Nathara pero no'ng ako nabuntis noon. Nasaan ka?" Naiiyak kong sabi sa kanya habang ako naman ay nakatingin na sa akin
I wanna die and this pain in me makes me weak and fragile.
"Gusto kong malaman kung sinong pipiliin mo, because I'm willing to fight for you and I'll make this situation easy. Ako ang magpaparaya para sa bata at kay Nathara. Naiintindihan ko si Nathara dahil katulad ko naranasan ko na rin ang pinagdadaanan niya ngayon. Nasasaktan mo ko, Miko. No one knows how painful it is." May diin sa bawat salita ko.
I tried enough, at hindi ko na kayang ipaglaban pa dahil wala akong laban.
"Ako na ang pipili para sayo, Miko. Hindi mo na ako kailangan pang saktan sa salita kasi ako na mismo ang nananakit sa sarili ko. I love you, Miko." Sabi ko sa kanya bago ako tumingin mismo sa mga mata niya.
And I end it.
"Huwag mo sana hanapin sa iba ang pagkukulang niya. I'm letting you go."
---
-JustForeenJeo
BINABASA MO ANG
The Past Is In The Present
General FictionPerez Series #2 They say the past is just a memory that will haunt us and hurt us in many ways. But why is it every human being wants to go back in the past even though it can hurt them? What will you do if they come back. If they want you back, if...