Chapter 21

3K 74 2
                                    

Chapter 21

Pagkatapos sabihin sa akin ni Miko ang mga katagang 'yon ay iniwan niya na ako.

Iyak ako ng iyak hanggang sa makarating ako sa bahay. Doon ko nilabas lahat sa gabing 'yon.

Nakapag-isip ako na kahit masaktan man ako ng ilang beses. I'm going to win him back again.

---

Maaga akong nagising para makausap ko si Kuya Paolo. Kailangan ko pang magsuot ng reading glass para hindi mahalata sa mata ko ang pag-iyak.

Pagkakita pa lang sa akin ni Kuya Pao ay nangunot na agad ang noo niya.

"Did you cry?" Agad niyang tanong kaya bumagsak agad ang balikat ko.

No need to hide.

Napabuntong hininga naman ako.

"Kuya, I need to know kung saan siya nakatira o kung nasaan ba ang kompanya niya dito?"

Tumingin naman siya sa akin ng may pagtataka sa mata. Hindi ko na naman maiwasan na hindi maiyak. Masyado na akong emosyonal.

"Kuya, I need to win him back. I need him."

Tears escaped in my eyes para maging dahilan para lumapit agad siya sa akin ay niyakap ako. Tinanggal ko naman ang glasses na nasa mata ko.

"Don't cry. Shhh. I'll tell you. Just please stop." Sabi niya sa akin at siya na mismo nagpunas ng luha sa mata ko.

"He lives near here. Sa may sunod na kanto. May makikita kang bahay malapit sa cliff, doon siya nakatira. His company nasa unahan lang ng mall na malapit dito. I remember they named it. E's Enterprise."

Napayakap ako ng mahigpit kay Kuya sa sobrang tuwa ko.

"Thank you so much!" Sabi ko sa kanya at nakangiti na ako.

Ginulo niya lang ang buhok ko at umalis na ako agad. Pumunta ako sa kusina para magluto ng dadalhin kong pagkain sa kanya. Sa kompanya na siguro ako didiretso dahil paniguradong nandoon na siya.

Nakaalis na si Kuya Paolo bago pa man ako matapos sa pagluluto.

I wear a dress it's a Scoop Sheer Neck Two Piece Bohemian Dress.

Isa itong Creamy White. Nag heels na rin ako. Isang Sandra Dee Square Heels na kulay creamy white rin.

Nang makita kong maayos na ako ay kinuha ko na ang paper bag na may laman ng niluto ko at nilagay ko ito sa passenger seat saka ako nagdrive papunta sa E's Enterprise.

Agad naman akong pinagtinginan dito pero binalewala ko na lang. Binati ko naman ang guard na nandoon at halata naman na Pilipino siya kaya hindi na niya tinanong kung anong gagawin ko sa loob.

Habang naglalakad ako ay panay ang bulungan nila dahil sa hindi ko maintindihan ay binalewala ko na lang hanggang sa makarating ako sa elevator.

Pinindot ko ang top floor dahil kadalasan ay doon naman talaga ang opisina niya.

Nasa may harapan ako at may tatlong babae sa likuran ko.

"Is she some those random girls who've been here for Sir Miko?"

Umarko naman agad ang kilay ko dahil sa narinig.

Random girls? Marami bang babae ang pumupunta dito?

"As you can see she's the only girl who brought some presents for Sir Miko except than Ma'am Nathara."

Kumabog naman ng pagkabili-bilis ang puso ko ng marinig ko ang pangalan ni Nathara. Pangalan niya pa lang nakapagbibigay na ng kakaibang sakit sa dibdib ko.

Hindi ko alam kung paano ko ba haharapin lahat.

Nakarating naman ako doon at dahil sa glass wall ang mga pader ay agad ko siyang nakita na nakaupo sa swivel chair niya habang nakatingin sa glass window niya. Kita nito ang kabuuan ng lugar dahil sa taas ng kinaroroonan namin.

Hindi na ako kumatok at pumasok lang ako ng tuloy-tuloy doon. Alam kong narinig niyang may pumasok dahil sa tunog ng heels ko.

Umikot siya paharap sa akin at kita sa mukha niya ang pagkabigla.

Kinakabahan din ako pero nilalabanan ko ito. Ngumiti ako sa kanya ng pagkatamis-tamis.

"Kumain ka na ba?" Masaya kong tanong sa kanya pero deep inside me ay pinapatay na ako ng kaba sa dibdib ko.

Hindi naman siya sumagot kaya tinikom ko na lang ang bibig ko at nilapag sa table niya ang dala kong paper bag.

"Hindi naman kita minamadali na patawarin ako, Miko. But I'm asking for your forgiveness. Please come back to me?" Nilakasan ko na ang loob ko na sabihin iyon na hindi mapaiyak sa harapan niya.

"What a nice view. Trying to fix what is broken?" Nagulat ako ng may marinig akong nagsalita kaya napatingin ako sa likuran ko at nakita kong nandoon si Nathara at nakataas ang kilay sa akin.

"Nathara!" Awat sa kanya ni Miko pero hindi nagpatinag si Nathara at lumapit siya sa akin ng nakangisi.

"Ang lakas din naman ng loob mo para maghabol hanggang dito. Hindi ka ba binalikan ni Miko kaya kahit saan siya pumupunta ay hinahabol mo siya pati dito sa States umabot ka? " Sabi niya sa akin.

Alam kong nasaktan ako doon pero hindi ko alam kung saan niya nakuha ang mga salitang ganoon.

"Ano, Gab? Gusto mo na naman siyang agawin sa akin? Magmamakaawa ka na naman sa akin na ibigay ko siya sayo?" Sabi niya habang matalim na nakatingin sa akin.

Hindi ko alam kung bakit natawa ako sa sinabi niya. Nakita ko kung paano siya nainis ng tumawa ako.

"May I remind you, Nathara. Kahit kailan hindi ako nagmakaawa sayo. Never. Kung hahabulin ko man si Miko, wala na sayo 'yon." Sabi ko sa kanya at kita ko ang galit sa mukha niya dahil sa sinabi ko.

"May I remind you too, na ikakasal na kaming dalawa."

After hearing those words.

Masasabi ko na wala na akong laban. Akala ko gawa-gawa lang ni Miko 'yon para masaktan ako pero sa sinabi ni Nathara. Nasisigurado ko na ngang talaga na ikakasal sila.

Unti-unti na naman akong nilalamon ng sakit. Hindi magtatagal ay maiiyak na ako sa harapan nila pero kailangan kong maging matatag.

Kung gusto ko talaga na bumalik sa akin si Miko kailangan kong maging matapang para sa sarili ko.

Ngumti ako kay Nathara at kay Miko.

"Masasaktan man ako na makita kayong ikakasal but expect me to be there. I want to witness the wedding that will kill me for a long time."

---

-JustForeenJeo

The Past Is In The PresentTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon