Chapter 24

3K 77 3
                                    

Chapter 24

Nakalabas na ako sa hospital at naging maayos na ulit ang samahan namin ni Miko. Nanatili pa rin kami dito sa States at si Kuya Paolo naman ay sunod-sunod ang business trip na pinuntahan.

Isang buwan na rin ang nakalipas ng magkaayos kaming dalawa, lagi ko siyang kasama sa bahay o sa bahay nila at sa opsina niya. Sa tuwing kumakanta ako sa The Vince ay nandoon siya at todo bantay din siya kapag napapalapit sila Ben at Kyle sa akin.

Hindi ko naiintindihan minsan ang ugali ni Miko kasi kahit bata ay pinagseselosan niya, though I found it cute but still not enough reason.

Kasalukuyan kaming pupunta sa isang party kung saan ito ay parte ng event sa kompanya nila Miko. Nag-ayos ako at nakasuot ako ng isang silver gown na simple lang ang design.

Miko choose this color for me, dahil bagay daw ito sa akin kaya pumayag na ako.

I put light make-up on my face so that I don't look pale.

Nag stiletto na lang din ako.

Sinundo naman ako ni Miko papunta sa party na hineld dito sa isang sikat na hotel sa States. It's the Eurostar Hotel.

Inalalayan niya ako sa pagbaba. Napangiti naman ako agad ng makita ko siya. Kahit siguro itapat mo sa akin ang napakaraming gwapong lalaki na nandito, si Miko pa rin ang pipiliin ko.

No one can replace my first love in my heart. No one can beat him.

Pumasok kami sa loob at nakita namin kung gaano karami ang nandoon dahil puro businessman na kasama ang mga date o ang mga asawa nila.

Nakahawak pa rin si Miko sa kamay ko na parang mawawala ako sa kanya mamaya. Hindi niya rin inaalis ang mata niya sa akin at para tuloy akong na c-conscious sa mukha ko.

Umupo lang kami sa may gilid at hindi siya nakikipag-usap sa mga tanong nandito at hinihintay niya pa na lapitan siya ng mga ito. Sila ang nag p-party tapos hindi man lang niya magawa na makipag-socialized sa mga nandito.

Tinignan niya ako kaya napangiti naman ako sa kanya.

"Nasabi ko na ba na maganda ka?" Tanong niya kaya umiling naman ako.

Ilang beses niya na akong sinabihan pero gusto kong marinig ngayon.

"Buti naman." Sagot niya na naging dahilan para umarko ng tuluyan ang kilay ko at masama akong tumingin sa kanya pero ang mokong ay tinawanan lang ako.

Panira rin talaga ng moment minsan.

"Your beyond beautiful, Gab. Ikaw ang pipiliin ko kahit na ang daming babae na nagkakandarapa sa akin." Sabi niya.

Kinurot ko naman siya dahil nagiging mayabang na ang Miko at para na tuloy siyang si Niko.

Kamusta na kaya ang isang 'yon? May girlfriend na kaya o naghihintay lang talaga na puntiryahin siya ng tadhana.

"Doon ka sa mga babae mo kung ganoon." Nagtatampo kung sabi sa kanya at tumawa lang siya sa akin.

"How many times do I have to tell you that you're my past that I want to have again."

Ilang beses niya nang tinunaw ang puso ko gamit ang mga salita niya na hindi ko alam kung saan niya napupulot.

Pagkatapos kong mapunta sa hospital ay ganito na ang ugali niya. Iyong suplado na Miko, 'yong hindi salita ng salita, 'yong laging blanko ang mukha ay iba na sa Miko na kaharap ko ngayon.

"Don't leave me again, Gab. I want you to promise me." Nagulat ako ng bigla niya itong sabihin sa akin.

Kumabog ng mabilis ang puso ko na parang may hindi magandang mangyayari.

"No matter what happened, just trust me. I need your trust, Gab." Sabi niya sa akin but I saw sincerity and desperation in his eyes kaya tumango ako sa kanya.

Masyado ng maraming nangyari sa aming dalawa kaya haharapin namin ito ng magkasama. The problem versus us.

"Kiss me before I went up there." Sabi niya sabay nguso sa stage na meron sa gitna ng hall na ito.

Sinamaan ko naman siya ng tingin kasi maraming tao sa hall na ito tapos PDA pa ang gusto ng isang 'to.

"Later. Maraming nakatingin sa atin." Sabi ko sa kanya pero ngumuso lang siya sa akin.

Kahit kailan talaga ayaw magpapigil. Dinampian ko ang labi niya pero nakanguso pa rin kaya gusto ko ng kurutin ang bibig niya.

"Kulang pa' yon. 7 years plus 1 year without you, babe. Marami kang utang na babayaran." Napanganga naman ako sa sinabi niya.

"Convert them into days at kailangan mo 'yon bayaran ng halik araw-araw plus, isang I do kapag nag propose ako." Sabi niya na nakangisi pa.

Hindi ko alam kung matatawa ako sa kanya o maiiyak sa sinabi niyang mag p-propose siya.

"Just choose, babe. You'll kiss me or you'll ride me. You can even pick both if you want." Nakangisi niyang sabi para pumula ang magkabilang pisngi ko sa sinabi niya.

Gusto ko siyang suntukin dito mismo pero magmumukha naman akong sadista sa harap ng maraming tao.

Nagulat ako ng halikan niya ako sa labi at dinampian ng halik ang noo ko.

"Wait me to finish this. We will make a little William and a little Gabriel." Sabi niya para mas mapangiti pa ako lalo.

Sana nga maging tama na ang lahat.

I can't wait to see you holding our babies in your arms.

Tinanaw ko siyang maglakad papunta sa stage hanggang sa makaabot siya doon at ako pa ang una niyang tinignan ng makapunta siya at ngumiti pa siya para maging dahilan na magtilian pa iyong ibang babae at magsinghapan.

Kinuha niya ang mic at tumingin siya sa lahat.

"Good evening everyone! Thank you for attending this kind of party. I am here to announced something."

Habang nagsasalita siya ay may isang naka-pula na babae na pumunta sa harapan niya habang nakatingin sa kanya.

Hanggang sa tumingin ito sa akin and I saw Nathara smirking on me. Tinaasan ko lang din siya ng kilay bago ko ibalik ang tingin ko kay Miko.

"I am William Miko Perez. The CEO of Perez Industry. I'm canceling the emerging of Collin's to my company." Nagulat ako sa sinabi niya para maging dahilan na tumingin sa akin si Nathara ng matalim at ang mga taong nandoon ay nagsimula ng mag-usap ng kung anu-ano.

"Perez Company is in the top. They are one of the companies that could save Collin's Enterprise." Sabi ng isang babae na nasa gilid ko.

Napatingin naman ako kay Nathara na nagwawala na sa harapan ni Miko may mga bodyguards naman na umawat kay Nathara pero nagpumiglas pa ito hanggang sa makarating siya sa akin.

"Dahil ba sa babaeng to, Miko? Iniwan ka na lahat-lahat pero nagawa mo pa ring balikan? Ano bang meron sa kanya na wala sa akin?" Sigaw niya sa harapan ko habang nakatingin kay Miko na nasa maliit na platform.

"She have me, na wala ka." Sagot niya sa mismong mic na hawak niya at nakangiti pa sa akin para maging dahilan na matunaw ulit ang puso ko.

"She's my past and she supposed to be my present. No one can changed that, Nathara. Even you."

---

-JustForeenJeo

The Past Is In The PresentTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon