Chapter 16

3K 77 1
                                    

Chapter 16

Gusto kong sapakin si Miko dahil sa ginawa niya. Hindi ko alam na kaya niya palang ibahin ang boses niya.

Kasalukuyan ko siyang kaharap ngayon sa sala niya habang siya ay nakadekwatrong nakatingin sa akin habang ako naman ay kumakain ng cupcake na bake pa raw ng Mama niya.

"Gab, do you trust me?" Wala sa hulog niyang tanong kaya napatingin ako sa kanya na may gulat sa mata.

May tiwala nga ba talaga ako sa kanya?

Pero paano niya mapapaliwanag sa akin ang tungkol kay Nathara?

Wala bang ibigsabihin 'yon?

"I trust you, Miko. Kahit sabihin ko pa o hindi. Kahit may gawin ka pang mali. Mananatili pa rin akong nagtitiwala sayo." Sabi ko na hindi ko man lang iniisip ang mga sinabi ko.

Nagulat na lang ako ng matapos ko na itong sabihin.

Bigla naman siyang lumapit sa akin at niyakap ako kaya napatigil ako sa pagkain ng cupcake.

Nagulat ako sa paglapit niya. Ano ba talagang problema, Miko? Bakit hindi mo sinasabi sa akin?

"I'm leaving." Tipid kong sabi sa kanya pero alam kong natigilan siya.

Slow motion siyang napatingin sa akin at may gulat sa mata niya.

"A-ano?"

I saw disbelief in his eyes.

"Sinabi ko sayo hindi ba na hintayin mo ko? Bat ka aalis?" Nag h-hysterical niya ng sabi.

Nagulat naman ako sa reaction niya. Hindi ko inaasahan ang ganito.

"A-ano k-kasi.." Halos mautal ako pero pinutol niya na agad ito.

"Why are you leaving me? Did I say that you need to wait for me?" Sabi niya sa akin kaya hindi ko alam kung anong isasagot ko sa kanya.

Kung bakit ganito na lang ang reaction niya sa akin.

"Gab, answer me! Why?" Halos sumigaw niyang tanong sa akin kaya mas nagulat ako.

Nagulat na lang akong napatingin sa kanya when I saw sadness in his eyes at ang mga nagbabadyang luha sa mata niya.

Napaawang naman akong nakatingin sa kanya.

"Leaving you is hard. But watching you leaving me is like I already gave up everything I have to do for you and for our future."

I saw tears escaped his eyes.

Parang kinurot naman ang puso ko sa nakita ko ngayon sa kanya. Hindi ko kaya na makita siyang nasasaktan kasi doble no'n ang sakit na nararamdaman ko.

Niyakap ko siya pero nagulat ako nang bigla siyang lumayo sa akin.

"You want to leave?" Bigla niyang tanong.

Hindi naman ako agad nakasagot kasi hindi ko alam kung anong isasagot ko sa kanya.

"M-miko." Tawag ko sa kanya dahil sa wala akong maisip na sasabihin.

"Just answer my damn question!" Halos sumigaw niyang sabi kaya napatigalgal naman ako.

Nakatingin ako sa kanya na may gulat pa rin sa mukha. I didn't saw this coming. I didn't expect this.

"I need to leave. I need to do this for my family." Sabi ko sa kanya pero nakatingin siya sa kisame at parang malalim ang iniisip hanggang sa mapait siyang ngumiti.

"Kahit kailan at kahit saan. Our family will be the first reason for everything. Hanggang kailan pa kaya Gab? Hanggang kailan pa kaya tayo dapat maghintay para magkaroon tayo ng panahon para sa ating dalawa?" Natatawa niyang sabi kaya nakaramdam naman ako ng paninikip sa dibdib ko.

I don't want this. Mas mahirap pa 'to sa iniwan niya ako.

"I'm doing everything para maging maayos ulit tayo. Ginagawa ko lahat para mabalik tayo sa dati. To get everything back to what it used to be. But I can't! I just fucking can't! Kasi mismo tadhana na ang naglalayo sayo sa akin! And that fucking fact is killing me." Halos may diin ang bawat salita ng sabihin nito sa akin.

Nagbabadya namang tumulo ang mga luha sa mata ko dahil sa mga sinasabi niya.

All this years. Ngayon ko lang nakita si Miko na nag o-open sa akin ng ganito.

How am I supposed to live without you, Miko? Now that I've been loving you for so long.

"Napapagod din ako, Gab. Napapagod na ako na ipaglaban 'to. I left because of my family, you suffered and we lost our child. After 7 years, everything has changed. I want you back and then you will going to leave me because of your family. How many more years we need to waste para maging tama na ang panahon para sa atin?"

We are in pain for the same reason again. Una ay siya at sumunod naman ako.

"Kung aalis ka man, Gab. Just please don't leave me longer. I might die." Halos mapaos niyang sabi sa akin.

That moment I know that my heart is now crushed in pieces. Niyakap ko si Miko at hinayaan niya akong yakapin siya. He cried and I cried. We both cried.

If pain is love. Then let's hurt ourselves now.

---

Nakatulog si Miko sa balikat ko at kanina pa ring ng ring ang cellphone ko. Sinagot ko ito pero hindi ako sumagot.

"Gab, kailangan na kita dito. Kapag hindi ka pa pumunta dito baka wala nang matira sa kompanya. Kailangan natin itong isalba. I need you now!" Puro sigaw ni Kuya Paolo sa akin.

Napapikit naman ako. What will I do now?

Tinignan ko ang nakapikit na mukha ni Miko at isa lang ang tumatakbo sa isip ko ngayon.

I can't leave this man. I can't bear leaving him.

Pero wala akong pagpipilian? Mahalaga kay Lolo ang kompanyang iyon. Kung para sa akin ay kaya kong isakripisyo ang kompanyang iyon para kay Miko pero para kay Lolo.

I can't.

"I'm leaving." Tipid kong sabi bago ko ito binaba.

I look at him once again. Tears escaped in my eyes while looking at him. I stared at his face.

Gusto kong mamemorize ang bawat parte ng mukha niya. Kahit nunal niya ay gusto kong malaman kung saan ito nakapwesto.

Nasasaktan akong kailangan kong umalis dahil sa dahilan na mas pipiliin ko ang kompanya kesa sa kanya.

Tinignan ko ang relong suot ko at 5 na ng hapon. 8 ang flight ko kaya kailangan ko nang umalis. Ayaw ko man siya iwan ay wala na akong magagawa.

Inayos kong ilagay ang ulo niya sa may sofa. Iningatan ko na hindi siya magising. Tumulo na naman ang mga panibagong luha sa mata ko habang nakatingin sa kanya.

Parang sinasaksak ng ilang beses ang puso ko sa ideyang iiwan ko siya.

Hindi ko alam kung magtatagal ba ako doon o panandalian lang pero hindi pa rin mababago no'n ang sitwasyon. Iniwan ko pa rin siya.

Nilapit ko ang labi ko sa labi niya at dinampian ko iyon pero sandali lang. Hinalikan ko rin ang noo niya.

"I don't want to leave you because I don't want you to feel what I feel before but I'll be back. Sana pagbalik ko, meron pa akong babalikan."

---

-JustForeenJeo

The Past Is In The PresentTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon