Chapter 10

3.1K 68 1
                                    

Chapter 10

Sinusubukan kong kontakin si Miko pero hindi ko siya makontak. Sinubukan ko siyang puntahan sa kompanya nila pero lagi akong walang naabutan. Hindi ko naman alam kung saan siya nakatira ngayon.

Halos mag iisang linggo na kaming hindi nagkikita at ang huli no'n ay noong nakita ko siyang nakatingin sa akin sa labas ng coffee shop ko.

Isang linggo na rin na si Isaac ang lagi kong kasama dahil gusto niyang bumawi sa mga taong hindi kami magkasama.

Marami na siyang nakwento at marami na rin akong nakwento sa kanya maliban kay Miko.

Hindi ko alam dahil meron sa loob ko na nagsasabi na huwag kong sabihin iyon.

Siguro hindi pa ito ang panahon para malaman niya iyon kaya hinayaan ko na lang muna.

Nandito ako ngayon sa isang restaurant dahil magkikita raw kami ni Lolo. Sinabi ko naman sa kanya na sa mansion na lang kami mag-usap pero gusto nito na kumain kami sa mismong restaurant na ito.

Nag suggest ako ng restaurant na mas malapit sa mansion pero hindi ko alam kung bakit niya pinipilit sa akin na sa mismong restaurant na ito pumunta.

Ang usapan namin ay lunch time kaya saktong 11:30 ay nandito na ako. Sampung minuto pa lang naman ang nakakalipas at nakita ko na siyang dumarating kasama ang mga PSG niya.

Medyo mahina na rin si Lolo kaya kailangan niya na ng mga alalay. Si Lola naman ay nasa mansion siguro at nakatambay na naman sa garden niya.

Humalik ako sa kanya bago kami maupong dalawa.

"Anong pag-uusapan natin, Lo?" Straight forward kong tanong pero tumawa lang si Lolo sa inakto ko.

"Kahit kailan ka talaga, hija. Gusto mo ng walang paligoy-ligoy." Sabi niya kaya nakitawa na lang ako sa kanya pero hindi ko siya sinagot.

"Nag order ka na ba?" Tanong niya pero umiling lang ako.

Kinuha niya ang menu at tumawag mg waiter. May sinabi siyang mga pangalan ng pagkain pero hindi ko na iyon pinansin dahil nakatutok ngayon ang mata ko sa isang lalaki na may kausap na babae.

I saw my man talking to a woman. Nakita ko ang bawat saya at ang bawat ngiti ni Miko habang kausap ang babaeng iyon.

Nakaramdam ako agad ng sakit sa dibdib ko.

Ilang linggo kaming hindi nagkita tapos makikita ko na lang siya ngayon na may ibang kasama. I'm not mad or jealous dahil may kasama siyang babae pero iyong hindi siya magpakita sa akin at kausapin ako ay ang isang bagay na hindi ko maintindihan.

Nawala lamang ang attention ko sa kanila ng nagsalita si Lolo.

"Let's talk now." Sabi niya.

Bumabagabag pa rin sa akin ang nangyayari sa kanila Miko at ng babaeng kasama niya pero kailangan ko itong isawalang bahala dahil kaharap ko si Lolo. Hindi niya pwedeng makita si Miko na nandito rin ngayon.

Kinalma ko ang sarili ko bago ako tumingin sa kanya. Ngumiti ako sa kanya na nagpapahiwatig na magsimula na ito sa pagsasalita.

"Nakita ko kasi apo na hindi ka handa at hindi mo kaya na patakbuhin ang Kai Industry kaya may naisip akong paraan." Sabi niya sa akin kaya lumiwanag naman agad ang mukha ko.

Ayaw na ayaw kong ako ang magpatakbo ng kompanyang iyon dahil sa kadahilanang alam ko na hindi ko kaya at isa pa, sa sobrang laking kompanyang iyon ay hindi sapat ang mga nalalaman ko at mga pinag-aralan ko para patakbuhin iyon.

Naisip ba ni Lolo na ibigay na lamang iyon kay Vandiel o sa iba ko pang mga pinsan? Natuwa naman ako sa naisip ko.

"So I came up for a solution." Sabi niya na nagpangiti pa sa akin.

"What is it, Lo?" Tanong ko sa kanya habang inaabangan ang sunod niyang sasabihin.

"We need to merge the Kai Industry to the other company." Sabi niya sa akin kaya naisip ko naman na baka sa company nila Tito Ronald dahil ang kompanya nila ay papataas naman.

It's rising.

"Tito Ronald's Company?" Tanong ko pero umiling naman si Lolo na naging dahilan para kabahan ako.

"I want it to be merge in Marco's Company. The only way to do it is through you hija and to Isaac. Kailangan niyo magpakasal."

Para akong nabingi at unti-unting nawalan ng tunog ang dibdib ko habang nakatingin sa direksiyon kung nasaan naroroon si Miko. Para akong hihimatayin sa narinig ko.

"Hindi pwede, Lo. Ayoko!" Mabilis kong sagot para magulat si Lolo sa reaction ko.

Inaasahan niya bang magiging masaya ako?

"Pero apo."

Bago niya pa matuloy ang sasabihin niya ay nagsalita na ako.

"Ayokong magpakasal sa isang taong hindi ko mahal, Lo. For me marriage is a sacred thing. I don't want to be married because of business. I want it for love. I don't want it for convenience. I'm sorry, Lo. But I can't do that." Sabi ko sa kanya.

Nakita kong mapait siyang ngumiti sa akin bago tumingin sa kanyang likuran at tinignan ang kinaroroonan ni Miko.

"It is because of him?" Sabi niya na ikinagulat ko.

Alam ni Lolo na nandito si Miko pero paano? Is it coincidence or did he planned this para makita ko?

"No, dahil sa akin 'to. I want my own happiness. I am now chasing my dreams and my life, Lo. I don't want to get tied because of that." Sagot ko sa kanya pero nanatili pa din siyang nakatingin kay Miko bago tumingin sa akin.

"I like him for you." Sabi niya na mas nagpabilis pa ng pagtibok ng puso ko.

Gusto kong magsaya sa narinig ko sa kanya.

"But the idea of him, leaves you and he didn't fight for you, hija. Iyon ang hindi ko nagustuhan." Dagdag niya.

Lahat ng kasiyahan na naramdaman ko kanina ay ganoon din kabilis nawala.

"He's perfect for you. Family oriented. Maaasahan mo sa business pero sa ginawa niya sayo noon. Hindi ko alam kung kaya ba kitang ipagkatiwala sa kanya. Ikaw ang nag-iisa kong apo na babae, hija. So I want the best for you. Masakit makita para sa akin na nakikita kita noon na nagmamakaawa na ibalik sayo ang nawala mong anak pero wala akong magawa. Kaming mga Lolo, Lola at ng mga magulang mo. Kahit isa wala kaming maisip na paraan para mabawasan ang mga sakit na nararamdaman mo. Sa tanang buhay ko, ang makita ka sa sitwasyong iyon ang isang bagay na hindi ko kayang maulit muli, hija. Para akong nakipagkita na sa kamatayan dahil sa paghihirap mo and I don't want that to happened again."

---

-JustForeenJeo

The Past Is In The PresentTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon