Chapter 17
William Miko Perez
Nagising ako dahil sa pananakit ng leeg ko. Minulat ko ang mata ko at nakita kong madilim na sa labas. Tinignan ko ang relo ko at nakita kong alas otso na ng gabi.
Tinignan ko ang katabi kong upuan at wala na doon si Gabby.
Inayos ko ang damit ko bago ako tumayo para hanapin siya. Una kong pinuntahan ang kusina dahil baka nagluluto siya pero dismayado ako dahil wala siya roon.
May naiisip na ako pero ayaw tanggapin ng puso ko. Isinawalang bahala ko ito pero may konting kurot ng bumabalot sa puso ko.
Umakyat ako sa itaas ng bahay dahil baka nag-ikot-ikot lang siya sa bahay pero wala pa rin.
Pumunta ako sa labas papuntang garden pero wala pa rin hanggang sa malibot ko na ang buong bahay ay wala akong Gabby na nakita.
Nanikip na ng tuluyan ang dibdib ko. Ang akala ko ay pipiliin ako ni Gab tulad nang kung paano ko siya piliin noon sa harapan nila Lolo.
Kung paano ko siya pinaglaban sa kanila Lolo pero sadyang malakas sila noon dahil nagawa nila akong ilayo sa kanya.
Akala ko hindi niya gagawin ang mga bagay na nagawa ko sa kanya.
Akala ko pipiliin niya ako pero hindi. Umasa ako at iyon ang pinakamasakit.
Napahilamos ako sa mukha ko habang ang mga luha sa mata ko ay patuloy sa pag-agos.
Nasasaktan ako, Gab. Sobrang sakit.
I don't know how to ease this pain. This is unbearable. I don't know how to handle this.
Nag ring ang cellphone ko kaya sinagot ko ito agad. Tumatawag ang secretary ko kaya sinagot ko na.
"Sir Miko, the Kai Industry is now bankrupt. What do you want me to do?" Tanong niya sa akin kaya napaayos ako ng tayo at pinunasan ang mga luha sa mata at pisngi ko.
"Buy it. Gamitin mo ang pangalan ko pero gusto ko ang titulo ay nakapangalan sa kanya. I want it now." Sabi ko sa kanya bago pinatay.
Tumingin ako sa langit at nakita ko ang mga stars na nagkikislapan.
Binili ko na, Gab. Sana bumalik ka. Hihintayin kita, baby. Maghihintay ako.
---
Gabriel Kai
Puro buntong hininga ako nang makarating ako sa States. Sinundo ako ni Kuya Paolo doon. Hindi ko alam kung tama ba ang naging desisyon ko.
Ngayong na nandito na ako ay parang mas gugustuhin ko na lang ng umuwi na at bawiin lahat ng sinabi ko kay Miko.
Hindi ko kayang isipin na nasasaktan ko siya na mas pinili ko ang kompanyang ito kesa sa kanya.
"May bumili na ng kompanya, Gab." Balita sa akin ni Kuya Paolo ng makababa ako papunta sa sala.
Sa resthouse ni Lolo kami tumira ngayon.
"Sino raw?" Tanong ko habang hawak-hawak ko ang laptop ko.
"William daw."
Nang marinig ko yon ay umaasa ako na baka si Miko yon pero bakit niya naman bibilhin ang isang kompanyang na bankrupt?
Ang hindi ko rin maintindihan kung bakit ganoon na lang kabilis bumaba ang mga sale at na bankrupt? Anong masasabi ni Lolo kapag nalaman niya ito?
"Alam na ba ni Lolo to?" Tanong ko sa kanya pero umiling lang siya sakin.
"Ang alam nila ay mag t-training ka para sa pag t-take over mo sa kompanya. Hindi kakaynin ng puso ni Lolo kapag nalaman niya to." Sabi ni Kuya Paolo kaya mas lalong sumakit ang ulo ko sa sinabi niya.
Paano kapag nalaman ni Lolo? Paano namin sasabihin sa kanya at ipapaliwanag?
"Kung uuwi ka, Gab. Malalaman niya." Sabi niya sa akin kaya napabuntong hininga na naman ako.
"Ilang araw ba ako dito?" Tanong ko sa kanya.
Kaya napatingin naman siya sa akin.
"Tatlong taon, Gab. Tatlong taon."
Sabi niya kaya napatingin ako sa kanya nang hindi makapaniwala.
Tatlong taon? Sampung taon ang mawawala sa amin ni Miko. At sa tatlong taon na 'yon hindi ko alam kung may babalikan pa ba ako. Pitong taon na ang nawala.
Napapikit na lang ako sa oras na yon. Gusto kong umalis na dito. Gusto ko siyang balikan. Hindi ko kayang ganito ang sitwasyon.
"I can't stay here any longer, Kuya Pao." Sabi ko sa kanya sa mababang tono.
Parang gustong umiyak ng puso ko sa mga nangyayari. Parang hindi niya na kakayanin.
"I know. Pero wala tayong pamimilian, Gab. I'm still working and investigating about the company. Nirereview ko lahat para makita ko kung may naging problema ba talaga or merong sumira ng kompanya." Saka siya tumingin sa akin ng makahulugan.
Iyon rin ang nasa isip ko. Hindi naman kasi ganoon kadali masira ang isang kompanyang nasa tuktok na ngayon.
Maybe hindi ito kasing tanyag ng sa kanila Miko pero hindi ito maliit na kompanya lang.
---
Year had passed at wala pa rin kaming nahahanap ni Kuya Miko but we found out na hindi ito dahil sa mismong problema sa kompanya kung hindi ay may gustong sumira nito.
Si Kuya Paolo ang bahala na sa paghahanap kung sino iyon. Napabili na ang kompanya pero meron pa rin kaming access para makapasok dito.
It's been a year since I left.
Gusto kong kamustahin si Miko pero hindi ko naman alam kung anong sasabihin ko sa kanya. Natatakot ako sa magiging reaction niya.
Kasalukuyan akong pupunta sa isang restaurant dahil gusto ko nang makita ang bumili ng kompanya.
Kararating niya lang daw galing Venice kahapon ay nagmadali na itong pumunta dito para makausap ako. Hindi ko alam kung anong pag-uusapan namin pero bahala na kung ano man.
Naka-dress lang ako na kulay black. Nag flats na lang din ako para hindi ako mahirapan. Hindi naman nagtagal ay nakarating na ako doon at umupo lang ako sa isang table habang hinihintay ko ang taong 'yon.
Tumingin muna ako sa may kalsada dahil gawa naman sa glass at mga walls dito kaya may kalayaan ka na tumingin sa paligid.
Nagsisimula ng mag winter dito. Nakikita ko ang mga batang naglalaro sa may ilalim ng puno. Hindi ko alam kung bakit parang kung may ano sa akin na gusto silang lapitan.
After a year of staying here. Masasabi ko na ngayon lang ulit ako nakangiti ng ganito.
---
-JustForeenJeo
BINABASA MO ANG
The Past Is In The Present
General FictionPerez Series #2 They say the past is just a memory that will haunt us and hurt us in many ways. But why is it every human being wants to go back in the past even though it can hurt them? What will you do if they come back. If they want you back, if...