Chapter 18

2.9K 76 1
                                    

Chapter 18

Lumapit ako sa kanila at nakita ko naman na sayang-saya sila sa paglalaro ng mga water guns nila.

Nilapitan ko ang isang batang babae na nasa gilid lang, nakatingin sa tatlong lalaki at sa isang babae na naglalaro. Makikita mo sa mata niya na gusto niyang sumali.

"Hey! Are you okay?" Tanong ko sa kanya at tumingin naman siya sa akin at ngumiti.

Iyong mga ngiti niyang nakakagaan ng loob.

"I'm fine, Miss. Thank you for asking me." Sabi niya at itinuon muli ang paningin sa mga batang naglalaro.

"Why don't you join them?" Tanong ko sa kanya pero nanatili pa rin siyang nakatingin doon bago siya umiling.

Nakita ko naman na nakatingin sa amin iyong isang batang babae at matalim siyang nakatingin sa batang kasama ko.

Nakaramdam naman ako ng inis sa batang yon. Ang bata niya pa para umasta ng ganoon.

"No. I don't play that kind of game." Sabi niya sa akin pero pakiramdam ko, the way she said those words to me, parang labas sa ilong niyang sinasabi.

Iyong napipilitan siyang sabihin iyon.

"Why don't you try it? It's good to play. Look at them, they were enjoying. You should try it too." Sabi ko sa kanya.

Tumingin naman siya sa akin na parang may sinabi akong sobrang ganda.

"I'm just thinking that maybe they don't want me to play with them because they don't ask me to." Naka-pout niya pang sabi kaya mas natuwa ako sa kanya.

Lumapit ako sa mga batang naglalaro habang hawak-hawak ko ang kamay niya.

"Hi." Bati ko sa kanila kaya tumigil naman sila sa ginagawa nila at napatingin sa akin.

Ang charming nilang tignan habang ang isang batang babae ay nakataas ang kilay sa akin.

Pakiram ko tuloy sa magiging storya ng mga batang to ang ugali ng batang ito ay para sa mga kontrabida. Tinaasan ko rin siya ng kilay kaya parang natakot siya.

"I'm Ate Gab." Pakilala ko sa kanila at ang tatlong lalaki ay nag-unahan papunta sa akin para magpakilala kaya natawa naman ako.

"I'm Lazaro." Sabi ng isang lalaki na mas matangkad sa kanila at moreno.

"I'm Kael." Sabi ng isang lalaki na pinakamaputi sa kanila.

"Spade." Maiksi at matipid na sabi ng isang batang makikita mo ang kasupladuhan.

Ngumiti ako sa kanilang tatlo at tinignan ko ang batang nakahulukipkip na nakatingin sa amin.

"Steph, magpakilala ka." Sabi ni Kael na parang siya ang spokesperson ng grupo nila.

Nagulat naman ako ng magtagalog siya.

"Mga Pilipino kayo?" Tanong ko habang nakangiti akong nakatingin sa kanila.

Sabay-sabay silang tumango sa akin kaya mas natuwa naman ako.

Magsasalita pa sana ako ulit ng may malakas na bumusina kaya napatingin ako sa restaurant at naalala ko ang dahilan kung ba't ako nandito.

Tinignan ko silang lahat.

"I have to go. Babalikan ko kayo mamaya." Sabi ko at hinalikan ko sila lahat maliban kay Steph na iniwas ang sarili sa akin kaya hinayaan ko na lang siya at umalis na ako.

Bumalik ako sa restaurant at nagulat ako nang tinawag ako ng isang lalaki. Siguro mga nasa mid 30's na siya. Lumapit ako sa kanya at ngumiti bago ako umupo sa harapan niya.

"I'm Rav." Pakilala niya.

Nag shakehands din kami. Nagpakilala rin ako.

"Hindi na ako magtatagal, Miss Gab. Nandito ako para ibigay sa inyo 'to. Hindi makakarating si Sir William pero pinapabigay niya ito." Sabi niya at binigay sa akin ang isang violet na invitation.

Binuksan ko ito parang gumunaw ang mundo ko nang makita ko ang laman nito.

William Miko and Nathara Engagement Party.

Parang bumagsak lahat sa akin sa nabasa ko.

Sumisikip ang dibdib ko at hindi ko alam kung anong magiging reaction ko.

Tinignan ko si Rav sa hindi makapaniwalang tingin.

Ang William ba na tinutukot nila ay si Miko? Si Miko ang bumili ng kompanya? Alam ba to ni Kuya Paolo? Kaya ba hanggang ngayon ay hindi namin makita kung sino ang sumisira sa kompanya dahil matagal niya na siyang may alam?

Parang gusto kong magwala sa mga naiisip ko kahit wala naman kasiguraduhan lahat ng naisip ko.

"S-si Miko ang bumili ng Kai Industry?" Tanong ko sa kanya kahit na alam ko naman kung ano na ang sagot doon pero gusto ko marinig mismo sa kanya.

"He is, Miss Gab. Simula ng nalaman niyang na bankrupt ang Kai Industry ay binili niya na ito agad at inilipat sa babaeng papakasalan niya raw."

Natuod ako sa narinig ko sa kanya.

Si Nathara ba ang tinutukoy niya? Nagbabadyang kumawala ang mga luha sa mga mata ko pero pinipigilan ko dahil nasa harapan ko si Rav. Ayokong makita niya ako sa ganitong sitwasyon.

Nauna na akong nagpaalam sa kanya at dali-dali akong nagdrive pauwi sa bahay. Nagkulong ako sa kwarto at umiyak ako ng umiyak doon.

I cried my heart out.

Sabi niya hihintayin niya ako pero bakit hindi man lang lumipas ang ilang taon at may kapalit na agad ako.

Ganoon ba ako kadali palitan sa buhay niya?

Mas sumakit naman ang dibdib ko sa naisip ko.

Si Nathara iyong nandiyan noong nawala ako. Si Nathara ang nandiyan ngayong iniwan ko siya at si Nathara pa rin ang mananatiling nandiyan para sa kanya at ngayon si Nathara ang papakasalan niya.

Umiyak ako ng umiyak hanggang sa matulugan ko ito. Nagising na lang ako dahil sa isang tawag.

Hindi ko nagawang tignan pa kung sino ang caller at sinagot ko na lang agad ito.

Hindi muna ako sumagot dahil inaayos ko pa ang boses ko dahil mahahalataan mo ang pag-crack ng boses ko kapag nagsalita ako agad.

"I don't want to see your tears flowing because of me. I don't want to see your eyes staring at me blankly." Husky ang boses niyang sabi.

Hindi ko maintindihan kung bakit ganito ang sinasabi niya pero tumaas nag balahibo ko nang may maalala ako sa ganitong tono at sa ganitong boses kaya mas napaiyak na naman ako. Mga panibagong luha na naman ang tumutulo sa mata ko.

"M-miko." Cracked ang boses kong tawag sa kanya at pagkatapos nun ay napatay na ang tawag.

Umiyak na naman ako ng umiyak at dahil sa kanya na naman 'yon.

Ayokong dumating ang panahon na kahit anong pilit kong balikan siya ay wala na akong babalikan.

---

-JustForeenJeo

The Past Is In The PresentTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon