Chapter 29

2.8K 68 2
                                    

Chapter 29

Nagising akong mugto ang mata ko dahil sa nalaman ko kay Nathara ay hindi na ako nakapunta pa sa The Vince kaya hindi na ako magtataka kung susugod sila Kyle dito para punatahan ako.

Bumangon ako sa kama pero hindi ko man lang maramdaman ang sarili ko.

I feel so numb.

May narinig akong nag door bell kaya bumaba na ako. Hindi ko man lang nagawang tumingin sa salamin kung ano ang itsura ko basta na lang akong lumabas at wala akong pakialam sa sasabihin ng mga makakakita sa akin.

Pagbukas ko nito ay niyakap agad ako ni Ben kaya napangiti naman ako ng konti. Naiiyak na naman ako dahil naaalala ko si Vandiel sa kanila.

"How are you? Are you sick?" Sunod-sunod na tanong ni Ben pero hindi ako sumagot at niyakap ko lang siya at umiyak na naman ako sa balikat niya.

Magkasing-height lang kaming dalawa kaya hindi ako mahihirapan na yakapin siya. Sa kanilang apat siya ang pinakamaliit at si Luther ang pinakamatangkad sa kanilang lahat.

"Are you okay, Ate Gab?" Tanong ni Kyle na nasa likod ni Ben na nakaharap sa akin.

Umiling ako sa kanya saka ako yumuko at yumakap kay Ben.

"Can you tell us?" Tanong ni Luther kaya napatingin naman ako sa kanya at tumango.

Kumalas naman ako ng yakap kay Ben at nauna na akong umupo sa sofa sa sala at sumunod naman sila sa akin at nasa harapan ko silang apat habang ako naman ang nasa tapat nila.

Sabay-sabay silang tumango sa akin bago ako tumingin sa kisame at napangiti ako ng mapait.

"He got her pregnant." Halos mapiyok kong sabi sa kanya at tumulo na naman ang mga panibagong luha sa mata ko.

Natatawa ako sa kaloob-looban ko dahil sa para na akong tanga na hindi matigil-tigil sa pag-iyak.

Tinignan ko sila at blanko lang silang nakatingin sa akin. Si Ben naman ang unang nagsalita.

"Does the both of you talk about it?". Tanong niya sa akin kaya umiling ako.

Hindi pa siya tumatawag at saan naman siya tatawag?

Sinira ko ang cellphone ko at hindi niya alam ang number ng telepono dito.

"Ate Gab, the both of you need to talk about that. You shouldn't conclude something on your own without hearing him out." Napatango naman ako sa sinabi ni Kyle sa akin.

Tama siya, kailangan naming mag-usap ni Miko pero hindi ko pa kaya ngayon. Kailangan ko munang ihanda ang sarili ko sa maririnig ko sa kanya.

Isang sagot at salita lang ni Miko sa itatanong ko. Pwede na iyong baguhin ang buhay ko at patayin ang puso ko sa sakit.

Hindi ko alam kung kakayanin ko pa ba iyon sa dami ng problema na meron ako sa sobrang dami ng pagsubok na nalampasan ko, but this one is much painful than the others.

Hindi ko alam kung kaya ko pa bang mawala si Miko sa pangalawang pagkakataon. Hindi ko na yata kakayanin pa kung pati siya ay mawawala na ng mahabang panahon.

Kung sakali man totoo ang sinasabi ni Nathara. Sobrang sakit no'n para sa akin dahil gusto kong magka-anak kami ni Miko at nawala iyon.

I lost our child before and I can't bear to lose him too.

"You can count on us, Ate Gab." Sabi ni Ian na naging dahilan para ngumiti ako sa kanila.

Sobrang pasasalamat ko talaga at nandito sila sa tabi ko. Hindi ko alam kung saan pa ako kakapit sa lahat ng nangyayari ngayon.

---

Dito na kumain sila Ben ng lunch dahil nagluto ako para sa kanila at pagkatapos no'n ay umalis na rin sila dahil sa masyado ng sikat ang mga batang iyon. Magkabilaang mga events na ang pinupuntahan nila dahil sa pagkakapanalo nila sa contest. Masaya ako para sa kanila dahil alam kong iyon ang gusto nila.

Tatlong araw na ang nakakalipas nang pumunta sila dito at hindi na iyon nasundan pa ulit.

Tinetext naman nila ako lagi at may kung anu-anong sinasabi. Si Ben lang yata ang matiyaga magtext sa kanila dahil ginawa nitong travelogue ang mga pinangtetext niya sa akin. Aaminin kong natutuwa ako dahil doon.

Paalis na sana ako ng bahay ng makita kong may nakatalikod na lalaki sa harapan ng gate. Nagmadali naman akong pumunta doon para makilala kung sino yon hanggang sa humarap ito sa akin.

Tumakbo ako agad palabas ng bahay para lang mayakap ko siya.

My Vandiel is here.

"Alam kong miss mo ako, Gab. Alam ko 'yon." Puno ng confidence niyang sabi sa akin kaya naiiyak akong tumingin sa kanya.

"Oo. Miss na miss kita." Sabi ko sa kanya ng naluluha.

Iyong mukha niyang loko-loko ay napalitan ng mukhang seryoso.

"Namiss din kita kaya nandito ako para sunduin ka. Uuwi ka na dahil maayos na ang kompanya." Sabi niya na ikinatigil ko.

Anong maayos na ang kompanya?

"Vandiel, makinig ka sa akin."

Pero itinaas niya lang ang kamay niya para hindi ako matuloy sa pagsasalita.

"Alam na namin lahat at bago ka pa umalis nalaman na ni Lolo pero hinayaan ka niya dahil gusto niyang makapag-isip ka lalo na at dumating na si Miko." Tuloy-tuloy niyang sabi kaya mas lalo na naman akong naiyak.

Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko.

"Binalik na ni Miko ang kompanya at binayaran ni Lolo ang lahat ng ginastos ni Miko sayo. Si Lolo ang sumira sa kompanya para malayo ka sa Pilipinas at para mapunta ka dito. Gumagawa siya ng paraan para malayo si Miko sayo pero hindi niya inaasahan na susunod si Miko sayo dito kaya kailangan mo nang bumalik ng Pilipinas kung gusto mo na magkatuluyan kayo ni Miko."

Hindi ko alam kung anong paniniwalaan ko.

I can't take this anymore.

"Ikakasal na si Miko dahil nalaman ng pamilya niya na nabuntis niya si Nathara. Galit na galit si Kuya Daniel dahil ex-girlfriend niya pala si Nathara." Sabi niya para matigilan ako.

Pakiramdam ko parang tumigil ang buong mundo ko dahil sa nalaman.

I felt like the whole world betrayed me.

Tinignan ako ni Vandiel at niyakap niya ako.

"Ito ang hindi namin gustong mangyari, Gab. Seeing you crying for the same reason again."

---

-JustForeenJeo

The Past Is In The PresentTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon