Chapter 20
Pababa na sana ako ng stage nang magsigawan sila ng more kaya wala akong nagawa kung hindi ang umakyat ulit doon at kumanta ulit ng isa pang kanta bago ako umalis.
Cause you are the reason by Calum Scott
Ako ang unang kumanta. Pinikit ko na lang ang mata ko at dinamdam ang bawat sinasabi ng mga linya.
"There goes my heart beating
'Cause you are the reason
I'm losing my sleep
Please come back nowThere goes my mind racing
And you are the reason
That I'm still breathing
I'm hopeless now."Alam ko kahit hindi ko man tinitignan si Miko ngayon. Alam kong alam niya na sa kanya ko sinasabi ang bawat linya ng kantang to.
"I'd climb every mountain
And swim every ocean
Just to be with you
And fix what I've broken
Oh, 'cause I need you to see
That you are the reason."Tumaas ang balahibo ko nang kantahin ni Kyle ang chorus. Sobrang lamig ng boses niya.
Nararamdaman ko ang sakit at lungkot sa bawat linya na binibitawan niya.
All I can say. Pareho kami ng nararamdaman.
"There goes my hands shaking
And you are the reason
My heart keeps bleeding
I need you nowIf I could turn back the clock
I'd make sure the light defeated the dark
I'd spend every hour, of every day
Keeping you safe."Minulat ko na ang mata ko at ang mga mata ni Miko ang unang sumalubong sa akin. Sinubukan kong hindi maiyak mismo dito sa harapan dahil sa lungkot at sakit na nararamdaman ko. Sobrang sikip at bigat ng dibdib ko.
"And I'd climb every mountain
And swim every ocean
Just to be with you
And fix what I've broken
Oh, 'cause I need you to see
That you are the reason
You are the reason."Sabay na naming kinanta ito at nagkatinginan pa kami. Nararamdaman ko ang mga tingin ni Miko.
Alam ko meron pang konti, Miko. Alam ko kaya pa kitang maibalik sa akin. Hayaan mo kong gawin yon. Hayaan mong ibalik ka ulit sa akin.
Alam ko na si Kyle na ang kakanta ng sunod na linya pero ako ang kumanta no'n.
"I'm a little sad
Just a little sad
I'm a little sad
I need you to hold me tonight."Binuhos ko na lahat ng sakit na meron ako sa huling linyang binitawan ko at si Kyle na ang nag patuloy sa chorus. Dali-dali akong tumalikod dahil sa mga luhang bumuhos na sa pisngi ko.
Doon ako dumaan sa likuran para hindi ako makita. Pinunasan ko muna ang pisngi ko bago ako lumabas.
Nakita ko naman na papalabas na si Miko kaya nagmadali akong tumakbo. Marami pa ang gustong kumausap sa akin pero binalewala ko na dahil kailangan ko siyang puntahan.
Nakita ko naman siya na papasok na ng kotse niya kaya agad ko na siyang tinawag.
"Miko!" Tawag ko bago pa man ako makalapit sa kanya.
Nakita kong napahinto siya at napatingin sa akin at hindi na itinuloy na buksan ang kotse niya.
Iyong mga luha ko ay gusto na namang bumuhos pero pinipigilan ko ang sarili ko. Kailangan kong mag explain sa kanya.
"Miko." Tawag ko ulit sa kanya.
Hindi ko alam kung paano ako magsisimula. Huminga ako ng malalim saka ako tumingin sa kanya.
"Miko." Tawag ko ulit sa kanya at nakita ko na lang na sumalubong ang kilay niya.
"Alam kong Miko ang pangalan ko at hindi mo na kailangan pang sabihin ng paulit-ulit dahil hindi ko naman nakakalimutan." Malamig na sabi niya sa akin.
Nagulat ako sa paraan ng pagsagot niya sa akin. Kahit kailan ay hindi niya ako trinato ng ganito.
Natawa naman ako sa naisip ko. Ako nga naman pala iyong nang-iwan kaya nababagay lang sa akin na makita ang ganitong trato niya.
"I'm sorry." Bigla ko na lang nasabi at nakita ko naman ang gulat sa kanya pero agad niya itong naitago at tinignan ako ng blanko.
"I don't need your sorry. I don't want to hear another sorry from you. I felt so pitiful and devastated."
Nasaktan naman ako sa narinig ko sa kanya.
Ganoon ba kita nasaktan sa pag-alis at pag-iwan ko sayo?
"Ayokong iwan ka. Ayoko ring umalis." Sabi ko sa kanya habang nakatingin sa mga mata niyang sunod-sunod ng nagpapakita ng mga emosyon.
Mga halo-halong emosyon na pumapatay sa puso ko. Nakikita ko ang mga sakit na naroroon. It's cliche but I think seeing him in pain, it kills me.
"Iba ang umalis sa nang-iwan, Gab. Pero sa ginawa mo. Pareho mong ginawa 'yon. Umalis ka ng alam ko pero hindi ko alam na iiwan mo ko habang natutulog ako."
I can hint pain in his voice.
Mas lalo akong nasaktan na parang pinupukpok ang puso ko.
Hindi ko' to ginusto, Miko.
God knows how much I want to go back now. God knows kung gaano ko gustong bumalik sayo. Pero isang bagay ang hindi ko alam at hindi ako sigurado at 'yon ay kung may babalikan pa ako.
Umiiyak ako ng tahimik sa harapan niya habang tumutulo pa rin ang luha sa mata ko.
"Hindi ko gustong umalis o iwan ka. I left with no choice. Alam mo na para' to sa pamilya ko dahil ginawa mo rin naman ito noon." Sabi ko sa kanya pero nakita ko ang inis sa mata niya.
"Ginawa ko yon, Gab because they forced me to, you have a choice. Pwede ka namang magpatulong sa akin dahil kaya ko naman, magpasama ka sa akin. But you didn't. Kaya mong humindi sa kanila pero hindi mo ginawa at iyon ang mas masakit. Dahil ako kaya kong isugal lahat para sayo, para makasama ka. Pero ikaw isang salita lang galing sa pamilya mo kaya mo akong talikuran. You left me in the space, Gab. You left me there with no air to breath."
Napaluhod na ako sa sobrang sakit na nararamdaman ko. Hindi ko alam kung anong sasabihin ko sa kanya dahil alam kong tama siya. Alam kong may mali akong nagawa at hindi ko alam kung paano ko maitatama iyon.
"Nilibot ko ang buong bahay para mahanap ka pero ni anino mo hindi ko nakita. That day, Gab. I wished that I rather die in the dark than be in the light without the life to live. You left me and break me like a half of a whole."
---
-JustForeenJeo
BINABASA MO ANG
The Past Is In The Present
General FictionPerez Series #2 They say the past is just a memory that will haunt us and hurt us in many ways. But why is it every human being wants to go back in the past even though it can hurt them? What will you do if they come back. If they want you back, if...