Chapter 30

3.3K 73 10
                                    

Chapter 30

Hawak-hawak ko ang suot kong cardigan at magkasabay kaming lumabas ni Vandiel ng airport at hinahanap ang kotseng susunduin kami.

Hawak-hawak ko ang kamay ni Vandiel habang paulit-ulit na tumatakbo sa utak ko ang mga pwedeng mangyari.

Kahit anong gawin ko, masasaktan ako. Sadyain man ito o hindi.

Nakita namin si Papa at Mama na nakatingin sa aming dalawa ni Vandiel kaya hindi na ako nagdalawang-isip at bumitiw ako sa pagkakahawak kay Vandiel at tumakbo na ako para mayakap sila.

Naramdaman ko naman ang higpit ng yakap nila sa aking dalawa. Naiiyak na naman ako pero pinipigilan ko dahil ayokong makita nila na umiiyak na naman ako dahil alam kong nagagalit sila.

They've seen enough, at ayokong ang pagluha ko ang maging dahilan para ilayo nila ako kay Miko.

"How are you?" Sabi sa akin ni Mama na nangingilid na ang luha niya.

Ngumiti naman ako sa kanya at hinawakan ko ang kamay niya.

"I'm doing good, Ma." Pakiramdam ko isang kasinungalingan ang sinabi ko.

Si Papa naman ang tinignan ko at nakikita ko sa mata niya ang pagkamiss sa akin.

"Come'on. Let's go in the resort. Nandoon lahat at hinihintay ang pagdating mo."

Tumango naman ako at tumingin ako sa likuran ko at nandoon na si Vandiel na masama ang tingin sa akin. Ngumiti lang ako sa kanya pero inirapan ako kaya tumakbo ako palapit sa kanya at humawak ako sa kamay niya ulit.

"Tatampo na naman iyong baby namin." Asar ko sa kanya kaya mas lalong bumusangot ang mukha niya.

"Ako na ang sumundo ako pa ang naiwanan. Ang malala pa hindi man lang ako tinawag nila Mama." Nagtatampo niyang sabi kaya niyakap ko siya ng pagilid habang palihim akong napangiti.

Ako yata ang unang mang-aaway sa babaeng magpapaiyak sa kapatid kong 'to.

Vandiel words is like joke.

Mukha niya pa lang natatawa na ako.

But Vandiel words is also a knife, it cut too deep.

Naglakad na kami papunta sa van at saka siya hinalikan ni Mama at kung anu-anong sinasabi. Vandiel is a Mommy's girl kaya parang mukhang bakla na ito. Attention seeker pa at ang malala spoiled kay Mama, dinaig pa yata ako.

---

Dumating na kami sa resort na pagmamay-ari ni Lolo. Gusto ko siyang makausap para malinawagan ako sa lahat.

Unang sumalubong sa amin si Kuya Daniel. Nagulat ako ng bigla niya akong niyakap.

"I'm sorry, Gab. I'm so sorry." Paulit-ulit niyang sabi sa akin kaya kumalas ako sa yakapan namin at tinignan ko siya ng nagtataka.

"What's that for?" Nagtataka kong tanong sa kanya pero ngumiti lang siya sa akin.

"Nevermind, I'm here. You can always scream your heart with me."

Kaya niyakap ko rin siya pero sandali lang saka ako humarap kay Kuya Tristan at puro pangkakamusta at tanong ang ginawa niya kung ano ba raw ang ginawa ko doon.

Bago ako magtungo sa loob ay hinanap ko muna si Vandiel dahil baka magtampo na naman at magkaroon ng topak ang lalaking iyon.

Nakita ko naman siya na kausap ni Kuya Daniel kaya lumapit ako sa kanilang dalawa.

Kumapit ako kay Vandiel at magkasalubong na ang kilay niyang tumingin sa akin kaya natatawa na naman ako.

Ang bakla talaga ng lalaking 'to.

Niyaya na kami ni Kuya Daniel na pumunta sa kanila Lolo at nang makita niya ako ay niyakap niya ako agad.

Hindi ko alam kung paano ko ba siya tatratuhin dahil sa mga nalaman at sa mga nangyari kaya umakto muna akong normal para walang problema.

Puro kami kwentuhan at kwenento ko sa kanila ang tungkol sa pag p-perform ko sa The Vince kaya napagpasyahan ni Papa na magpatayo ng club para doon ako mag perform at ganoon na rin si Vandiel dahil may talent din naman ito sa pagkanta.

Buong araw ay puro kwentuhan kami at hindi inalintana lahat ng nangyari hanggang sa ipaiwan ako ni Lolo para mag-usap.

"Gab, apo." Tawag niya sa akin kaya ngumiti ako sa kanya kaya ko namang tanggapin lahat.

Lahat ng malalaman ko kahit masaktan pa ako. It destined to happened, kaya wala akong dapat na sisihin.

"Alam kong nasabi na ng kapatid mo lahat nang nangyari at hindi ako nagsisisi na ginawa ko iyon para sayo, Gab." Panimula ni Lolo kaya pinipilit kong huwag maiyak dahil pagod na akong umiyak ng paulit-ulit.

"Gusto lang kitang protektahan dahil ayokong makita kitang umiiyak at nasasaktan. Sana patawarin mo ako." Sabi ni Lolo at nakita ko ang pangngingilid ng luha niya kaya parang sinaksak naman ang puso ko dahil sa nakikita ko kay Lolo.

Hindi ko gusto na nagkakaganito sila dahil sa akin.

"Lo." Tawag ko sa kanya at hinawakan ko ang kamay niya kahit at naluluha na ako.

"Kung ano man ang nangyari wala kayong kasalanan doon. It destined to happened, kaya tatanggapin ko lahat. Naiintindihan ko kayo and I'm lucky to have you all in my life dahil sinusuportahan niyo ako. But this time, Lo. Gusto ko na ako naman ang gumawa ng paraan para matuto ako sa lahat. I'll let him chase me this time."

Nakita ko naman ang pagsilay ng malungkot na ngiti sa labi niya.

"Kahit ilang taon kayong magkahiwalay. Alam kong siya pa rin ang mamahalin mo kaya susuportahan ka namin, Gab. Nandito lang kami sa likod mo."

Ngumiti naman ako sa kanya saka ko siya niyakap. Pakiramdam ko gumaan na ang dibdib ko.

I can breathe clearly and freely.

---

Lumabas muna ako ng room para malibot ko ang buong resort. Takipsilim na at nasa loob na ng restaurant sila Vandiel para sa dinner pero mas pinili kong maglakad-lakad muna baka sakaling makita ko ang sarili ko.

Kailangan kong makausap si Miko sa lalong madaling panahon. Kailangan kong marinig lahat sa kanya.

I want to clear everything.

Habang naglakakad ako ay nakita ko ang isang lalaki na mariing nakatingin sa akin sa malayo.

Napangiti ako nang mapansing si Isaac iyon.

Tumakbo ako papunta sa kanya saka siya niyakap. Narinig ko naman ang mahinang pagtawa niya at tumingin sa akin.

"You missed me that much?" Tanong niya sa akin kaya tumango na lang ako.

Sa lahat ng nangyari sa buhay ko hindi ko na sila nakakakasama at nakakamusta.

"Where have you been?" Tanong ko sa kanya pero nagsisi ako dahil tinanong ko pa yon.

"Sinundan kita sa lahat ng lugar na pinuntahan mo. I regret that I did."

---

-JustForeenJeo

The Past Is In The PresentTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon