Chapter 11
Nanatili pa din ako na nakatingin kay Lolo at kay Miko.
I can't choose.
Kahit naman hindi niya ako pinapapili ay parang obligado akong pumili.
"Hindi kita hahadlangan sa mga gusto mo, Gab. Kung gusto mo na magkabalikan kayo ay ayos lang sa akin. Pero sana apo, sana makita mo kung karapat-dapat ba ang lalaking iyon na ipaglaban sa harapan namin. Alam mo na ang Lola mo ay ayaw na ayaw sa kanya, maging ang Tito Ronald mo lalo na ang Papa mo." Natigilan naman ako sa narinig ko kay Lolo.
Alam ko ang mga iyon pero iba ang nagiging dating sa akin dahil si Lolo mismo ang nagsasabi.
Hindi ko alam kung ano ang kayang gawin ni Papa kapag nalaman niyang nandito na si Miko. Hindi ko alam kung makakaya ko pa ba na ipaglaban si Miko sa kanya.
Sa lahat ng taong nagmamahal sa akin. Masasabi ko na si Papa ang una-unang taong alam kong susuportahan ako pero alam ko sa labang 'to, siya mismo ang unang taong makakalaban ko.
The past can really change what will going to happen in the present.
Natigil lang kami sa pag-uusap nang dumating na ang mga pagkaing inorder niya. Hindi na kami nag-usap pa ulit at kumain na lang kami ng tahimik.
Sa buong durasyon ng pagkain namin ay hindi pa rin natitigil si Miko at ang babaeng kausap niya. Masaya pa rin silang nag-uusap.
Ang sakit nila sa mata.
Gusto kong lumapit sa kanila pero iniisip ko si Lolo.
Napansin niya naman yata na gusto kong pumunta doon kaya ngumiti siya sa akin.
"Go there. I'm going to wait you here." Sabi niya sa akin saka ako tumayo at naglakad papunta sa kanila.
Huminto ako mismo sa harapan nila at pareho silang nag-angat ng tingin papunta sa akin.
Nakita ko ang gulat sa mukha ni Miko. I didn't expect this.
Ang inaasahan ko ay makikita niya ako doon pero masyado yata siyang nag enjoy sa kausap niya at hindi man lang lumingon sa mga katabi nilang lamesa.
I felt someone stabbed my chest.
Ngumiti naman sa akin ang babae at tinignan ako simula ulo hanggang paa.
"You are the secretary ba? Oh? I forgot. Can you buy me wipes and alcohol? I forgot to bring my own kasi. If you don't mind." Maarte niyang sabi kaya parang napantig agad ang tenga ko at nainsulto ako sa sinabi niya.
Who is this girl?
Masyadong maraming tao dito.
Tinignan ko si Miko and I saw guilt in his eyes. Wala man lang siyang gagawin.
"Who are you?" Malamig kong tanong sa babae na kasama ni Miko.
She flipped her hair before looking at me.
"I'm Nathara. Inshort Nath. His girl. Why are you asking you're just his secretary?" Sabi niya kaya nagtitimpi na lang ang kamay ko na sampalin siya.
Ningitian ko siya ng pagkatamis-tamis bago nagsalita.
"I'm Gabriel. Inshort Gab. Does your name symbolizes snake in Scottish?" Nakangisi kong sabi and after a minute, hatred is visible in her eyes.
Mas napangisi pa ako lalo.
"I'm not his secretary and I will never be. I'll never be his girl because I will be his woman." Sabi ko sa kanya at tumingin ako kay Miko ng malamig.
"You make me believe, Miko." Sabi ko sa kanya bago ako tumalikod.
Tumulo naman ang luha sa pisngi ko pero hindi ko na iyon inalintana. Nakita ko si Lolo na nasa bungad na ng pintuan.
Papalapit na ako doon pero hindi pa ako nakakalayo ay may humawak na sa braso ko at nakita kong hawak ito ni Miko.
"Let me explain." Sabi niya sa akin pero ngumiti lang ako sa kanya kahit na pinapatay na naman ako ng panibagong sakit.
"Sa condo ko tayo mag-usap mamayang gabi. Kapag hindi ka dumating. Let's be strangers again."Sabi ko sa kanya at tinalikuran ko na siya at naglakad na ako palayo sa kanya.
Nakita ko naman ang pagtiim bagang ni Lolo nang makita akong umiiyak pero ngumiti lang ako sa kanya at umalalay sa kanya habang nakatagilid ang ulo ko sa balikat niya.
Hindi ko inaasahan na si Lolo ang magiging kasama ko sa nangyayaring ito. Ayaw kong nakikita niya akong umiiyak o isa man sa miyembro ng pamilya ko.
Mas lalo kong hindi kinakaya.
Sinama ako ni Lolo sa mansion at dumiretso ako sa garden para makita si Lola. Nakangiti naman siyang sumalubong sa akin. Niyakap niya ako ng makalapit ako sa kanya.
Si Lolo naman at pumasok sa loob ng mansion dahil sa magpapalit raw ito ng damit.
Iginaya naman ako ni Lola paupo sa mini table na nandoon habang nakatingin kami sa fountain sa harapan namin.
"Alam mo ba ang Lolo mo ay babaero noon?"
Natatawa niyang kwento sa akin kaya napatingin ako sa kanya habang nakikita kong natatawa siya sa sinabi niya at sa naiisip niya lalo na sa pagbabalik tanaw sa nakaraan.
"Iba't ibang babae ang nakilala ko habang magkarelasyon kami ng Lolo mo. Ilang ulit niya rin akong niloko pero sadyang martyr ang Lola mo dahil hindi ko siya magawang hiwalayan, ganoon ko siya kamahal." Nakangiti niyang sabi sa akin kaya imbes na magsalita ay hinayaan ko siyang magkwento.
"Ilang beses akong nahulugan ng dahil sa kanya." Sabi niya na naging dahilan para ikagulat ko at makaramdam ng sakit sa dibdib ko pero nanatili pa rin na nakangiti si Lola sa akin.
"Sa mga bawat miscarriages na meron ako ay siyang ilang beses na pinatay ako ng sakit at lungkot lalo na ng galit. Nagawa kong makipaghiwalay sa Lolo mo, tinaboy ko siya. Pinagsalitaan ng masasakit na salita pero huli na nang maliwanagan ako kung kailan nagkamalat na ang relasyon namin. Hindi lang pala akong nasaktan sa bawat miscarriages ko dahil doble pa doon ang nararamdaman ng Lolo mo." Nakangiti niyang sabi sa akin pero maluha-luha na siya.
"Doon ko nakita ang Lolo mo na umiiyak mag-isa, nagluluksa mag-isa. Iba ang dating ng pag-iyak niya sa iyak ko habang nagmamakaawa siya sa akin na balikan ko siya."
Kahit na lumuluha na si Lola ay nakangiti pa rin siya.
"Hindi ko sinabing magbago siya pero ginawa niya 'yon mismo para sa sarili niya dahil ayaw niyang mawala ako."
Kahit ako ay naluluha na rin sa kwento ni Lola.
"That time I realized that in every situation like that. It's not always the man you will going to blame. Pareho kayong may pagkukulang. For you, you felt so much pain. For man, it's double. Para na nilang nakita ang kamatayan dahil sa sakit na nararamdaman nila. Kasi mas matatapang tayong babae, kaya natin ang sakit habang sila ay hindi. But that situation, we don't want that to happen to you, Gab."
---
-JustForeenJeo
BINABASA MO ANG
The Past Is In The Present
General FictionPerez Series #2 They say the past is just a memory that will haunt us and hurt us in many ways. But why is it every human being wants to go back in the past even though it can hurt them? What will you do if they come back. If they want you back, if...