Chapter 3

4.9K 106 4
                                    

Chapter 3

Nagmadali akong pumasok sa elevator pero kahit anong pilit kung isara ito ay hindi ito gumagana kaya napilitan akong lumabas pero huli na dahil nasa harapan ko na siya.

"Why are you running?" Nakangisi niyang tanong sa akin.

Gusto ko siyang sampalin dahil sa ngayon pa siya nagpakita sa akin.

Kung kailan maayos na ako. Kung kailan kaya ko ng mabuhay ng ako lang. Kung kailan akala ko tanggap ko na lahat pero hanggang ngayon ay masakit pa rin.

Sa tingin niya ba ngayong dumating siya ay maayos na ang lahat? Ngayong nagpakita siya mas lalo lang nakadagdag ng sakit ang pagpapakita niya.

I looked at him with disbelief.

Hindi ko alam kung ano ba ang sasabihin ko sa kanya. Mga bagay at mga salita na gusto kong sabihin sa kanya noon pa man ay hindi ko na mahanap at hindi ko alam kung paano ko pa ba sasabihin sa kanya.

Bigla niya akong niyakap.

Pilit kong inaalis siya sa akin at itulak siya pero hindi ko magawa. Sobrang higpit nito kaya wala akong choice kung hindi ang hayaan siya sa ginagawa niya.

Alam ko na hanggang ngayon ay may nararamdaman pa rin ako para sa kanya. Hanggang ngayon ay umaasa akong babalik siya pero lahat ng iyon naisawalang bahala ko dahil sa galit na nararamdaman ko.

Sa sakit na pinaramdam niya sa akin noon.

Siya na ang kumalas sa pagkakayakap niya sa akin at hinarap ako. Blanko niya akong tinignan kaya ganoon din ako sa kanya hanggang sa ngumiti siya sa akin.

Mga ngiting noon ko pa gustong makita. Gusto ko na naman maiyak sa nakikita ko.

Hinihiling ko na sana panaginip na lang ito dahil hindi ko kinakaya ang sakit na nararamdaman ko.

Pangungulila, tampo, sakit at galit. Mga emosyon na hindi ko alam kung kaya ko bang pagsasabayin. Mga emosyong naghahalo at hindi ko alam kung paano ko ba dadalhin.

Naramdaman ko ang pagpatak ng luha ko sa pisngi ko na naging dahilan para mawala ang ngiti sa labi niya.

Pinahid niya ito gamit ang sarili niyang kamay habang ako ay nakatingin sa mata niya.

"Why did you come back?" Halos pabulong kong tanong.

Nakita ko ang pagkabigla niya sa tanong ko. Hinawakan niya ang kamay ko pero inialis ko ito.

"Gab." Tawag niya sa akin pero lumayo ako sa kanya.

Nagulat naman siya at patuloy siya sa paglapit sa akin pero umaatras ako

"Answer me. Why are you here? Why did you suddenly come back?" Tanong ko sa kanya habang ang luha ko ay patuloy pa rin sa pagtulo.

Lumapit siya sa akin kaya umatras ulit ako. Inilagay niya ang dalawang kamay niya sa bulsa niya habang blankong nakatingin sa akin.

"I want you back." Dire-diretso niyang sabi sa akin na parang akala mo ay siguradong-sigurado siya na makukuha niya ako.

Natawa naman ako ng bahagya sa sinabi niya pero nakakunot ang noo niyang tinignan ako.

"No, you will not get me." May diin kong sabi sa kanya pero ngumisi lang siya sa akin.

Lumapit pa ito kaya umatras ako ulit.

"Try me, Gabriel. Do you still remember what the Perez can do?" Sabi niya na nagpatuod sa akin.

Bigla namang namula ang pisngi ko nang maalala ko ang sinabi niya. Ayokong maalala ito pero masasabi ko na ang araw na iyon ang isa sa mga araw na ayokong kalimutan.

Pero lahat ng masasayang araw na iyon. Hindi mapapalitan o mababayaran ang sakit na idinulot niya sa akin.

"I still remember it but I rather choose not to. Because it's not worth remembering for." Sabi ko sa kanya at tumalikod na ako.

Gusto ko ng bumagsak sa kinakatayuan ko pagkatapos ko sabihin sa kanya ang mga katagang iyon.

It's a lie. Everything that happens before. It's worth remembering but it caused me too much pain to treasure everything.

"Didn't you treasured everything we had before?" Bigla niyang sabi kaya huminto ako sa paglalakad pero hindi ko siya nilingon.

Huminga ako ng malalim bago ako nagsalita ulit.

"I did but it's already in the past. I don't give value on it now."

It's a lie again and a half truth. I want to build my own barrier. I don't want to get hurt again. Ayoko na sa sakit.

Kahit na tumanda na akong dalaga dahil ayokong matulad sa nangyari sa noon. Ayoko na ng kumplikadong buhay. Gusto ko na lang maging masaya.

"Your words cut deeper than a knife, Gabriel." Sabi niya sa akin.

Imbes na matuwa ako ay mas nasaktan pa ako. Isang bagay na siya lang ang may kayang gawin sa akin. Mga bagay na gusto kong masaktan siya, ay ang mga bagay na ginagawa ko para masaktan ko rin ang sarili ko.

Loving him is like my own poison. The more I loved him the more I get poisoned and the only thing that can cure me is him. My antidote.

"W-well. Does it hurt? Does it bleed? Does it caused you pain like what you did before? Do you still remember how you dumped me? Do you still remember the promises that you told me? Do you still remember how you fucking ruined me?" Puno ng sakit kong sabi habang nakaharap sa kanya.

Nakita ko ang guilt sa mata niya pero binalewala ko ito.

"Do you still remember everything you have done to me? Then tell me. Does my words cut too deep? Because your actions killed me 7 years ago." Umiiyak kong sabi sa kanya pero nakatingin lang siya sa akin habang naglalakad sa akin palapit pero umaatras ako.

"Let me clarify things, Gabriel. " Sabi niya sa akin pero umiling ako.

"You don't have any idea of what you have done to me. Even a single idea. You don't know what I felt before. You abandoned me. Sa sobrang sakit na naramdaman ko sayo. May nawala sa akin, sinira mo ko at sa lahat-lahat na meron ako. Sa isang iglap, nawala lahat ng meron ako. I lost everything. Iniwan mo lang ako pero nawala na lahat. Even you, you told me you will fight for me. We will together face it. Nasaan ka noong panahon na kailangan kita, Miko? Nasaan ka sa mga panahong ikaw iyong kailangan ko? Nawala ka rin, iniwan mo rin ako." Halos mapaluhod kong sabi sa kanya.

My tears are slowly flowing in my eyes like a river. It won't stop like the pain that I've been feeling. It's bearable and I can't help but to die with it.

---

-JustForeenJeo

The Past Is In The PresentTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon