Chapter 3"Epal"

2K 138 46
                                    

Gio's pov.

"Hi Gio pwede bang makisabay sainyong kumain ?" Tanong ni Sofia isa mga babaeng nag hahabol sakin .

Hinde ko na lang sya pinansin deretso nalang kami sa Cafeteria .
Kasama ko si Josh at Carlo tropa ko.

Andito na kami sa Cafeteria sumunod parin si Sofia ang kulit talaga nitong babaeng to.Tumabi pa siya sa upuan na inuupuan ko, hinayaan ko na siya.

Habang kumakain kami nakita ko si Jannia kasama ang mga friends niya .Pagka kita ko kay Jannia iba na agad naramdaman ng puso ko .Yong tibok nito subrang lakas.

"Jannia! " Tawag ko lumingon naman sya sakin
"Dito na lang kayo umupo" turo ko sa bakanting upuan.
Lumapit naman sila .

"Thanks dude , wala na kasing bakante, gutom na kami " kasama din pala nila itong Dave na to. Ang bigat talaga ng loob ko sakanya sa madaling salitaayaw ko sakanya .Masyado kasi silang malapit ni Jannia.

"Hi Lyka " narinig kong bati ni Josh kay Lyka. Si Josh ay may gusto kay Lyka.

"Hello" sabay ngiti ni Lyka .

Habang kumakain.

"Dude , hindi pala ko sasabay sayo pauwe ngayon "
"Bakit ?" Takang tanong ko

"Sasabay kasi ako kay Dave . Sasamahan ko kasi sya sa shop ni mommy . Kukunin nya yong cake na order ni tita"

"Bakit sasamahan mo pa sya ? Pwede naman sya lang mag isa. "Bwuset na lalaking to, kita ko naman na may gusto sya kay Jannia mabuti na lang at manhid si dude.

"Oo, pero gusto ko rin kasing pumunta dun"ano pa bang magagawa ko gusto nya daw pumunta .
Alangan namang bawalan ko.
Sino ba ako hamak na bestfriend lang naman ako.

"Ok fine" nilingon ko si Dave naka ngisi ang loko.
Halatang nang aasar kainis talaga.

"Ako Gio, pwede makisabay sayo pauwe? " singit naman ni Sofia sabay hawak pa sa braso ko.Tinangal ko nga .

"Hinde pwede " maikling kong sabi isa pa tong babaeng to .Tumayo sya at tumakbo. Napahiya siguro , pero anong paki ko sakanya? Bahala sya .

"Napahiya si Sofia" sabi ni Carlo dahilan para magsitawanan silang lahat.

"Anong nakakatawa?!"
Tumahimik sila at sabay sabay silang umiling.

Badtrip talaga ayaw ko talagang nakakasama ni Jannia si Dave nagsisilos ako.
Gusto ko ako lang lagi nyang kasama.

Author's
Note .
Alam ko pong pangit pero pag bubutihan ko po sa mga susunod na chapter .

𝐌𝐫.𝐒𝐮𝐧𝐠𝐢𝐭 𝐋𝐨𝐯𝐞 𝐌𝐬.𝐒𝐮𝐧𝐠𝐢𝐭 (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon