Chapter 50

711 20 6
                                    

Im Back

2 years ago

"Love , matagal pa yang niluluto parating na sila mommy!"  sigaw ko

"Malapit na to Love, tara dito at tikman mo "
Lumapit ako sakanya  at tinikman ang luto nyang pasta

"Ano Love ok na ba ?"

"Yes subrang sarap, magugustuhan nila mommy at daddy to Love "

Pumunta sya sa likod ko at niyakap ako .

"I love you Jannia"

"I love you too Vince"

Yes kami na Vince, isang taon syang nanligaw sa akin ilang beses ko na syang pinatitigilan sa panliligaw pero wala .Hindi sya sumuko  hanggang sinagot ko na sya .

5 months na mula nong sinagot ko sya subrang bait nyang boyfriend kahit mga magulang ko gusto sa kanya .Mapagmahal at maalaga sya mahal ko sya pero alam ko sarili ko hindi ito gaya ng pagmamahal ko kay Gio .

--
"Were home "
Pumunta agad ako sa sala nakita ko si mommy at daddy

"Mommy, daddy "
Niyakap ko sila .

"Namis ka namin anak "
Niyakap ko sila ng mahigpit .

"Hello po tita / tito " bati Vince sakanila .

"Kumusta ka Vince? "Tanong  ni daddy .

"Ayos lang po tito, kayo po?"
Nag kwentuhan lang kami buong maghapon.

---
Kinabukasan .

Maaga ako pumuntang shop .
Madami kasing costumer ngayon .

"Man may nagpapabigay po"

Sabi ni May isa sa mga staff ko .
Siguro galing nanaman to kay Vince .
Tinignan ko ang card na kalagay pero laking pagtataka ko ng walang nakasulat na pangalan dito.

"I'm back"

Yan lang ang nakasulat .
Kanino kaya galing to?
Sumagi sa isip ko si Gio pero inalis ko agad to sa isip ko Jannia wag ka ng umasa hindi na sya babalik at my boyfriend kana may girlfriend na din sya tama na Jannia tama na.Sabi ko sa sarili ko. Ano ba tong iniisip ko?
Itinapon ko na lang ang bulaklak na natanggap .
Baka namali lang ng bigay.

-----
KRINGGGGGGGGG.....

"Hello beshy, may reunion tayo ng batch ng Senior High attend tayo beshy ah."
Si Joy sa kabilang linya .

"Kailan ba beshy ?" Tanong ko .

"This Sunday na beshy .
Kitakits na lang tayo"

"Ok"
Sabay patay ng tawag nya malamang pupunta silang lahat .Dalhin ko na lang si Vince para makita nya yong dati kong school .

Sunday:

Naghanda na ko para sa pagpunta sa  reunion.
Tenext ko si Vince sabi susunod na lang daw sya may meeting kasi sya .

7pm. na ng makarating kami sa dating school namin.

Nakita ko yong dati naming classmate at ka batch.
Nakita ko rin si Sofia na ngayon ay buntis na kasama rin nya ang asawa nya .

Ang daming nag attend sa reunion .
Andito don si Carlo at Josh' sumama din si Charlotte partner ni Dave .Balita ko nililigawan ni Dave si Charlotte.
Umupo na kami .

"Hello guys "natulala ko sa inuupuan ko ng may pamilyar na boses akong narinig.

Pati mga  kasama ko napako rin .
Nagulat at natulala.

"Gio!"
Gulat nilang sabi samantalang ako hindi ako makatingin sa nagsalita .Ang lakas ng pintig ng puso ko.

"Kuya , kailan ka ba dumating?"
- Charlotte

Lumingon ako, nakita ko si Gio .Lalong lumakas ang kabog ng dibdib ko nakatingin lang sya akin kung titignan walang nagbago sa mukha nya .Naging matured lang syang unti.

"3 days na ko dito ate " sabi nya pero nakatingin parin sya saakin.

"Daya mo naman, bakit di ka tumuloy sa bahay  alam mo naman mis na mis ka na namin ni mommy."

Niyakap sya ni Charlotte .
Lumapit din si Josh at Carlo.

"Kumusta bro? "
Sabi ni Josh at Carlo.

"Im fine" cool nyang sabi.
"By the way guys may kasama pala ako."Lumapit ang isang magandang babae .
"Hello , Samantha Faye " sya yong babaeng kasama nya dati sa picture .
"Christopher girlfriend "sabi nya kahit alam ko nagulat pa rin ako.

Walang umimik sa kanilang lahat lumapit saakin si Lyka at  Joy.
"Ok ka lang beshy?" bulong ni Lyka "Oo naman ok lang ako" pinilit kong ngumiti .Hindi maari to 4years kong tinanggal sya dito sa puso ko 4years kong kinalimutan sya, pero bakit ganoon sa isang iglap lang parang bumalik lahat. Akala ko naka move on na ko  akala ko handa ko na syang makita .Hindi pala, pero hindi maaari.

"Hello ,Jannia  "nilakasan ko ang loob ko nilahad ko ang kamay ko kay Samantha .
Pero hindi nya ito tinanggap .
Binawi ko ang kamay ko maldita pala sya .Akala nya uubra sya sakin its a big "NO"

"Musta ka Jannia?"
Nakatingin lang sya sa mga mata ko

"Ok lang ako Gio " hindi ko na binalik ang tanong sakanya mukha naman sya ok tsk .Isang matamis na ngiti ang ibinigay ko sakaniya.

"Sorry Love ngayon lang ako kulit kasi nong ka meeting ko " sabay dating ni Vince.

Nasitinginan naman ang lahat kay Vince .Tila nag aabang ng mangyayare.

"Ok lang Love " nginitian ko si Vince

"Oh anong meron bakt nakatingin kayo saakin may dumi ba ko sa mukha ?"
Takang tanong niya, nailang seguro siya

"Hello ako pala si Gio" pakilala ni Gio bigla na lang sya nagsalita, nagulat si Vince .

"Gio?"
Patanong nyang banggit.
Tumingin sya sa akin. Tumango ako alam ko ang ibig nyang sabihin kung yong kaharap nya ba ay si Gio na Ex ko.

"Vince ,Jannia boyfriend" proud nyang sabi, hindi ko mabasa ang iniisip ni Gio parang walang emosyon ang pinapakita nya .

"Ok guys lets eat " sabi ni Joy
"Grabi nakakagutom dito" dagdag pa nya .

Kumuha kami ng pagkain, ang masaklap kasama namin si Gio at Samantha sa iisang table .
Sweet sila dikit ng dikit yong babae haixt parang linta.

"Love, ok lang ba?" Alam ko may ibig pang sabihin si Vince sa pagtatanong nya .

"Yes ok lang ako Love " nakangiti kong sagot kahit sa loob loob ko hindi ako ok. Parang gusto kong umalis dito.

"Diba may event sa shop mo sa Tuesday .Samahan na lang kita roon total wala akong gagawin non"  Tahimik ang lahat.

"Sure  ka?"
Tanong ko kasi busy din sya sa business na pinapatayo nya .
Pero sa totoo kailangan ko sya doon .

"Oo naman, basta para sayo love"

"Ehem!" Napalinggon kami kay Gio nakatingin pala sya saamin.

"Pwede ba huwag kayong magdaldalan sa oras ng pagkain ? Hindi pa rin sya nagbabago ang sungit pa rin nya.

"Anong paki mo?" Sagot ko nakita ko yong gulat sa mukha nya akala nya ah Ms.Sungit kaya to .

Sasagot pa sana sya kaso nga lang pinigilan sya ni Linta.
Magsama sila .

...

𝐌𝐫.𝐒𝐮𝐧𝐠𝐢𝐭 𝐋𝐨𝐯𝐞 𝐌𝐬.𝐒𝐮𝐧𝐠𝐢𝐭 (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon