Chapter 32

743 41 3
                                    

Gio's Pov.

Ang tanga ko talaga, nagpapadala ako masyado sya emosyon ko .

Muntik na ko kay Jannia baka pag hindi pa sya tumigil masabi ko sakanya na may problema nga, buti na lang napigilan ko sarili ko .

Andito kami ngayon sa Gitna sinasayaw ko ang babaeng pinakamamahal ko ..

(Now playing: Amazed by: Lonestar)

Sa naririnig kong kanta parang gustong tumulo ang luha ko ..

Subrang sakit na yong babaeng nasa harapan ko hindi ko makakasama .
Kahit gusto lagi syang kasama hindi pwede ..
Jannia Mak ko sorry sorry gustong gusto kong sabihin sa kanya.
Niyakap ko sya ng napakahigpit subrang higpit.
Two weeks na lang iiwan ko na sya napakaikling panahon ..

" Mak hindi ako makahinga"
Binitawan ko sya agad

" Sorry mak "

"Hehe ok lang Mak "

Ilang saglit pa bago kami tumigil sa pagsayaw..

Sinayaw din sya ni Dave , Carlo , Josh at ilan pa sa mga classmate namin pinayagan ko naman para maenjoy nya tong gabing to.

"Gio , kumusta kayo
ni Jannia? " Tanong ni Lyka habang sinasayaw ko sya ..

"Ok lang naman kami"

"Hindi mo pa nasabi no " sabi nya.
Umiling lang ako

"Naiintindihan kita , wag kang mag alala kami na bahala kay Jannia hindi namin sya pababayaan "

"Thank you Lyka "

"Wala yon mahal namin si Jannia " nakangiting sabi nya pasalamat din ako may kaibigan syang tulad nila
Nang matapos ko sya isayaw . Sumunod ko namang isayaw si Joy

"Gio nasabi mo na ba kay beshy? " parihas na tanong kay Lyka.
Umiling ako gaya kanina

"Alam mo nalulungkot ako para sainyo ." Malungkot na sabi nya "Nasasaktan ako para sainyo . Lalo na si beshy ang tagal nyang hinintay na dumating yong araw na sana yong taong gusto nya mahalin din sya . Alam ko matagal mo na rin hinihintay na maging kayo ni Jannia pero subrang ikli ng panahon ibinigay sainyo" naiyak na sya.
"Sana, sana pagbalik mo kayo na talaga "

"Sana Joy hinihiling ko rin yan, gagawin ko lahat makabawi lang sakanya pagbalik ko sisiguraduhin kong hinding hindi ko na sya iiwan ..

"Oo Gio think positive , kami na bahala kay Jannia alam ko magagalit din sya saamin kasi nilihim namin ito pero hindi kami magsasawang ipaintindi lahat ng to. "

"Thank you Joy " niyakap ko si Joy

"Wala yon " humiwalay na sya sa kakayakap...

"Kung wala kayo hindi ko alam kong paano maraming salamat sainyong lahat"

"Ganyan dapat pagmakakaibigan diba nagdadamayan " nakangiti nyang sabi ..
.

-----------

Jannia's pov.

"Thanks Jannia " sabi ni Dave kakatapos lang namin nagsayaw.

"Wala yon" sagot ko

"Sige maiwan na muna kita sayaw ko lang si Lyka" paalam nya

"Sige lang "kumuha ko ng tubig nauhaw kasi ako nakakapagud din magsayaw lalo na kung sunod sunod..
Nakaupo na ko ng matanaw ko si Gio at Joy na nagyayakapan nagulat ako sa nakita ko.
Nakita kong parang umiiyak si Joy , may problema ba sya ?
Ngayon ko lang sila nakitang ganyan kaseryusong mag usap .
Anong meron tanungin ko na lang sila mamaya ...

𝐌𝐫.𝐒𝐮𝐧𝐠𝐢𝐭 𝐋𝐨𝐯𝐞 𝐌𝐬.𝐒𝐮𝐧𝐠𝐢𝐭 (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon