Chapter 47

725 24 3
                                    

Gio's Girlfriend

Kinabukasan

"Aray sakit ng ulo ko"
Reklamo ni Joy.

"Ako rin"
sabi naman ni Lyka na hawak hawak pa ang ulo nya

"Naparami ata ininom natin "
Sabi naman ni Charlotte .

"Itong black coffee kailangan nyo yan"
Pinag timpla ko sila.

"Thank you beshy'"
Hinihilot pa ni Joy yong ulo nya

Nag prepare rin ako ng breakfast para makakain na at makainom sila ng gamot para sa sakit sa ulo.

" Mieh paano pala tayo nakauwe ?"
Seryuso? Hindi nya alam pano kami nakauwe .

" Hinatid tayo ni Vince , nakakahiya kayo kagabi ang lalakas ng hilik nyo."Natatawa kong sabi

" What! Totoo beshy?
Gulat na tanong ni Lyka.
"Oo lam nyo bang nahirapan akong alalayan kayo paakyat dito naku kayong tatlo sa susunod na iinom kayo kunti lang ah sakit kayo sa ulo "
Sermon ko sa kanila

"Opo , di na mauulit nanay" pang aasar ni Joy

"Sorry beshy , masyado lang kaming masaya kagabi kasi nakasama ka namin ulit" malambing na sabi ni Lyka

"Oo Mieh hayaan mo nextime di na kami masyadong mapapakalasing" sabay lapit saakin ni Charlotte at niyakap

"Buti naman, oh sya kain na kayo nag luto ako ng breakfast at para makainom na rin kayo ng gamot"

"Thank-you beshy/Mieh"
sabay sabay nilang sabi

Habang kumakain kami .

"Sya nga pala guys .Mag stop na ko next year sa pag aaral."

"Bakit beshy?Sayang naman" sabay linggon saakin ni Joy

"Kaya nga beshy" ganon din si Lyka

"Kailangan kasi at gusto ko na rin .Tanda nyo yong shop ni mommy" tumango naman sila.
"Ako na mag manage non matanda na si mommy gusto nya na lang mag relax mag travel kasama si daddy.Uuwe na rin si daddy dito next year"

"Sure ka beshy? tanong ni Joy

" Oo naman sure ako.  Nong umuwe  nga ako roon .Nag enjoy ako subra"

"Suportahan ka namin Mieh"

"Thank you Charlotte"

"Paano yan di hindi na tayo masyadong magkakasama "
malungkot na sabi Lyka

"May weekend naman guys eh pupunta ako rito pag weekend at pwede naman kayong pumunta roon pag free time nyo" nakangiti kong saad

"Sige beshy support ka namin as long na happy ka"

"Thank you Joy"

"What!!"
Biglang sabi ni Charlotte habang nakatingin sa cellphone nya .

"Bakit Charlotte anong meron?"
Takang tanong ni Joy

"Lumapit kami sakanya"
Pati ako nagulat sa nakita ko .
Si Gio may kasamang babae at holding hands pa sila .

Post ito ng tito Andrew nila .

"Mr.Christopher Giovanni Rodriguez and Ms. Samantha Faye Sy
Business partner and Real couple

Kung titignan  para nga silang mag boyfriend/girlfriend.
Walang pinag bago sa mukha ni Gio sya pa rkn yong Gio'ng nakilala ko .Seryuso lang sya sa picture pero yong babae naman wagas kong makangiti.

Biglang sumakit ang dibdib ko sa nakita ko .
Tama nga ang desesyon kong kalimutan na lang sya at palayain sya puso ko .

"Wala ng nababanggit si tito about dito " sabi ni Charlotte .

𝐌𝐫.𝐒𝐮𝐧𝐠𝐢𝐭 𝐋𝐨𝐯𝐞 𝐌𝐬.𝐒𝐮𝐧𝐠𝐢𝐭 (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon