Chapter 41

691 28 7
                                    

Mr. Annoying

Pabalik na ko sa classroom ng biglang tumunog ang cellphone ni Jannia.

Di ko sana sasagutin kasi number lang pero ayaw tumigil kaya sinagot ko na .

"He-llo Jannia si Gio to " sabi ng sa kabilang linya. Baka isa to sa mga makulit na manliligaw ni Jannia.

"Wala si Jannia dito , boyfriend nya to " sabi ko

"Boy-- friend ka nya ? " Gulat na gulat na sabi ng Gio'ng to.

"Oo boyfriend nya ko, kaya kung ako sayo wag ka ng tumawag dito"

"Nasaan sya gusto ko syang makausap kailangan ko sya makausap baka kasi matagal na naman ako hindi makatawag " mahabang sabi nya.

"Wala nga sya dito kaya pwede wag kang ng tumawag dito" irita kong sabi

"Kung sino ka man please nakikiusap ako sayo gusto ko syang makausap , itinakas ko lang kasi tong gamit kong cellphone" hay naku ang kulit ang dami pang sinasabi,

"Wala sya rito " sabay patay ko ng cellphone , block ko na rin sya para di na sya makakulit kay Jannia denelate ko rin nyong Number nya baka kasi magtaka si Jannia.

"Hello Jannia" bati ko.

"Sino ka?" Sabi nya , sungit talaga pero ok lang.

"Grabi ka naman saakin , kanina ibinigay mo sa iba yong ibinigay ko sayo special pa naman yon.
Tapos ngayon hindi mo na ko kilala "
May halong pagtatampong sabi ko.

Inirapan nya lang ako

"Anong hinahanap mo ?"Tanong ko.

" Ito ba ang hinahanap mo?" lumaki naman ang mata nya.

" Bakit na sayo yan?"takang sabi nya.

" Secret" pang aasar ko.

"Magnanakaw ka siguro no " sabi nya, kainis tong babaeng to magnanakaw daw ako samantalang kaya ko bumili kahit sampung ganyan.
Huminga ko ng malalim.

"Hindi ako magnanakaw "binigay ko sakanya ang cellphone nya baka pag di ko pa binigay ano pa masabi.

Tumalikod na lang ako at umalis .

Jannia's Pov

Ay naku ang tanga ko rin, bakit ko sinabing ninakaw nya yong cellphone ko?

Bakit naman nya nanakawin ito samantalang halata namang mayaman siya . Minsan talaga hindi ko nagagamit ng maayos ang utak ko

Nagalit siguro sya saakin.
Pero kabilang banda mas ok na rin yon para tigilan nya na ko .

-----
Nagmamadali akong lumabas ng campus
5530pm na pala hindi ko namalayan . Coding pa naman ako ngayon .

30mins na ko dito pero hindi pa din ako nakakauwe .Wala namang taxing dumadaan.
Lowbat pa naman ako hindi ko maetext si Charlotte .

Alangan namang lakarin ko mula dito hanggang Condo .
Hindi pwede mag gagabi pa naman eeh ..

Maya maya pay may apat na lalake na lumapit saakin .

"Miss gusto mo sumabay ka na lang saamin.?" Tanong ng lalakeng mukhang adik .
Sa itsura nito mukhang tambay lang sila dito

Hindi ako umimik sa halip lumayo ako sakanila .

"Miss, san ka pupunta ayaw mo bang sumabay saamin?"
Tanong naman ng lalakeng naka sombrero.

"Mukha atang suplada to pre"
Natatawang sabi ng lalakeng kulay brown ang buhok akala mo naman kina gwapo nya yon.

"Miss" sabay hawak naman sa akin ng lalakeng malaki ang mata

"Bitawan mo nga ko " sabi ko habang palinga linga.
Dapat kasi lumapit na lang ako sa harapan ng University para may guard ..

"Bitawan mo ko sabi eeh "

"Ang tapang naman nito pre"

"Oo nga pre at yan yong gusto natin palaban."

"Tara na kasi miss sumama ka na samin "

Inapakan ko ang paa nya dahilan para mabitawan nya ang braso ko .

"Aray! Putangina kang babae ka! " pumikit na ko sasampalin kasi nya ko , pero ilang saglit pay walang dumamping kamay saakin pag dilat ko nakita ko si Vince..

"Vin-ce?" gulat kong sabi

"Subukan mo syang saktan hindi ka na mabubuhay " kalmado nyang sabi.

"Sino ka ba ah? Bakit ka nangingialam dito' inis na sabi nong isang lalake.

" Hindi na importante kong sino ako "

" Tara na Jannia umalis na tayo " hinawakan nya kamay ko akmang aalis na kami ng biglang suntukin si Vince ..

" Yabang mong lalaki ka akala mo kong sino ka" sabi nong naka pulang buhok.

Pinunasan ni Vince ang dugo na nag mula sa labi nya .
Nakita ko yong mukha nya nakakatakot , parang hindi sya yong nakikita kong Vince na maamo ang mukha.

Hinawakan naman ng isa ang braso ko "Bitawan mo ko " sinampal ko sya

"Tapang mong babae ka ah " bigla nya kong sinampal dahilan para matumba ako.
Nakita kong bumaksak ang lalaki sinuntok pala ni Vince

"Putangina mo! Di ba sabi ko wag nyo syang sasaktan! " galit nyang sabi pinag susuntok nya ang apat na lalaki samantalang ako na tulala.

Napansin ko na lang na nag si takbuhan na ang mga lalaki .

"Ayos ka lang ba Jannia? " lumapit sya saakin bumalik ulit yong maamo nyang mukha.

Itinayo nya ko at inalalayan pa punta sa sasakyan nya .
Pinag buksan nya ko ng pinto .

Sumakay ako , at walang imik andito pa rin yong takot ko .

"Buti na lang at late na ko lumabas sa University .Kung hindi baka napano ka na " sabi nya habang nag mamaneho.

Tama sya buti at dumating sya ..

"Thank-- yo-u ' nahihiya kong sabi .
" Wala yon" malaki ang ngiti nya
subrang bait ng taong ito kaya kailangan ko lalong lumayo baka kasi mahulog nanaman ako .

Narating na kami sa Condo sinamahan nya ko hanggang luob .

"Upo ka muna" sabi ko

Umupo sya sa sofa .
Kinuha ko naman ang Emergency kit ..

Ginamot ko ang sugat sa kamay nya

"Thank you " sabi nya ng matapos na ko

"Masakit ba yong sampal sayo nong lalakeng yon ? May halong galit na sabi nya

" Hindi na masyado " tipid kong sabi. Hindi kasi ako comfortable sakanya , remember sinabihan ko sya na magnanakaw

" Sige una ko pahinga ka na .
Ito pala number ko kung sakaling wala kang sasakyan " sabi nya sabay abot ng Card

"Mag iingat ka lagi Jannia.
Ayaw kong nakikita kang sinasaktan " sabi niya habang nakatitig sa mga mata ko .
Umiwas na lang ko ng tingin .
Lumabas na sya at umalis .

Nahiya tuloy ako sakanya pero ayaw kong maging responsibilidad nya ko .
Ayaw kong may taong nag aalala saakin .
Ayaw ko ring may lalaking lumalapit saakin lalo na si Vince
Sya yong taong mahuhulog ka kahit hindi mo gusto..
Pinangako ko sa sarili ko mula nang umalis si Gio na hindi na ko ulit iibig pa ...

Author

Yeheey na tapos ko thank you ulit sa mga readers na nag aabang sana magustuhan nyo ..

Special thank You

Tooooo.
ChardyOvero

Thanks sa pagbabasa

𝐌𝐫.𝐒𝐮𝐧𝐠𝐢𝐭 𝐋𝐨𝐯𝐞 𝐌𝐬.𝐒𝐮𝐧𝐠𝐢𝐭 (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon