Chapter 16

1.1K 70 1
                                    


Jannia's pov

Ang sakit ng ulo ko, bukod sa late na ko umuwe kagabi hindi pa ko nakatulog sa kakaisip kay Gio sa kakaisip sa mga sinabi nya .
Hindi kasi ako makapaniwala na si Gio yong best friend ko yong masungit na yon gusto ako ,na mahal ako .
Pero syempre tuwang tuwa naman ako don.

"Jannia anak bangon ka na dyan anong oras na " tawag ni mommy alas 10 na kasi ng umaga.

"Opo mommy bababa na po "

Dingdong ........ Dingdong

Ooh sino kaya yon .

Binuksan ni yaya yong pinto hindi ko pa nakita kong sino dumating kasi dito ako sa kusina .
Nag titimpla ng coffee i love coffee.

"Mam andito po si sir Gio ".

Sabi ni yaya kay mommy ..

"Hi tita " sabay kiss sa pisnge
" Hello Gio , congrats pala sainyo"
"Thanks po tita, sya nga po pala si Jannia po ?"
"Andun sa kusina puntahan mo na don" sabi ni mommy takbo naman ako sa loob ng kusina andito kasi ako sa likod ng pader, nagtago .

"Hello Jannia " nakangiting bati ni Gio
"Kakagising mo lang ba? Bakit ngayon ka lang nag kakape"

"Hehe oo kakagising ko lang napasarap kasi tulog ko"

"Halata , siguro napanaginipan mo ko no? "

"Hala! Ang kapal mo talaga Dude , ano ba ginagawa mo dito? "

"Bakit bawal ? Dati pa naman ako pumupunta dito ahh"

"Ok" sabi ko na lang, madalang na kasi siyang pumunta dito sa bahay mula noong naging busy sya sa contest nila .

"Gusto mo coffee? " Alok ko
"No thanks im done, Jannia "
"Yes dude?"
"Pwede bang wag mo kong tawaging dude!"naiiritang sabi niya
" Bakit naman? "
"Kasi ayaw na kitang maging kaibigan tawagan natin yan bilang mag best friend ngayon na nililigawan na kita ayaw kong tinatawag mo kong dude"

"Arte naman nito" sabay erap ko, pero deep inside kinikilig na ko.
"Oooh sya sige"

"Good, yon pala pwede mo ba kong samahan sa mommy mo "

" Ahh bakit naman hindi pa ba kayo nagkita eeh andyan sya sa sala ahh." Kunwari hindi ko alam na nagkita sila.

"Nagkita, tara na  samahan mo na ako" sabay hila sakin.

"Wait lang yong kape ko" pag angal ko.
"Maya na lang yan "yong kape ko,lalamig yon.



" Tita , pwede ko po ba kayong makausap? "

" Ahh tungkol saan ?" Pagtataka ni mommy samantalang ako andito lang sa gilid ni Gio ano kaya sasabihin nito ..

"Tita , gusto ko pong ligawan si Jannia gusto ko pong pormal na ipaalam po sainyo " napanganga naman ako.

"Hahahahaha " tawa ni mommy, anong kayang nakakatawa?

"Ok lang sakin iho na ligawan mo si Jannia .Matagal ko ng napapansin na may gusto ka sa anak ko .
Buti at hindi ka na torpe binata ka na talaga." Grabi si mommy nakalimutan ko boto pala sya kay Gio sila ni tita.

"Thank you po tita" namumulang sabi ni Gio.

"Ikaw Jannia , kahit gusto ko si Gio para sayo ikaw parin mag didicide, wag lang padalos dalos ahh pakinggan mo lang yong andyan sa puso mo anak"

"Opo mommy" sabay yakap ko kay mommy. Ang swerte ko naman kay mommy.

"Ikaw Gio alam ko manliligaw ka palang sa anak ko pero gusto alagaan mo pa rin sya ano man ang maging disesyon nya sana tanggapin mo to "

𝐌𝐫.𝐒𝐮𝐧𝐠𝐢𝐭 𝐋𝐨𝐯𝐞 𝐌𝐬.𝐒𝐮𝐧𝐠𝐢𝐭 (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon