Chapter 37

727 36 10
                                    


"GOODBYE"

Jannia's pov

Nagising ako dahil may narinig akong umiiyak sa tabi ko.

Pag dilat ko ng mga mata ko nakita ko si Joy at Lyka na umiiyak .

"May problema ba bakit kayo umiiyak?"Aalalang tanong  ko .
Kagabi naman ok naman sila tabi tabi nga kami matulog eh .

Hindi sila umimik nag tinginan lang sila dahilan para kabahan ako .

" Anong problema bakit kayo umiiyak beshy? " Tanong ko ulit sa pagkakataong ito iba na pakiramdam ko .

"Beshy si Gio "  sabi ni Lyka  hirap na hirap syang magsalita.

"Anong nangyare kay Gio may masama bang nangyare sakanya " taranta kong sabi.

"Wala na sya behsy"  umiiyak na sabi ni Joy

"Anong wal a na? "

"ANONG WALA NA! " Sigaw ko sakanila .

"Beshy,  i'm sorry sana mapatawad mo kami" sabi ni Lyka.

"Ano? hindi ko kayo maintindihan ano bang nangyayari?"

"Beshy si Gio umalis na .
Pumunta na syang Canada"

"Ano! Bakit?" Gulat kong sabi anong pumuntang Canada andito pa nga sya kagabi .
Hindi nga sya umalis hanggang di ako nakatulog.

" Beshy umalis na sya kaninang 5 am " sabi naman ni Joy ng hindi nakatingin sa akin.

" Hindi totoo yan joke lang yan diba? Sabihin nyo saakin nag jojoke lang kayo " tumulo na rin ang luha ko.

"Sabihin niyo lang saakin na nagbibiro lang kayo! "  galit kong sabi

"Hindi kami nagbibiro beshy "  lalong  silang umiyak.

"Hindi yan totoo "  tumayo ako at tumakbo pababa .
Sinundan naman nila ako dirediretso ako sa bahay nila Gio .
Pagdating ko roon andoon silang lahat si Dave , Josh, Carlo at Charlotte .

"Mieh"  sambit ni Charlotte saakin lumapit sakin at niyakap nya ko umiiyak na rin sya.

"Please sabhihin mo saakin Charlotte na hindi totoo ang sinasabi nila " umiiyak kong sabi.
"Please sabihin mo saakin na hindi ako iniwan ni Gio na hindi siya umalis"

"Sorry Mieh totoo ang sinasabi nila"  umiling naman ako.
"Gio!" Tawag ko "Mak, lumabas kana dyan hindi magandang biro ito" pero walang Gio na sumasagot .

Parang gumuho ang mundo ko.
Napaupo ako bigla  namang lumapit  silang lahat saakin.

"Hindi yan totoo hindi nya ko iiwan. Sinungaling kayo!"

"Sorry Mieh "  umiiyak na sabi ni Charlotte

"Bakit hindi sya nag paalam? Bakit wala kong alam ano gagawin nya doon? Ano?  gulong gulo ang isip ko napakaraming tanong sa isipan ko.

" Makinig ka beshy , ginawa nya yon kasi kailangan " sabi ni Joy

" Paanong kailangan?"

" Namatay kasi  si daddy Mieh 3 months ago. Tumawag saamin si tito Andrew at sinabing nilason si daddy ng isa sa mga business partner nya .
Nong mahuli na to sinabi ni tito na kailangan mayroong mag manage ng business ni daddy doon at ang kailangan si kuya .
Ayaw nya  Mieh maniwala ka ayaw nyang pumunta pero wala syang choice .Maniwala ka man o hindi saamin pero pinilit namin syang sabihin sayo, pinilit naming  magpaalam siya sayo."

"Ibig sabihin alam nyo lahat to? "

Tumango silang lahat lalo akong nanlambot ..

"Bakit nyo nilihim saakin to, bakit?"

"Sorry Jannia ayaw namin pangunahan si Gio" sagot naman ni Dave. Lalo akong naiyak sa narinig ko.

"Hindi nya kayang makita kang nasasaktan at nalulungkot dahil sa pag alis nya Mieh kaya pinili nyang wag magpaalam sayo."

" Ganon huh! Ngayon ba sa tingin mo Charlotte sa tingin nyong lahat hindi ako nasasaktan . Ha!!
Anong akala nyo sa akin makitid ang utak anong akala nya saakin hindi makaintindi . Sabihin nyo saakin hindi ba ko nasasaktan ngayon. Double double ang sakit kasi lahat kayo nag lihim saakin lahat kayo!"

Humagulgul ako sa iyak hindi ko na kaya yong sakit sa dibdib ko.
Bakit kailangan nya kong ganituhin akala ko ba mahal nya ko  .
Maiintindihan ko naman.
Kaya ko naman mag hintay sakanya ah .Kaya ko kasi mahal ko sya ..

" Sorry  sorry beshy , ayaw namin na magkaganito ka sigurado rin kami na hindi ginusto ito ni Gio "

"Tama si Lyka beshy nakita namin kong gaano kalungkot si Gio bawat sandaling maiisip nyang iiwan kanya nasasaktan sya "

"Oo, Jannia pinipilit nyang ipakita sayo na ok lang ang lahat kasi ayaw nyang nakikita kang nasasaktan." Sabi namin ni Carlo

"Mahal na mahal ka nya Jannia .Wala syang magawa at kahit magpaalam sya sayo.
Hindi rin kanya mabibigyan ng time kasi yon yong patakaran ng tito nya Andrew" sabi naman ni Josh

"Jannia mahal na mahal ka ni Gio "  sabi naman ni Dave

"Wag nyo na syang pagtakpan tama na please, tama na!"

"Hindi , hindi nya ko mahal  kung talagang mahal nya ko hindi sya mag lilihim saakin kung talagang mahal nya ko sana nagpaalam sya. Oo, masasaktan ako pero pinangunahan nya ko.Pinangunahan nyo ko lahat ang sakit  subrang sakit  ito ba yong kapalit nang masaya nangyari kahapon. Kung alam ko lang na ito ang kapalit sana hindi na lang saakin pinaramdam ang saya.
Ang sayang panandalian lang."

Niyakap nila ako, ngunit kinalas ko ang pagkakayakap nola saakin.

Gio bakit mo naatim na gawin to saakin bakit ?

Gio's pov.

" Bro , Sigurado ka bang hindi ka talaga magpapaalam kay Jannia" sabi ni Josh andito na ko sa bahay umuwe na ko nong makatulog si Jannia hindi ako umalis sa tabi nya .Ayaw kong umalis pero wala kailangan kong umalis.

"Buo na ang desesyon ko Josh"

"Pero bro lalo mo lang masasaktan si Jannia" sabi naman ni Carlo

"Alam ko."

"Sana hindi mo pagsisihan to Gio pagdumating yong time na hindi ka na nya mapatawad" sabi naman sakin ni Dave

"Mapapatawad nya ko gagawin ko ang lahat mapatawad nya lang ako."

"Sana kuya tama ang desesyon mo sana. Niyakap ako ni Charlotte aminin ko natatakot ako sa magiging resulta nito .
Pero kumakapit ako sa pagmamahalan namin ni Jannia

" Sana nga" tipid kong sagot

Hinatid na ko ni Mommy sa airport hindi ko na sila pinasama kasi mas kailangan sila si Jannia.

Hanggang lumipad na ang eroplanong sinasakyan ko .

Sorry mahal ko, sana mapatawad  mo ko  sorry hindi ko napigilang umiyak hindi ko mapapatawad ng sarili ko sa naging desesyon kong to..

Welcome to Toronto Canada

Welcome to Toronto Canada

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Itutuloy

Author note

2k reads thank you sa Readers .

Dito na  mag sisimula ang pagbabago ni Jannia abangan nyo po

Keep some comments thank you :)

𝐌𝐫.𝐒𝐮𝐧𝐠𝐢𝐭 𝐋𝐨𝐯𝐞 𝐌𝐬.𝐒𝐮𝐧𝐠𝐢𝐭 (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon