Chapter(Dave)

1.3K 92 28
                                    


"Sige bert una na kami ni Gio , thank you sa dinner." Paalam ni tita kay daddy.

"Wala yon basta kayo" sagot naman ni daddy habang papunta kami ng gate para ihatid sila.

"Thank you po tito't tita , bro at dude"sabi naman ni Gio na hindi nakatingin sakin.

"Sige iho " sagot naman ni daddy at mommy di na lang ko nag salita kasi tumalikod na sila .

"Sige po daddy, mommy , kuya una po ko sa taas , pahinga na po ako " paalam ko sabay kiss ko kay daddy at mommy

"Sige baby"

...
Paghiga ko di ko pa rin makalimutan yong sabi ni tita na gusto nyang paligawan ako kay Gio hayyy di ko maimagine na liligawan ako ni dude . Minsan ramdam ko na may gusto sya sa akin pero ngayon parang may pader na nakaharang sa pagitan namin di nya kasi ako kinakausap di gaya ng dati,  subrang praning ko talaga. O masyado ko lang  binibigyan  ng meaning kahit wala naman.

Bakit ganon namimis ko sya kahit lagi ko naman syang nakikita? Bat ganito diba Jannia crush mo lang sya diba.

Mahal ko na ba sya ?
Pinunasan ko ang luha ko .
Para kang tanga Jannia pati yan iniiyakan .Ang babaw mo talaga kahit kailan.
Ang gulo ng utak mo nasasaktan ka ng dahil lang sa simpleng bagay na ganito .Sermon ko sa sarili ko.
.
.
.

Dalawang linggo na ang nakakalipas mula nong dumating sila daddy .
Next week aalis nanaman sila matagal tagal ulit sila babalik .
Sa dalawang linggong yon hatid sundo ako ni daddy . Kaya lalong hindi ko nakakasama si Gio .

"Alam nyo ba mga beshy na may bago raw yong banda ni Gio." Sabi ni Joy dito kami ngayon sa Gym . Kakatapos lang nyang nagpractice ng volleyball.

"Talaga beshy ? Sino nagsabi sayo at ano raw ang bago ? "Tuloy tuloy kong sabi .

"Ahh hindi mo pa ba alam akala ko sinabi na sayo ni Gio?"Gulat na sabi ni Joy.

"Alam nyo naman na minsan na lang kami magkasabay"

"Oo nga pala masyado na kasi silang busy." Sabi naman ni Lyka na parang may hugot din  pano si Josh din kasi laging busy sa basketball.

"Ahhy naku , ganyan talaga mga beshy , intindihin nyo na lang " sagot naman ni Joy

"Ooh sya ano na yong bago na tinutukoy mo? "Tanong ko

"Ang sabi, ibang iba daw to sa dati , narinig ko na tatlo daw silang kakanta"

"Ahh ibig sabihin hindi lang si Gio ang kakanta ?"Takang tanong ko kasi pagkakaalam ko si Gio ang vocalist at meron syang dalawang guitarista,at isang drummer bali apat sila sa banda.

"Oo ganun na nga beshy"

"Pero sino yong dalawang kakanta?" Tanong naman ni Lyka

"Yon nga eeh hindi ko alam kong sino hindi pa nila sinasabi. "

"Exciting naman yan mga beshy" tuwang tuwa sabi ni Lyka

"Kaya nga , hindi na ko makapag hintay sa gaganapin na battle of the band" two weeks na lang kasi bago yong contest excited na ko.

"Kami rin " may biglang nagsalita sa likod namin . Napalingon tuloy kaming tatlo .

"Kami rin excited na kami sa gaganapin na contest nila " sabi ni Carlo .Bigla na lang silang sumulpot ng di namin namamalayan

"Oohh may practice ba kayo ngayon ?" Tanong ni Lyka .

"Oo meron " sagot ni Josh , sabay upo sa tabi ni Lyka .May sasalihan kasi silang basketball game.

"Pero may 30 minutes kaming break." sabi ni Dave
"Kaya tara Jollibee muna tayo" yaya nya.

"Sige sige tamang tama gutom na rin kami " sagot ko , malapit lang naman yong Jollibee katapat lang ng University .

.
.
.
Sa Jollibee

"Kumusta na kayo girls ?"
Tanong ni Carlo habang kumakain na kami.
"Ayos lang naman kami,medyo busy lang talaga ngayon " sagot naman ni Joy
"Kaya nga eeh , di na tayo masyadong nag bobonding pero pag kami nanalo sa basketball treat namin kayo mag outing tayo. " Nakangiting sabi ni Josh

"Sigurado yan kayo ang panalo" siguradong siguradong sabi ni Lyka

"Basta girls , wag kayong mawawala don ahh lalong lalo kana Jannia " nakakatitig na sabi ni Dave sakin.

"Oo naman di kami mawawala diba girls ?" Sagot ko naman.

"Naman " sabay na sabi ni Joy/Lyka

Nang matapos na kaming kumain sa Jollibee bumalik na sila Dave sa gymnasium.

"Sige girls una kami , bye Lyka" paalam ni Josh sabay kindat kay Lyka buti pa sila  ako wala, langya .
"Bye" mahinang sagot ni Lyka pulang pula sya nag blublush ang lola nyo.

"Joy" tawag ni Carlo habang naglalakad palayo .Sabay tayo umuwi maya ah hintayin kita sa praking .Naks naman isa din to.

"Sure ,hintayin kita" agad agad na sagot ni Joy anu bayan, para akong ewan mas kinikilig pa ko sakanila.

"Jannia " biglang nagsalita si Dave di ko namalayan andito pa pala sya sa tabi ko.
"Yes Dave"
"May kasabay ka bang uuwe? Kung wala sabay na tayo"
"Meron ehh , andyan kasi si daddy susunduin nya ko, nextime na lang." Naka ngiti kong sagot.
"Sige sabi mo yan ahh"
"Oo "
"Sige sunod na ko sa dalawang mokong. "
"Ok bye" at yon tumakbo na sya papuntang gymnasium.

"Ahhy sus , may hindi kaba sinasabi samin Beshy? " ngiting sabi ni Joy

"Ahhh wala naman bakit beshy?" Nakakunot noo kong tanong.

"Wala ba talaga beshy? " Isa pa tong Lyka na to.

"Oo nga , ano ba kasi yon? " Inis kong sabi .

"Nanliligaw ba sayo si Dave?" sabay nilang sabi parang mga ewan tsk.

"Hindi ahh, ano ba kayo si Dave kaibigan natin yon "

"Ano ka ba beshy di mo ba nakikita , may gusto sayo yon"
"Tama si Joy beshy manhid ka talaga kahit kailan " tawa naman silang dalawa.

"Ahhh mga baliw kayo .Anong manhid manhid dyan masyado nyo lang binibigyan ng meaning yong nakikita nyo." Inis kong sabi pero sa totoo lang nararamdaman ko rin na iba ang tingin sakin ni Dave ayaw ko lang pansinin kasi alam ko sa sarili ko na hanggang kaibigan lang ang tingin ko sa kanya .

"Ahhy naku beshy kilalang kilala ka nanamin ang tagal na tayong magkakaibigan kaya alam namin na alam mo na my gusto sayo si Dave diba Lyka?

"Oo nga beshy "

"Sige na nga , alam ko ramdam ko na may gusto sya sakin pero kas-i"di pa ko tapos nagsalita sumabat na si Joy
"Pero kasi hindi mo sya gusto na si Gio ang gusto mo, tama ba ?"Yumoko na lang ako

"Ewan ko ba , kahit di ako masyadong pinapansin ngayon ni Gio sya pa rin ang gusto ko , siguro dahil nasanay ako sakanya . Masisi nyo ba ko na inlove ako sakanya "malungkot kong sabi
"Alam mo beshy naiintidihan ka namin , ok lang yan beshy" sabay hawak ni Lyka sa balikat ko.

"Pero kong ako sayo beshy ,kay Dave ka na lang "sabi naman ni Joy

"Basta ako kay Gio ako beshy" sabi naman ni Lyka mga baliw talaga ."Pero sympre si heart mo pa din yong masusunod "
"Tama si Lyka  ,basta andito lang kami beshy" sabay yakap nila sakin.

"Salamat mga beshy"

Itutuloy:

..

A/N

Sana mapansin story ko Original po ito kong my pagkakatulad man ito sa iba . Hindi po yon sinasadya .

...

𝐌𝐫.𝐒𝐮𝐧𝐠𝐢𝐭 𝐋𝐨𝐯𝐞 𝐌𝐬.𝐒𝐮𝐧𝐠𝐢𝐭 (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon