Chapter 42

693 25 5
                                    

Distance

Vince's pov.

Andito ako ngayon sa canteen break time na kasi .

Nakita ko si Jannia ,
mag isang nakaupo.
Lalapitan ko sana kaso naunahan ako ni Angelo.
Isa sa sikat dito sa University
magaling na manlalaro sa larangan ng basketball .
Chick boy yan iba't ibang babae ang lagi nyang kasama .
Tignan natin kong uubra sya kay Jannia.

Lumapit sya kay  Jannia at inabot ang flowers na hawak nya .

"Hi , Jannia for you. " Narinig kong sabi nya .

Tinignan lang sya nito at maya maya pay kinuha nya ang flowers na bigay ni Angelo .

Di ko maipaliwanag ang naramdaman ko bakit yong saakin binigay nya lang sa iba ba't yong kay Angelo tinanggap nya?

Nakita ko kong paano kasaya si Angelo nong tinanggap ni Jannia ang bulaklak. Samantalang ako parang biglang naging beyernes santo.

Tumayo si Jannia dala ang flowers na bigay ni Angelo .

''Swerte naman nya  gwapo ni Angelo ''sabi ng mga babae sa tabi ko .

Maya maya pa'y lumapit sya sa basurahan at nagulat ang lahat ng itapon ni Jannia ito at umalis .
Nakita ko yong gulat sa mukha ni Angelo.Kahit ako nagulat din
mas ok pa pala yong saakin at hindi nya tinapon .

Dumaan sya sa tapat ko.

"Hello Jannia" bati ko sakanya nagulat pa nga sya nong nakita nya .

"Hello."
Totoo ba yong narinig ko sumagot sya .

Natulala ako sa kinatatayuan ko subrang saya ko sa simpleng 'hello' .
Grabing saya na katumbas saakin.

Narinig kong tawanan ng mga barkada ni Angelo

Wala ka pala pre.

"Manahimik nga kayo!" ' sigaw ni Angelo .

"Humanda saakin yong babaeng yon.Wala pang gumawa saakin nito .! Pagsisihan nya to" galit na sabi ni Angelo .
Lumapit ako sakanya

"Kung ano man ang binabalak wag mo ng ituloy"

"Yabang mo ah .Sino ka ba para pag sabihan ako?" Galit yang sabi .
Ngumisi lang ako"tsk"

"Huwag si Jannia , pag tinuloy mo kung ano  yang balak mo ako ang makakalaban mo."  Susuntukin sana nya ko ng mahawakan ko ang kamao nya.
Namilipit sya sa sakit ng higpitan ko ang hawak dito. Lampa rin pala ang isang to.

"Huwag mo kong susubukan. " Seryusong sabi ko.

"Sino ka ba? Bakit ka nangigialam boyfriend ka ba nya?"  Tanong barkada ni Angelo

"Wala ka  na ron kung sino man ako basta wag na wag nyong guguluhin pa si Jannia " sabay bitaw ko sa kamay ni Angelo.
Umalis na ko sa Canteen .
Ang daming nagbubulungan.
Ang dami ding nagulat .
Hindi naman kasi ako ganito dati tanging si Jannia lang ako nagkaganito .Gusto ko syang protektahan.

-----------------
" Vince!" Tawag saakin ni Jannia andito ako ngayon sa parking lot .Pauwe na sana ko .

"Ooh Jannia sasabay ka ba saakin?" Nakangiti kong tanong

"Bakit mo ginawa yon?" Galit nyang sabi
"Ang alin? "

"Yong kay Angelo, bakit mo ginawa yon? May napagsabi saakin sa ginawa mo sa Canteen" bumuntong hininga muna ko bago nagsalita.

"Wala  lang yon , huwag mong isipin yon ."

"Anong wala lang yon ? Bakit mo ginawa yon?"

"Ginawa ko yon kasi gusto kitang protektahan."

"Protektahan , Vince hindi mo ko obligasyon . Tama na saakin nong minsan mo kong pinagtanggol. Alam mo bang madaming nagagalit saakin ng dahil sayo . Yong tahimik kong buhay gumugulo ng dahil sayo ."

"Kaya pwede ba, " Huminto sya saglit "pwede bang layuan mo na ko huwag ka ng lalapit saakin. Siguro naman nakakaintindi ka .Kaya mula ngayon  wag mo na kong lalapitan ."
Umalis na sya di man lang nya ko binigyan ng pagkakataon mag salita .Siguro tama sya kailangan ko munang lumayo sakanya .

Umalis na ko at pumunta sa bar na pinapatayo ko .
Pinatayo ko tong bar na to para sa mga heartbroken .
Itong bar na to ang magiging sandalan na ng mga pusong sawi .
Naging inspiration ko si Jannia dito.Alam ko may pinag dadaanan sya .Gusto ko syang mag ka move don sa ex nya . Nabanggit sakin ni Charlotte na iniwan daw si Jannia ng taong mahal nya kaya nagbago sya .
Bali kasama ko ang mga kaibigan nya sa planong pagtatayo ng bar na to.
Malapit ng matapos to, dati kasi tong Restaurant pinaayos ko lang.
Balak kong buksan to sa susunod na buwan .
Nakahanap na rin ako ng mga kakanta twing gabi dito.

Kumuha ako ng isang boteng alak at ininom to .

------------
.
.
.

Jannia's Pov.

Ilang araw na nakalipas mula nong kinausap ko si Vince .

Mas ok ng layuan nya ko .
Ayaw kong maging obligasyon nya ko.
Kinaya ko naman kahit ako lang mag isa .Ayaw kong may umiintindi saakin at binibigyan ako ng halaga .
Kasi alam ko iiwan di nila ako ulit pagkatapos iparamdam na special ako.

Mas ok ng  ganito .
Mas ok ng mag isa kaysa umasa sa iba .

(AN.Please play this ☝☝ para ma feel nyo yong nararamdaman ni Jannia.)
---
Nalalakad ako patungong next subject ko ng bigla nasalubong ko si Vince .Kung dati katabi ko lagi sya upuan ngayon lagi sya sa likod.
Mahirap din saakin to kasi classmate ko sya .Parihas kami ng kinukuhang course

Dati lagi nya kong binabati,
ngayon wala na  .Lumayo na sya akin .
Minsan nahuhuli ko syang nakatingin sa akin pero umiiwas naman sya pag nakita ko .

Naging tahimik nga ang buhay ko .Wala ng gumugulo saakin .
Wala ng nag aaway saakin .
Iniiwasan din ako ng mga lalaki .
Hindi ko alam kung bakit pero pabor sa akin yon .
Naging tahimik nga pero bat ganoon hindi ako masaya .

Hinahanap ko ba ang kakulitan nya 2 years nya kong kinukulit .
Ilang beses nya kong pinagtanggol .
Kahit anong sungit ko sakanya .
Binaliwala nya pero ano ang ginawa ko .Ganito na ba ko ka manhid ,ganito na ba ako kasama .
Hindi ako to, hindi si Jannia to .

Sinasayang ko ba yong panahon na dapat masaya ako .
Kinukulong ko ba ang sarili ko sa nakaraan?
O umaasa pa rin ako sa iisang tao na babalikan nya ko dapat ko bang parusahan ang sarili ko ng ganito .?
Kaibigan ,unti unti na silang nawawala saakin .
Nabulag pa ako sa labis na nakalungkutan?

Mas mabuti bang mag isa ?
O mas mabuti pang may kasama ka sa oras ng kalungkutan .?

Ngayon sa mga oras na to alam ko na ang sagot .
Alam ko na ang talagang gusto ko.Tama na ,tama na ang mga oras , araw at panahon na sinayang ko.
Panahon na para bumangon si
Jannia Mieh Guivarra .

------

𝐌𝐫.𝐒𝐮𝐧𝐠𝐢𝐭 𝐋𝐨𝐯𝐞 𝐌𝐬.𝐒𝐮𝐧𝐠𝐢𝐭 (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon