Chapter 38

722 25 1
                                    


Lonely Heart

Jannia's Pov

Two weeks na ang  nakakalipas, magmula nong iwan ako ni Gio .
Ni 'Hi' 'Hello' wala kong natanggap sakanya .
Ilang beses din ako nag message sa Messenger nya pero walang bumalik na response galing sakanya.

Wala kong ginawa kundi mag kulong sa kwarto at umiyak ng umiyak .
Baka sakaling maibsan  yong sakit na iniwan nya .

Ilang beses na rin pabalik balik sila Joy, Lyka , Charlotte at Dave .
Pero hindi ko sila pinapansin.
Siguro dahil galit ako sakanila, nagalit ako sapaglilihim nila saakin.

Pati si daddy at mommy nag aalala rin saakin .
Di kasi ako masyado kumakain .
Bawat sulok kasi ng bahay na to nakikita ko sya .
Hanggang ngayon hindi ko matanggap na iiwan nya ko ng ganun ganun lang .

------
Lumipas ang two months , one year , two years. Parang walang nagbago sa sakit na naramdaman ko.
Ganun pa rin yong sakit .

Two years na ang nakakalipas mula nong nag decide  akong mag condo na lang .
Kasama ko si Charlotte.
Gusto daw nya kong samahan hinayaan ko na lang .
Same lang naman din kasi kami ng School na papasukan
Maganda ang condong binili ni daddy para saakin.

Mas ok na dito ayaw ko  na rin kasi  sa bahay  naaalala ko si Gio doon .
Lalo akong nalulungkot pag andoon ako pero sa tuwing nakikita ko si Charlotte nakikita ko sakanya si Gio .
Gaya ko hindi rin nya nakakausap si Gio tanging ang tito Andrew nya ang nakakausap sa tuwing sasabihin nya na kung pwedeng kausapin si Gio tanging sagot lang ng tito nya busy si Gio.
Sa two years na yon wala kaming communication kay Gio.

Marami ng nagbago sa nakalipas na two years na yon.
Nagbago na rin ako, madaming nagtatangkang manligaw saakin pero binabasted ko sila agad .
Ayaw ko na ,ayaw ko na kasing  umasa ulit ayaw ko ng masaktan ulit .

Sa friendship naman namin nila Joy Lyka at Charlotte tila ang layo ko na sakanila .
Oo nilayo ko ang loob ko sakanila .
Hindi na ako gaya dati na masayahin friendly.
Hindi ko rin pinapakita sakanila na hanggang ngayon dala ko parin yong sakit. Pinilit kong bumangon pinipilit kong hindi na muli iiyak ng dahil kay Gio.

Pinapakita ko  sa kanila na  manhid na ko na wala na kong nararamdaman pa .
Pero ang totoo ako pa rin yong dating Jannia na mahina na malungkot na nasasaktan ng dahil lang sa iisang tao at si Gio yon.

"Ang ganda nya talaga " rinig kong sabi ng grupo ng mga kalalakihan habang dumadaan ako sa hallway kung saan patungo sa susunod na subject ko.

Dito pala sa
"Circle of Light Academy
kami nag aaral nina Charlotte , Lyka Joy at Dave .
Si Carlo at Josh sa Baguio nag aaral ganoon pa man going strong pa rin ang relasyon nila kahit ldr ang relasyon nila.

Si Lyka kumukuha bilang I.T.
Si Joy kumukuha naman ng  doctor.
Si Charlotte at Dave Engineering
Ako naman Culinary arts  .

Patuloy pa rin ako sa pag lalakad ng biglang may lumapit saakin .

"Hi Jannia"  bati nya saakin , tatanungin ko sana kong bakit nya alam ang pangalan ko yon nga lang wag na sayang lang sa oras .

Tuloy tuloy ako sa pag lalakad na parang wala kong narinig.

"Hello Jannia , ako pala si Vince classmate mo mula first year "  humarang sya sa harapan ko .Tinignan ko lang sya .

"Hindi mo siguro ako napapansin pero lagi ako yong bumabati sayo " nakangiti nang sabi.
Nilagpasan ko lang sya at tuloy tuloy na naglakad.

"Grabi naman ang babaeng yan hindi man lang pinansin si Vince " sabi ng mga babaeng nadaanan ko bahala sila wala kong pakialam sakanila .

Nang makarating na ko sa classroom ko.
Nag umpisa na mag lecture ang professor namin .
Napansin kong tumabi saakin yong nagpakilalang Vince.

Natapos na ang klase ko  dumeretso muna ko sa Garden ng school.
Maganda kasi dito tahimik .
Lagi akong tumatambay dito .

Sila Lyka atJoy kasi busy na rin sa course nila minsan nag aaya silang lumabas o sabay sabay kaming kumain sa canteen pero tumatanggi ako mas gusto ko pang mag isa. Alam kong sa ginagawa kong to nasasaktan ko sila.
Mas mabuti na to kesa mahawa sila sa kadramahan ng buhay ko .

Kinabukasan ..

"Hello Jannia " bati sa akin ni Vince ata pangalan nito .

Gaya kahapon di ko ulit sya pinansin tuloy tuloy pa rin ako sa paglalakad .

" Sungit mo naman " sabi nya  pero tuloy lang ako sa pag lalakad.

"Ngumiti ka naman dyan  ang ganda ganda mo tapos naka busangot ka "  ang daldal naman nito.

"Crush sana kita kaso sungit sungit mo " dagdag pa nya.

"Hoy pansinin mo naman ako " humarang sya sa dinaraanan ko .

"Pwede ba wag kang humarang dyan , tantanan mo nga ko"  iritang sabi ko , binilisan ko na ang paglalakad ko .Nakita kong masama tingin saakin ng mga kababaihan sa paligid ko .
Inirapan ko lang sila at pumasok na ko sa next subject ko.

Nang matapos na klase ko, pupunta sana ko sa garden ng school ng bigla may humarang saakin ..

"Hoy babae ka sino ka para ipahiya si Vince ng ganoon , ang kapal ng mukha mong hindi mo sya pansinin " sabi saakin ng  singkit na babae, may mga kasama rin sya.
Nilagpasan ko lang sya ng bigla nya ko hinawakan sa braso.

"Kapag kinakausap kita wag mo kong tatalikuran " galit na sabi nya .
Kinuha ko lang ang headset ko at isinuot ito wala kong balak makipag usap sa babaeng to .

"Bastos ka ahh " sabay hablot ng headset sa tenga ko.

"Ano bang problema mo? " kalmado kong sabi

"Ikaw ang problema ko bakit hindi mo pinansin  si Vince  napahiya tuloy sya kanina!" galit nyang sabi

"Hoy miss ,wala kang pakialam kong hindi ko man pansinin yang Vince na yan" sabi ko sakanya, tumalikod na rin ako, ayaw kong makipag away.

"Bastos ka talaga eeh" narinig kong sabi nya.
Naramdaman ko ang paghila nya sa buhok ko .
"Ito ang bagay sayo" sabi nya ulit habang hawak hawak pa nya buhok aray ang sakit ahh .
"Hindi ka deserve para pansinin ni Vince ang daming nagpapansin sakanya samantalang ikaw babaliwalain mo lang sya!"

"Wala kong pakialam sakanya ,hindi ko rin kasalanan na sakin sya nagpapansin. Kaya pwede bitawan mo buhok ko kong ayaw mong masaktan ."

Pero sa halip na bintawan nya lalo pa nya kong sinabunutn .

Sinipa ko sya sa tyan dahilan para mabitawan nya ang buhok ko .
Napaupo sya sa lakas ng sipa ko sakanya .
Lumapit ako sakanya ..

Hinawakan ko ang braso nya ..

" Huwag na wag mo kong subukan .Hindi mo ko kilala, mabait ako  pero sa gaya mo hindi !'
hinigpitan ko pagkakahawak sa braso nya  .

" Aray , bitawan mo ko" hiyaw nya at maiyak iyak nyang sabi
Ngumisi ko bago  ko sya binitawan.
Umalis  na ko at sinuot ang headset ko. Inayos  ko muna buhok ko nagulo feeling ko ang daming natanggal sa buhok ko. Kainis ang babaeng yon haixt.

Nasalubong ko rin si Vince inirapan ko lang sya .
Sa di ka layuan nakita ko si Dave at Charlotte  na may halong lungkot sa mga mukha nila.
Umiwas na lang ako ng tingin at nilagpasan sila.

𝐌𝐫.𝐒𝐮𝐧𝐠𝐢𝐭 𝐋𝐨𝐯𝐞 𝐌𝐬.𝐒𝐮𝐧𝐠𝐢𝐭 (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon