Chapter 21.Give up

898 60 0
                                    

Jannia's pov..

Sabado na ngayon,ibig sabihin birthday na ni Dave .
Tapos  na kong nakapag ayos  hinihintay ko na lang si Gio at si Charlotte .

Mula nong kinantahan at binigyan ako ng flowers ni Gio hindi na ko makatulog ng maayos kasi hindi ako makapaniwala na nangyari yon.
Subrang napapasaya ako ni Gio.

dingdong ....

"Manang ako na po " si Manang sana magbubukas pero nag presenta na ko baka kasi sila Gio na.

"Hi Jannia " bati saakin ni Charlotte sabay hug sakin.

"Hello " sabay bawi ko ng yakap nya ..

"Nasa'n si Gio ?" Tanong ko

"Papunta na yon "

"Hay naku ate, inunahan mo talaga ako sa pagpunta dito sa bahay nila Jannia sabi kong hintayin mo ko eeh " tuloy tuloy na sabi ni Gio, tumigil sya paglalakad  nang makita nya ko, napatulala siya.

"Ang ganda mo " bigkas niya, nakatitig sa akin

"Di naman " namumula kong sabi .

"Oo nga Jannia bagay na bagay mo yang suot mo, yong ayos mo "

"Thank you kong ganun " nahihiya kong sabi para rin akong matutunaw sa mga titig nya.

"Kuya baka matunaw si Jannia ikaw din" asar ni Charlotte

"Tumigil ka nga ate "


"Ano na , may balak ba tayong umalis o mag tititigan lang kayo rito" natatawang sabi ni Charlotte

"Epal ka din no" sabi niya kay Charlotte, tinawanan lang siya nito. Hinawakan niya ang kamay ko , pinag buksan din nya ko ng pinto ng kotse nya.

"Ako kuya di mo pagbubukasan ?"

"Ito na po pag bubuksan na kita Mam" inis na sabi ni Gio.

.

Dave house

Pagdating namin, namangha na agad ako sa bahay nila subrang laki at ganda ng bahay nila .

Black and white pala ang theme ng party nya  .
Black for girls
White for boys.
Pati decoration black and white din.

"Hello beshy " bati ni Joy at Lyka ang gaganda nila

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

"Hello beshy " bati ni Joy at Lyka ang gaganda nila

"Ganda mo beshy bagay na bagay sayo yong dress mo " puri ni Joy

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

"Ganda mo beshy bagay na bagay sayo yong dress mo " puri ni Joy

"Kayo rin naman ang gaganda nyo at ganda ng dress nyo ahh "

"Sayo rin Charlotte subrang ganda mo ngayon , malamang ang daming aaligid sayo rito, kaya ikaw Gio bantayan mo tong dalawang to " sabay turo samin ni Charlotte parang sira talaga ako tong si Joy.

" Wag kang mag alala daig ko ang CCTV ngayon ." Natatawa nyang sabi.

"Yan bro tama yan " singit ni Carlo habang papalapit sila ni  Josh saamin.

"Naman "

"Kayo namang apat maka puri kayo sa mga dress nyo akala nyo naman hindi kayo magkakasama kahapon na namili " tawang tawa sabi ni Josh .

'
" Kaya nga bro , babae talaga iba rin ang utak . " Sabi naman ni Gio sarap nilang pag untugin

"Walang basagan ng trip  " sagot ni Joy

"Kaya nga" tawa naman ni Charlotte

"Tara upo na tayo " yaya ni Gio sabay hawak sa kamay ko .

"Sige " nakita ko yong mga ka schoolmates namin kong paano sila tumingin saamin.

Manigas kayo .

Maya maya pa'y dumating na si Dave kasama ng mommy nya ..

"Happy birthday " sabay sabay naming sabi .

"Thank you guys .Thank you sa pag punta, kain muna tayo bago ang party ." Sagot ni Dave

"Hi Tita. " Bati naman namin sa mommy ni Dave .
Mabait ang mommy ni Dave nakilala ko na sya kasi customer namin sa shop ni mommy .

"Hello , enjoy kayo ahh." Sabi nya ng nakangiti .

Nang matapos na kami kumain. Pumunta ang lahat sa may likod ng bahay nila don gaganapin ang party para lang sa mga kabataan .
May sayawan at inuman.

"Hi Jannia " bati sakin ni Dave.

"Nasaan si Gio? " palinga linga pa siya

"Nag cr lang, happy birthday nga pala,  gift ko oh" sabay abot sakanya

"Thank you  "

"Ehem " andyan na pala si Gio .
"Happy birthday Bro" bati ni Gio
" Thank you Bro"

Gio's pov

"Happy birthday Bro " bati ko kay Dave magiging mabait ako sakanya ngayon kasi birtday niya .

"Thank you bro" sagot nya .
"Gio pwede ba tayong mag usap " seryusong sabi nya

"Sure walang problema"

"Excuse me Jannia ah" sabay alis namin ni Dave .

"Ano yon? " malamig kong sabi .

"Gio , bakla man pakinggan pero suko na ko , nagising na ko na hindi talaga ko magugustuhan ni Jannia ." Buti alam nya, pero nagulat ako hindi ko akalain na sasabihin nya yon.

"Anong ibig mong sabihin? "

"Pinauubaya ko na sya sayo .Pero ipangako mo saakin na aalagaan mo sya "

"Hindi ko kailangan mangako  sayo kasi yon talaga gagawin ko "

"Mabuti kong ganun , may isa lang akong gustong hilingin sayo "

"Ano yon"

"Gio , kahit ngayon lang saakin muna si Jannia kahit ngayon lang pagkatapos ng gabing to sasabihin ko na sakanya na suko na ko "seryuso nyang sabi

"Di ko alam  kong bakit ako nagpapaalam sayo pero gusto ko lang sya masolo sa gabing na to kasi bukas makokontinto na lang ako bilang kaibigan nya. " Bumuntong hininga muna ko bago sumagot

.

"Sige payag ako ,  lalaki sa lalaki ang usapan ay usapan " mukha namang sya sincere.

"Oo makaasa ka" hinawakan ko na lang balikat nya saka lumapit ako kay Jannia.

"Tagal nyo naman ano pinag usapan nyo ?"

"Wala "

"Wala! " malakas na sabi nya
"Sa tagal nyong yon? Ano to joke?"

"Ang cute mo talaga " sabay pisil sa pisnge nya

"Aray naman "

"Tara nga" hinila ko sya papunta sa gitna isasayaw ko muna sya bago ako umuwe hahayaan ko muna sila Dave ngayon .

"Ano to ?"

"Sasayaw tayo " namula sya bigla at di nag salita.

Habang sumasayaw kami tinitignan ko sya sa mata .
Mahal na mahal ko talaga tong babaeng to 

"Jannia , i love you " sabi ko sakanya

Nagulat sya at namumula ang pisnge nya .
Ramdam ko naman na may pagtingin si Jannia saakin pero ang di ko lang alam kong gaya sa nararamdaman ko sakanya .

Nang matapos na kami sumayaw .

Habang nakikipag kwentuhan si Jannia sa mga kaibigan nya umalis na ko umuwe na ko .
Ngayon gabi lang naman eeh ngayon lang kay Dave muna sya .


Follow me LabzWriter

𝐌𝐫.𝐒𝐮𝐧𝐠𝐢𝐭 𝐋𝐨𝐯𝐞 𝐌𝐬.𝐒𝐮𝐧𝐠𝐢𝐭 (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon