Chapter 59

1.2K 26 7
                                    


2year Later

2years na kaming mag asawa  ni Gio pero hanggang ngayon hindi pa rin kami nabibiyayaan ng anak .
Sabi  naman ng  doctor my chance naman na magkakaanak kami .

Kahit sabik na sabik na kaming makaroon ng anak .
Hinihintay na lang namin kong kailan kami bibigyan ni God .

Pati nga mga magulang namin excited na rin .

Last year nag pakasal na si Joy at Carlo.
Nakaraang  buwan naman sia Lyka at Josh.
Si Dave at Charlotte ngayon taon din .

Buti pa si Lyka may anak na nanganak sya nong nakaraan buwan naunahan pa kami .
Lalake ang anak nila  si Lychael Jash

Lumipas ang limang buwan.
Natapos na din ang kasal ni Dave at Charlotte .Balita ko buntis na rin si Charlotte . Hindi ko maiwasang mainggit

"Mak ok ka lang ba? " Tanong sakin ni Gio andito kami sa kwarto namin.

"Mak iniisip ko paano kong hindi na tayo biyayaan ng anak ?"
Malungkot kong sabi

"Ok lang naman sakin Mak ang mahalaga magkasama tayo .Pero syempre gusto kong magkaroon tayo ng anak, maniwal tayo darating din yan " nakangiting sabi ni Gio.

"Sana nga Mak .Pinapanalangin kong sana dumating na "

"Mag tiwala lang tayo sa Diyos Mak"

"Oo Mak may tiwala ako sakanya."

Makalipas ang isang buwan
Madalas ng sumasakit ang ulo ko at lagi na kong nagsusuka sa umaga.

Minabuti naming mag pa check up baka kasi ito na ang hinihintay namin .

"Congratulations Mr&Mrs . Rodriguez  3 weeks pregnant  ka na po misis "sabi ng doctor .
Laking tuwa namin.

" Pero mag ingat po kayo misis masilan po ang yong pag bubuntis .Kaya mester alagaan mong mabuti ang yong asawa'

"Opo doc, thank you doc" tuwang tuwa sabi ni Gio .

Subrang saya namin .
Agad kaming pumunta sa  kanila daddy para sabihin ang magandang balita.

"Sa wakas, dininig din ang ating dasal " masayang masayang sabi ni Mommy

"Congratulations Gio magiging  tatay ka na kaya lalo mong alagaan ang asawa mo" nakangiting sabi Daddy

"Opo Dad makakaasa po kayo .Aalagaan ko po ang mag ina ko ."

Nag celebrate kami .
Pumunta lahat ng barkada .Kahit na may kanya kanya na kaming pamilya .Hindi pa rin nag babago ang closeness namin .

5 months bago namin nalaman kong anong gender ng anak namin .
Laking gulat ko na dalawa pala ang dinadala ko .
Kambal na lalake, subrang saya namin mag asawa at  hindi lang isa ang binigay samin kundi dalawa pa .

Bilib din ako sa asawa ko kasi subrang maalaga nya .
Kaso nga lang hindi nya ko pinapayagan pumuntang shop kaya sya muna ang nag aasikaso don .
Kahit subrang busy nya, naaalagaan parin nya ko hindi sya nag kukulang.

Kahit sya yong nakilala kong Mr.sungit dati .
Sya naman si Mr.Perfect para saakin.Perfect husband.

Hindi nanamin mahintay ang araw na lalabas ang aming mga anak .
Anak na mamahalin at aalagaan namin.

.
.

.
.
.
.
.
.
.
4years Later

"Mga anak pumasok na kayo at kakain na "

"Yes Mom " sabay nilangsabi

Si Crishann Kie tahimik na bata .Makikita mong matalino sya marunong na syang magbilang at mahilig makinig ng mga learning song

SiGiovhann Jie bibong bata , makulit, madaldal , mahilig syang manuod ng cartoon at ayaw nyang kalaro ang kapatid nya sabi nya boring daw tong kalaro.

Nakikita ko habang lumalaki sila ang pagkakaiba nila .
Hindi sila magkamukha.
Si Crishann ay kamukha ko
Si Giovhann ay kamukha ni Gio .
Nahihirapan kami habang lumalaki sila kasi hindi sila magkasundo .

Pano kasi Crishann ayaw makipaglaro mas ok pa sakanya ang maupo na lang sa sulok kahit na anong gawin namin hindi namin sya mapilit. Tanging  si Carlay Mae  anak ni Carlo & Joy ang lagi nyang kasama
Magkasundo sila kahit medyo makulit si Carlay Mae hindi naman sila nag aaway .
Pero pag sila mag kambal ang magkasama asahan mo may iiyak at iiyak sakanila.
Samantalang si Giovhann ang hilig maglaro kalaro sya si Lychael Jash anak ni Lyka at Josh.Magkasundong magkasundo sila .Minsan nakakalaro din ni si Charll John (anak ni Charlotte at Dave)

Buti na lang at iisang subdivision kami nakatira kaya hindi mahihirapan ang mga anak namin maghanap ng friends .

Kahit busy ako sa Shop pati rin si Gio busy din sa tatlong Resort na pinatayo nya .Isa sa Palawan, Batangas at dito sa Manila.
May quality time parin kami para sakanila.

('An:Tandaan nyo po yong mga name ng mga anak nila :)

"Daddy" salubong nila kay Gio .
Binuhat naman nya ang dalawa kahit mabigat na ang mga to  kinakaya pa din niya.
Si Gio close sa mga anak namin .
Spoiled nga yang dalawang kambal sakanya .Lahat ng gusto nya sinusunod nya .

"Mak" sabay lapit ko sakanya.

"Ibaba mo na ang mga anak mo ang bibigat na mga yan eh "

"Wala ka bang bilib sa mester mo .
Yakang yaka ko ang mga to .
Gusto mo buhatin din kita mak"

"Puro ka kalukuhan .Tara na't kumain na tayo nakahain na ang hapunan .

" Masyado naman seryuso ang mommy nyo "bulong niya sa dalawang bata.

Pumasok na kami at kumain

Nang matapos na kami pinatulog na ni Gio ang mga bata.


"Mak ok ka lang ba? " tanong nya habang nakahiga kami

"Oo Mak ,ok lang ako nababahala lang ako sa mga anak natin"

"Bakit naman Mak? "

"Lumalaki silang hindi makasundo magkaibang magkaiba sila  .Paano natin sila pagkakasunduin ."?

"Alam mo Mak mga bata pa naman sila .Malay mo paglaki nila makakasundo rin sila .Kung sakali man na hindi .Andito tayong magulang nila para gabayan sila .Magtutulungan tayo"

"Tama ka Mak, walang bagay na hindi natin malalagpasan hanggang magkasama tayo."

"Oo kaya wag kang mangamba kasama mo ko Jannia sa hirap at ginhawa. I love you Jannia"

"I love you too Gio"

--------------


𝐌𝐫.𝐒𝐮𝐧𝐠𝐢𝐭 𝐋𝐨𝐯𝐞 𝐌𝐬.𝐒𝐮𝐧𝐠𝐢𝐭 (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon