Chapter 10 Maling akala

1.1K 87 13
                                    

Author Note%
Guys hindi po ako perfect writer baguhan pa lang po ako pero i try my best po .


Gio's pov

Andito ako ngayon sa parking lot hinihintay ko si Jannia. Maaga rin kasing natapos yong practice namin .
Kailangan din kasi namin ipahinga ang boses namin . Aminado ako nahirapan kami ngayon sa practice .
Yong song kasi na napili ng manager namin ay kanta ng "Westlife" .
Wala naman ako masabi sa mga kanta nila kasi magaganda pero syempre kailangan din namin gandahan.Old song man to sa iba pero iba pa rin yong mga kanta nila.
Nalaman kasi namin na puro Boyband ang mga sasali at maglaban laban na lang kami sa performance ."

(A/N: sinsya na sa mga hindi related sa Westlife)

Kaya pinagbubutihan namin lalo na ko may inspiration ako at si Jannia yon.
Speaking of Jannia, andyan na pala sya pero hindi sya nag iisa kasama nya nanaman si Dave.
Tinignan lang nila ako at deretso silang naglakad papunta sasakyan ni Dave tatawagin ko sana si Jannia ng biglang nag ring ang cellphone ko ..

Gea Calling.....

"Kuya, kamusta kana? Kanina pa kita tinatawagan. Bakit hindi mo sinasagot?"
Pasigaw na sabi ng kapatid ko.
Ang ingay talaga nito .
Nakita kong nakatingin si Jannia .

"Ano ka ba babe, na mis mo agad ako?"
Nilakasan ko, boses ko para marinig ni Jannia .
"Kuya si Gea to kakambal mo, anong babe ka dyan? "
sabi ng kabilang linya..
"Oo na babe pupuntahan na kita dyan, bye"

Sabay patay ng phone .
Tumingin ako kay Jannia nakita kong gulat sa mukha nya .
Sumakay na sya sa sasakyan ni Dave at umalis ..
Riiiiiiiiiiiinnnnnnggggg...

Gea Calling ..

"Kuya! " bago pa sya makapag salita inuhan ko na sya

"Wag mong intindihin yong kanina ok"

Narinig kong napatawa sya.
"Ok, basta kwento mo sakin yan pag uwe namin dyan"

"Oo na, sige maya ka na tumawag uuwi na ko bye."

Di ko na sya hinintay magsalita pinatay ko na agad alam ko aasarin nanaman nya ko ..
Sya nga pala yong kakambal ko.

Si Charlotte Gea Rodriguez pero hindi kami magkasamang lumaki . Nasa palawan kasi sya, sa lola ko .Hiwalay na kasi si mommy at daddy ko.

Si daddy nasa Canada doon  sya nagtatrabaho .Nag papadala parin sya kay mommy para sa pag aaral ko pero hanggang don lang yon.Si mommy naman pumupunta punta sa palawan para dalawin si Gea. Pumupunta di naman ako roon pero minsan lang .
Si Gea makulit yan , sweet na kapatid laging ngang tumatawag yan sakin .
Kahit kasi di kami magkasamang lumaki close pa rin kami . Kahit magkalayo kami may communication pa rin kami ..

Pupunta nga sila rito sa Manila kasama si lola . Next month kasi December na rin, dito sila mag papasko at gusto rin ni Gea mapanood yong contest namin .Mas excited pa nga sya sakin eeh .
Balak nga din nyang dito na rin mag college next year..
Pero depende pabrin yon kay daddy kong papayag sya.

(A/N abangan si Charlotte Gea Rodriguez)

Jannia's pov.

"Jannia tara na " yaya ni Dave sabay kasi kaming uuwi.

"Iba na talaga yan" bulong ni Joy kay Lyka , bulong na sangkarinig naman mga baliw talaga.

"Manahimik nga kayo bubulong pero sangkarinig naman tsss. "
"Narinig mo ba akala ko beshy bingi ka "sabay halakhak ni Joy
"Aray! " Binatukan ko nga
"Buti nga sayo." Tawang tawa sabi ni Lyka
"Manahimik ka nga Lyka baka gusto batukan din kita para same tayo sakit kaya " natawa na lang kami sa kanya para sya bata.

"Sige mga beshy una kami , kayo umuwi na rin kayo. " Ang alam ko nakikipag date ang mga yan kay Carlo at Josh
" Opo nanay " sabay nilang sabi .
"Sige girls bye" paalam ni Dave
"Bye" sabay nilang sabi

Nang makarating na kami sa parking lot.
Nakita ko si Gio na nakasandal sa harapan ng sasakyan nya.
Tumingin sya samin, ngumiti sya pero ng makita nyang bigla akong inakbayan ni Dave nawala ang ngiti sa labi nya .
Tuloy tuloy lang kami  sa paglalakad at ng malapit na kami sa sasakyan ni Dave bigla na lang nag ring ang phone ni Gio .

"Ano ka ba babe namis mo agad ako" nakangiting sabi nya sa kausap nya bigla na lang ako napalingon sa kanya .
"Oo na babe pupuntahan na kita dyan" babe daw sino kaya yon gf ba nya yon? Grabe ang sakit ng nararamadaman ko ngayon parang gusto kong umiyak . Nakita kong lumingon si Gio sakin . Kaya bigla na ko sumakay sa sasakyan ni Dave.

Habang nasa biyahe .

"Ok ka lang ba Jannia? Kanina ka pa kasi tahimik"

"Ok lang ako masakit lang ulo ko" pag sisinungaling ko puso ang sumasakit sakin .
Kaya siguro di na ko pinapansin masyado ni Gio kasi may girlfriend na sya .Kaya siguro di na sya pumupuntang bahay kasi may iba na syang pinupuntahan at yong "babe" na yon . Siguro yon yong sa 'Status' nya dati . Sabi nya ako unang makakaalam pero bat ganun wala kong alam.
Ako naman tong tanga umasa na ako  yong gusto nya .Langya naman, kainis talaga ang sakit. Akala ko parihas kami ng nararadaman umasa ako pero hindi pala maling akala lang pala .

" Ganun ba " sagot ni Dave pero alam ko nakita nya yong naging reaction ko alam ko rin na narinig nya yong kay Gio .
"Hayaan mo na sya andito naman ako Jannia eeh. "
Napalingon ako ng sinabi nya yon
"Alam ko Dave ." Tanging sagot ko na lang ..

Sa bahay
"Thanks Dave sa paghatid " piking ngiti ko sakanya , pero sa totoo lang kanina ko pa gustong umiyak.
" Welcome bukas sabay ulit tayo ahh"
"Sige" sagot ko na lang pinaalis ko muna sya bago ako pumasok sa bahay.Pero bago ako tuluyang pumasok tumingin muna ko sa bahay nila Gio . Wala pa yong sasakyan nya. Baka andun sya sa "babe" nya.

"Hi mommy " bati ko kay mom pagkapasok ko sa bahay .
"Hello anak , mag meryenda ka muna may cup cake akong ginawa. "
"Wag na mommy , maya na lang siguro akyat na po ako masakit kasi ulo ko" pag sisinungaling ko nanaman .
"Sige anak , may gamot dyan sa drawer uminom ka ahh"
"Sige po mommy "pero dumeretso na ko sa kwarto ko .

Humiga agad ako at umiyak gusto ko ilabas yong sakit dito .
Sakit na hindi maipaliwanag .
Sino kaya si babe?

Itutuloy

A/N
Hope you like it ,i try my best
Thanks sa mga nagbabasa :)

𝐌𝐫.𝐒𝐮𝐧𝐠𝐢𝐭 𝐋𝐨𝐯𝐞 𝐌𝐬.𝐒𝐮𝐧𝐠𝐢𝐭 (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon