Chapter 11)babe

1.1K 88 7
                                    

Jannia's pov

Ilang araw na mula nong umiyak ako ng dahil kay Gio .
Ang sakit pa rin pero syempre kailangan kong tatagan .Iniiwasan ko rin sya, iwan ko pero kapag nakikita ko sya naiisip ko yong nangyare .
Naisip ko na may "babe" na pala sya.

Di ko na rin sinabi sa iba . Nextime na lang siguro kaya ko pa naman sarilihin eeh..

Two days na lang contest na nila Gio kaya busy na rin kami.
Bukas rest day para makapagpahinga ang lahat para full ang energy pagdating sa contest..
Maya maya lumapit sakin si Lyka.
.
.
.

"Beshy " tawag sakin ni Lyka
"Pwede ba kitang kausapin"
"Oo naman "
"Beshy may problema kasi ako" di mapakaling sabi ni Lyka
"Ano yon beshy? "
"Eeh beshy pwede sa tambayan muna tayo"
"Sige text ko na din si Joy para makasunod satin"

.
.
.

Sa tambayan

"May meeting ba tayo mga beshy? " tanong ni Joy. Kakarating nya lang hinintay muna namin sya bago sabihin ni Lyka ang problema nya .

"Seryoso to mga beshy" sagot ni Lyka ..

"Ok sige " sagot ni Joy na seryoso na rin.

"Ano yong problema mo ?"

" Beshy , akala ko gusto nya ko akala ko seryuso sya sabi nya liligawan nya ko "

"Wait, wait beshy si Josh ba yan? " Tanong ko, tumango naman siya

"Mga beshy kasi nakita ko sya kahapon na may kasamang magandang babae. Manunuod sana ko ng practice nila pero pagdating ko roon nakita kong may kayakap syang babae .Ang sakit mga beshy" umiiyak na sabi ni Lyka lumalim na talaga yong pagtingin nya kay Josh naiintindihan ko sya kasi naramdaman ko rin yon.

"Yon ba yong singkit na babae na kulot ang buhok? " tanong ni Joy .
Tumango naman si Lyka
"Kilala ko yon , sya yong ex ni Josh beshy si Carmella pinakilala sakin ni Carlo yon nong minsan ako nanood ng practice nila "

"Ex ba nya yon , baka nagbalikan na sila beshy" sabi naman ni Lyka

"Hindi , sabi ni Carlo bumabalik daw si ex pero ayaw na ni Josh , eh subrang kulit ni ateng ex "

"Yon pala beshy , ibig sabihin hindi na gusto ni Josh yon kaya ikaw beshy lumaban ka wag kang papatalo at sigurado ako na mas maganda ka pa don" sabi ko naman

"Kaya nga beshy ,kaya wag ka ng umiyak dyan ok , walang dapat iyakan"

"Tama si Joy , andito lang kami beshy ok tandaan mo yan"

"Thanks mga beshy, maasahan ko talaga kayo "

"Naman sino pa ba magtutulungan kundi tayo din diba"

"Big check , group hug" kaya yon nag yakapan na kami.

"Yon pala ikaw Joy baka gusto mong mag open din parang nagkakabutihan na kayo ni Carlo" pag tutukso ko kay Joy

"Anu bayan beshy " kinikilig na sabi ni Joy

"Kaya nga beshy , musta na kayo ni Caloy mo? " Pagtutukso rin ni Lyka ..

"Ok, nanliligaw sya pero pinapahirapan ko sya mga beshy alam nyo naman na chickboy yon dati hirap na no"

"Kungsbagay pero ang tanong gusto mo na ba sya? " Direktang tanong ko .

"Oo , aminado naman ako na gusto ko sya "

"Ayyyyiiiiiieeeeeh" tukso namin sakanya

"Basta beshy pag may problema ka rin andito lang kami" sabi ko kay Joy

"Alam ko yan mga beshy best friend forever"

"Ikaw Jannia , kumusta na kayo ni Dave? " Tanong ni Joy hala ka ito yong iniiwasan ko eehh

" Ahm mga beshy pwede next time ko na lang sasabihin sainyo yong sakin , pero promise sasabihin ko sainyo"

"Sige beshy abangan namin yang kwento mo ahhh" sabi ni Lyka

"Oo promise sasabihin ko rin sainyo"

"Promise mo yan ahh" sabi naman ni Joy na parang naninigurado

"Promise" ngumiti na lang ako
"Tara at mag meryenda muna tayo , nagutom ako" yaya ko sakanila

"Tara" sabay nilang sabi..

.
.
.
.
"Sige mga beshy kitakits na lang sa Saturday" paalam ni Joy . Sabay sakay na sa sasakyan nya ..

" Una na rin ako beshy, di mo ba kasabay si Dave ngayon?" Tanong ni Lyka

" Hindi eeh, my lakad daw sya"

" Gusto sabay ka na lang saakin?"

"Hindi na ok lang ako. "

"Ok lang naman saakin beshy eeh"

"Hindi na , mag taxi na lang ako"

"Sure ka? "

"Ay ang kulit, oo nga umalis ka na nga "

"Sige sige bye bye" at yon umalis na nga sya ang kulit.

Ilang minuto pa ang nakalipas..
May humintong sasakyan sa harapan ko andito kasi ako ngayon sa harap ng gate ng campus.

"Hi Jannia" bati nya hindi ako makaimik na shock ako sa kagwapuhan nya.
Tapos alam mo yong feeling na hindi ka makapagsalita pag kaharap mo sya at yong dibdib mo subrang lakas na parang lalabas na ito..

"Jannia, sabay ka na sakin"
Di parin ako umimik ..

"Jannia" ulit nya..
Ano ba yan nakakahiya naman ..

"Jannia pansinin mo naman ako , hoy"
Maya maya pa'y hinila na nya ko papasok sa sasakyan nia ano ba yan bat di ako tumutol diba galit ako sakanya .Bat hindi ko mapairal ang galitbko ..Diba dapat masungit ako diba diba diba, nababaliw na ata ako..

"Jannia ok ka lang ba?" Tanong nya , napansin nya siguro na hindi ako mapakali ..
Jannia easy si Gio lang yan umaarte ka na ok ka lang . Exhale, inhale

"O--o ok lang a-ko" bat ako nauutal pasaway Jannia umayos ka kinakausap ko na sarili ko baliw na ako .

"Sure ka may masakit ba sayo?" Tanong nya habang nakatingin sa daan .

"Wa-la ok lang ako"

Maya maya nagsalita ulit sya..

"Hindi mo ata kasabay , yong manliligaw mo?" Manliligaw ko daw ?

"Ano yon" kunwari di ko narinig

"Sabi ko bat di mo kasabay si Dave yong manliligaw mo" si Dave manliligaw ko ?Buti pa sya alam nya samantalang ako hindi.

"Ahh wala eh , may lakad daw sya ngayon"
"Ikaw , di ka ata pumunta sa babe mo? "

"Hahahahahahaha" tawa nya ano nakakatawa?

"Ahh yon ba bukas pupuntahan ko sya"

"Ganun ?Di mo ba sya ipapakilala saakin? " Tanong ko baka naman diba ..

"Ipapakilala ko sya sa Saturday , manonood sya ng Battle of the band" tama nga ko may girlfriend na nga sya .Sakit nanaman ng heart ko .Pero di ako iiyak nagiging iyakin na kasi ako kailangan ko na kasing tanggapin na may girlfriend na si Gio . Yong taong mahal ko.

"Ok" Tanging sagot ko lang , wala ng umimik hanggang makarating na kami sa bahay ..

"Thanks Gio"

"Welcome " ngiting ngiti nyang sabi parang ang saya nya samantalang ako.

hindi :(

Itutuloy...

A/N

Yan may nagbabasa na hehe kahit hindi binabasa yong lahat ng chapter ok lang atleast meron:)

Think positive pa din ako :)

𝐌𝐫.𝐒𝐮𝐧𝐠𝐢𝐭 𝐋𝐨𝐯𝐞 𝐌𝐬.𝐒𝐮𝐧𝐠𝐢𝐭 (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon