Chapter 35

725 32 2
                                    


Jannia's pov.

Nakarating na kami sa school nila Charlotte .
Simple lang ang school nila hindi gaya ng Timberland's University..

Nakaupo lang kami sa gilid habang nanunuod ng "Graduation Ceremony" nila .
Nakita ko kung papano umiyak si Charlotte . Niyakap nya ang mga classmate nya na sa tingin ko mga kaibigan nya .
Nalulungkot siguro sya ngyon kasi sa Manila na sya mag aaral at hindi na nya makakasama ang mga kaibigan nya .

"Congratulations Charlotte  " bati ko sakanya

"Congratulations ate."
Bati naman ni Gio

"Thank you kuya  thank you Mie " Ngiting ngiti sabi ni Charlotte

Umuwe na kami at mayroong kunting salo salo sa bahay nila .
Bukas ng madaling araw at luluwas na kami pa puntang Manila kasama na namin si Charlotte .

Nang matapos na kami kumain .Wala na kaming inaksayang oras .
Pumunta na kami sa kabilang Island. Subrang ganda ng dagat subrang linaw nakikita ang ilalim ng dagat halatang malinis ito.
Wala kami ginawa kundi mag swimming at nag picture buong araw hindi umalis sa tabi ko si Gio.

Subrang saya ko talaga kapag andyan sya .

Mag gagabi na ng maisipan naming umuwe.
Nakaramdam na din ako ng pagod .
Nakakapagod pero sulit ang araw na ito

"Pagod?"Tanong ni Gio
Tumango lang ako at ngumiti sa kanya

Nang makauwe na kami .

" Mak, pwede ba kong tumabi sayo sa pagtulog?" Tanong ni Gio nagulat ako sa tanong nya hindi ko alam ang isasagot ko.
" Please wala kong gagawing masama gusto ko lang makatabi ka " dagdag pa nya

"Alam ko naman wala kang gagawing masama .
Sige tabi tayo matulog"  kumportable naman na ko sakanya magkaibigan palang kami minsan nag tatabi na kaming matulog pero mula nong nag Senior high school kami hindi na.
Hindi na kasi magandang tignan.

Pumasok na kami sa kwarto  at humiga niyakap nya ko ng mahigpit at ganon din ako sakanya
-----
----
---
Kinabukasan nagising kami ng maaga para lumuwas  na ng Manila. .
Umaga nang makarating kami sa bahay ..

"Anak ,kumusta? " Masayang sabi ni mommy dito na kami sa bahay.
"Ayos lang mom ang saya po kaso bitin"
"Bawi ka na lang next time anak at don tayo mag babakasyon"
"Talaga po mommy!"  kumislap ang aking mga mata gusto ko talaga ang lugar na yon.
"Oo naman anak"
"Thank you mommy"

"Baby andito na pala kayo " tuwang tuwang sabi ni daddy galing sya labas halatang nag jogging sya kasi pawis pa sya .
"Namis kita baby"  sabi ni daddy sabay yakap saakin
"Namis ko rin po kayo dad" yumakap naman ako pabalik sakanya

" Tito tita thank you po at pinayagan nyopo si Jannia lang"  sabi ni Gio
"Wala yon Gio basta ikaw " sagot naman ni mommy

"Sya nga po pala dad ito pala si Charlotte kakambal po ni Gio"  pagpapakilala ko kay Charlotte

"Hello po tito"  sagot nya kilala na sy ni mommy si daddy lang hindi "thank you po at pinayagan nyo pong maka attend si Mieh sa graduation ko "

"Wala yon iha "  nakangiting sabi ni Dad kay Charlotte.

"Mauna na po kami tito " paalam ni Charlotte  alam ko pagod din sila sa biyahe at puyat

" Sige Charlotte"

"Bye Mieh ,bye tita "

"Bye po, thank you po ulit"  paalam ni Gio

Hinatid ko sila hanggang gate

"Pahinga ka na Mak,
Ikaw din Mak ahh " sabi ko naman..

"I love you Mak"  sabay yakap saakin
"I love you too Mak"

"Ehem, ehem, PDA sa harap ng gate ayos ahhh  "  pang aasar ni Charlotte

"Epal ka talaga ate " inis na sabi ni Gio

"Whatever "  maikling sagot ni Charlotte

"Whatever ka dyan kong batukan kaya kita "

"Joke lang kuya peace tayo " nag peace sign pa si Charlotte

"Sige Mieh uwe na kami kuya bye" paalam ni Charlotte hinala na nya si Gio natatawa na lang ko sakanila.

"Ano ba ate wag mo nga hilahin"  narinig kong reklamo ni Gio

Pumasok na ko sa loob at diretso sa kwarto antok na antok na ko.

-----

Ilang araw na ang nakakalipas mula nong pumunta kami sa Palawan .
Naging busy si Gio sa di ko malaman na dahilan .
Madalang na syang pumupunta sa bahay pero tumatawag at nagtetext sya .
Sa twing pupunta ako sa bahay nila tanging si Charlotte lang andoon.
Kapag tinatanong ko Charlotte kong nasan si Gio sabi lang nya may inaasikaso .
Naging abala na rin ako para sa preparation ng dibut ko .
Tinutulugan ako nila Charlotte , Lyka at Joy .
Lagi sila sa bahay . Masaya rin ako at lagi silang andito ang kukulit kasi.
 Sila din kasama kong mamili ng susuotin ko, nahirapan nga kami kasi  ibat iba ang gusto namin kaya nag decide na lang kami na  mag pagawa na lang .
Maganda naman ang kinalabasan.

Itong mga huling mga araw madalas ko silang mahuhuling
seryusong nag uusap pero sa tuwing tatanungin ko kong ano pinag uusapan nila , tanging sagot lang nila " pinag uusapan lang namin beshy about don sa debut mo"

Gio's Pov

Ilang araw na kong hindi  nakakapunta sa bahay nila Jannia inaasikaso ko kasi yong mga kailangan ko  sa pag punta ko sa Canada . Lagi ding tumatawag si tito Andrew lagi nyang tinatanong kong naasikaso ko na ba yong mga dapat asikasuhin.

Bukod sa pag aasikaso ng mga kailangan sa pag alis ko  naging busy din ako sa  pag  praractice sa kakantahin ko sa debut ni Jannia  ito ang  huli kong kakantahin ko para sakanya .

Nakabili na rin ako nang pang regalo ko para sakanya . Regalong magiging alaala ko sakanya .
Hindi ko na kasi sya mabibigyan ng time pag umalis na ko at ang kasunduan namin ni tito ay bawal akong makaroon ng communication dito sa pinas. Kahit sila mommy hindi pwede si tito na lang daw tatawag sakanila kong kailangan .Ayaw daw nya ng distraction .

3 days na lang at debut nya na at alis ko na rin .
Hindi ko maipaliwanag kong gaano kasakit saakin to sa tuwing naiisip kong iiwan ko na sya .

Wala akong balak mag paalam sa kanya alam ko madaming magagalit saakin.
Alam kong magagalit sya lalo sa saakin. Pero mas ok na to kesa makita ko syang nasasaktan at malungkot sa huling araw na makakasama ko sya .
Kinausap ko  sila Lyka , Joy , Carlo , Josh , Dave at Charlotte dito lahat sila totol sa gusto kong mangyari pero buo na ang desesyon ko .
Buo na ang desesyon ko na hindi  mag paalam sakanya .
Gagawin ko lahat maging masaya lang sya sa araw ng birthday nya sa debut nya .

Itutuloy:

AN..

Abangan ang pag alis nj Gio at ang Debut ni Jannia ...

Keep some comments thank you:)

𝐌𝐫.𝐒𝐮𝐧𝐠𝐢𝐭 𝐋𝐨𝐯𝐞 𝐌𝐬.𝐒𝐮𝐧𝐠𝐢𝐭 (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon