Chapter 45

696 27 3
                                    

"Malaya kana"

Alas sais na ng gabi nag ayos na kami .
May pupuntahan daw kami na lugar kong saan mapapalaya ko raw si Gio .
Wala kong maisip kung saan nila ko dadalhin .
Kanina ko pang umaga sila kinukulit kong saan nila ako dadalhin.
Hindi ko kasi maiwasan magtanong lero wala akong napala 'Secret" daw .

30mins lang ang nakalipas at nakarating na kami sa puputahan namin .

Lonely Heart Bar

Ang pangalan ng Bar .
Kakaiba namang tong bar na to .

Pumasok kami sa loob .
Madami dami na ding tao .

May naka poster na nakadikit

Now Open.
Kakabukas lang pala nito ngayon .

Umupo kami sa bandang gitna may mga umiinom din pero beer and wine lang .
May banda din sa harap, may idea na ko kung anong klaseng bar to .

Umorder si Charlotte ng beer .

"Mieh free  night natin ngayon kaya pwedeng uminom."

Inabot nya saakin ang beer . Ininom ko naman to .
Hindi naman pala matapang .

"Thank you for coming" may pamilyar akong boses narinig

"Hello Vince"

Tawag ni Joy kay Vince .
Magkakilala sila?

Lumapit si Vince saamin.
Napahinto pa nga sya nong nakita ako .

"Ang ganda ng bar mo ahh"
Sabi naman ni Lyka .
Magkakilala din sila?

"Thank you , buti nakarating kayo"nakangiti nyang sabi.

"Oo naman kami pa ba mawawala" sagot ni Charlotte "magkakilala rin sila ?.
Ayos,wala akong alam.
Baka dati na silang maka kilala tanungin ko na lang sila mamaya .

Lumapit si Charlotte sakanya at may binulong .
Ano kaya binulong nya ?

"Enjoy lang guys .Balikan ko kayo maya " 

"Umalis na si Vince at pumunta sya sa harap."

"Thank you everyone sa pag punta nyo dito.
Pinatayo ko po tong "Lonely Heart Bar" para sa mga pusong sawi .
Ito ang magiging sandalan ng mga heartbroken .
Kaya pala dito nila ko dinala.

Hiyawan ng mga kababaehan sa sinabi ni Vince lakas ng dating nito kahit naka t-shirts lang sya at short .

"Gwapo ni Vince no Beshy" bulong saakin ni Joy

"Hoy may Carlo kana magtigil ka nga "  saway ko sakanya
"Sinasabi ko lang beshy . Huwag mong sabihing hindi mo sya gwapo ?"

"Gwapo" tipid kong sabi
"Yon pala eh" sagot nya.

"Dahil unang gabi natin
mayroon pong magbabahagi ng  munting kanta para sa kanyang Ex .
Gusto po nyang palayain ang kalungkutan sa puso nya .
Gusto nyang maka move on sa taong nanakit sa puso nya .

Please come here .

Jannia Mieh Guivarra

Tama ba rinig ko? Pangalan ko binanggit nya .
Ako kakanta ? Huli kong kanta "Two years ago pa ".
Hindi ako ready .

"Akyat ka na beshy "  sabi ni Lyka
"Ilabas mo na lahat ng sakit na nararamdaman ngayon Mieh"

"Palayain mo na sya beshy "
Sabi naman ni Joy.
Natulala naman ako mga baliw tong mga to.

𝐌𝐫.𝐒𝐮𝐧𝐠𝐢𝐭 𝐋𝐨𝐯𝐞 𝐌𝐬.𝐒𝐮𝐧𝐠𝐢𝐭 (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon