Chapter 51

708 23 14
                                    

Still hurt

Malapit ng matapos  ang reunion .
Halos wala ko sarili ko .
Tumayo ako.

"San ka Love? "Tanong ni Vince
"Restroom lang ako Love" bulong ko sakanya.

"Gusto samahan kita Love "pilyong sabi ni Vince.

" Sira " natatawang sagot ko.

" Baka sakaling pumayag ka " Sumagot pa ang loko.

Tumayi na ko at dumeretso sa Restroom .Paglabas  ko nakita ko si Samatha nag reretouch.

" Ikaw pala si Jannia" sabi nya habang nakatingin sa salamin .Marunong sya magtagalog ah .

"Ikaw pala yong ex nya" tinignan nya ko mula ulo hanggang paa .

"Ang pangit ng taste ni Christopher dati" may halong pang iinsulto nyang sabi .Akala nya papatalo ako asa sya .

"Oh talaga , sa tingin ko mas pangit ang taste  nya ngayon hindi ko akalain na mahilig pala sya sa clown"

Nakita ko ang pag pula ng mukha nya sa inis .Maganda sya pero ang kapal ng make up nya.

Lumabas na ko sa Restroom .
Paglabas ko nakita ko si Gio mukhang hinihintay nya si Samatha.
Nilagpasan ko sya pero hinawakan nya ang braso ko .

"Pwede ba tayong mag usap" Malumanay nyang sabi .
Inalis ko ang pagkakawak nya sa braso ko.

"Wala tayong dapat pag usapan" Umalis na ko sa harapan nya.

Gio's Pov.

3 days na kong andito sa Philippines.
Excited akong makita si Jannia .
Kaso nga lang sumama tong si Samatha .Hindi ko sya girlfriend feeling nya lang yon .Sinasakyan ko na lang .
Paano malaki ang share nila sa Company at sabi ni tito Andrew mas maganda raw kong magiging kami ni Samatha .
Wala kong magawa sa una pero ngayon na nakabalik na ko hindi ko na hahayaang maging sunod sunuran sa kanya .Tama na yong apat na taon .

Pumunta ako sa reunion namin binalak ko talagang doon magpakita .Kahit na gusto ko ng pumunta sa bahay at yakapin si Mommy at Gea pinigilan ko .

Pagdating ko doon nagulat silang lahat.
Hindi ko maalis ang mata ko kay Jannia gusto ko syang yakapin at halikan .Pero pinigilan ko ito, pinakilala ko si Samatha . Syempre nag pakilala sya bilang girlfriend ko hinayaan ko lang sya .Gusto kong makita ang reaction ni Jannia .
Mukhang nabigla sya pero saglit lang .
Hanggang dumating si Vince boyfriend nya raw .

Bawat hawak nya kay Jannia gusto kong alisin at kung paano sila mag usap at maglambingan sa harapan ko .Naiinis ako nag sisilos ako .Dapat ako yon ako sana kasama ni Jannia ngayon at hindi si Vince
Nagulat din ako sa pag sagot sa akin ni Jannia .May nag iba sakanya .Naging matapang at masungit sya .

Sumama ko kay sa Samantha sa pag punta nya ng Restroom.

Nakita kong lumabas si Jannia roon .
Dumaan sya sa harapan ko .Hinawakan ko ang braso nya

"Pwede ba tayong mag usap? " di ko na mapigilan ang sarili ko mis na mis ko na sya.

"Wala tayong dapat pag usapan " may halong diin ang sagot nya .Ang sakit pero gusto ko syang makausap.
Inalis nya ang pagkahawak ko sakanya at umalis na . Hindi ko sya hinabol hindi to yong tamang lugar para mag usap kami.

Nag paalan na si Josh , Carlo , Lyka at Joy na mauna na .
Bilib ako sakanila hanggang ngayon matatag pa rin sila. Kung sana nag paalam ako kay Jannia dati baka sakaling kami pa hanggang ngayon.Ilang beses kong pinagsisihan na hindi mag paalam sakanya. Ilang beses kong tinangkang umuwe pero wala kong magawa ayaw ako payagan ni tito pati nga cellphone hindi nya saakin pinagamit.Nong minsan nagkaroon ako ng pagkakataong tawagan sya at makausap sya .Hindi naman sya ang nakausap ko at sa tingin ko si Vince yon.

"Bye Beshy "tinignan ko si Jannia .Nakangiti subrang ganda nya  hanggang ngayon walang nagbago sa nararamdaman ko para sakanya.Pero huli na ba ko?
Ito ba yong kinatatakot ko na pagbalik ko nag mamay ari na sya ng iba .Pero gagawin ko ang lahat maging akin lang sya ulit .Babawiin ko ang dapat ay saakin lang .Akin lang.

Nakita kong sumakay si Jannia sa sasakyan ni Vince na yon .Gustuhin ko man na sakin sya sumabay wala kong magawa.

Sinabay ko na si Charlotte sa pag uwe . I surprise ko si Mommy mis na mis ko na si Mommy.

"Mommy! "Tawag ni Gea, tumago muna ko.

" Andito ka na pala Gea , di mo ba kasama si Dave? " rinig kong sabi nya. May something ata kay Gea at Dave ah malalaman ko rin kong ano yon .

" Hindi po mom pero may iba kong kasama" ngiting ngiti nyang sabi.
Lumabas ako at nakita ko yong gulat sa mukha ni mommy .
Lumapit ako sakanya at niyakap sya .

"Gio kailan ka pa dumating? " Umiiyak na sabi ni Mommy

3days sa ako mom .May inasikaso lang ako.

"Mis na mis kita anak "

"Mis na mis ko rin po kayo "
Niyakap ko na din si Gea.

"Ehem!"Nakalimutan kong kasama ko pala si Samatha.

Lumingon si Mommy sakanya

Sino sya Gio?"
Lumapit si Samatha .

"Hello po tita, Girlfriend po ako ni Christopher" bumeso beso pa si Samatha nakita ko namang napaerap si Gea " Fc masyado sarap palabasin sa bahay" bulong pa ni Gea .

"Girlfriend mo syama ?" Hindi makapaniwalang tanong ni Mommy.Tumango na lang ako . Nextime ko na lang sabihin sa kanila ang totoo .

"Kuya , mom akyat na po ako" paalam ni Gea mukha syang badtrip . Halatang ayaw nya si Samatha bago sya umakyat inerapan pa nya to .

"Samantha pag pasensyahan mo na si Gea ah " sabi ni Mommy.

"Its ok tita" ok daw? Pero alam kong nangigigil na yan .Si Samantha napaka maldita nyan lahat nga ng babaeng lumalapit saakin inaaway nya.Hinayaan ko na lang.

Nag kwentuhan lang kami ni Mommy .

Si Samatha naman hinatid ko na sya sa kwarto nya gusto nga nyang tumabi saakin pero ayaw ko . Hindi ko naman talaga sya Girlfriend .

Pumasok ako sa kwarto ko, walang pinagbago ito .
Pati mga naka display diti.
Andito pa din ang mga pictures namin ni Jannia mula ng pagkabata .

Mis ko na sya, sana makausap ko sya at pakinggan nya ko .Mahal na mahal ko parin sya hanggang ngayon.Walang papalit dito sa puso ko kahit sino man .

Humiga ako at nag iisip kong paano ako makakalapit kay Jannia .
Mukha atang mahihirapan ako kasi laging nakadikit sakanya.
Ako si Gio ang pag mamay ari ko ay hindi pwedeng maging pag aari ng iba .

Jannia is Mine Only Mine



Itutuloy :

Yeheey natapos ko din UD .
Medyo sabaw lang pero sana magustuhan nyo .

More Chapter before the ending

Anong pipiliin nyo The Past o the present

Keep some comments po
👇👇👇👇👇👇👇👇👇👇

𝐌𝐫.𝐒𝐮𝐧𝐠𝐢𝐭 𝐋𝐨𝐯𝐞 𝐌𝐬.𝐒𝐮𝐧𝐠𝐢𝐭 (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon