Chapter 36.01

735 24 2
                                    

Jannia 18'th birthday.

Jannia's Pov

Ito na araw na pinakahihintay ko .Araw na pinapangarap ng lahat ng kakabaihan ang magroon ng ganitong party .Gusto ko man ng simple lang ayaw naman pumayag ni daddy sabi nya minsan lang daw mag debut ang isang babae kaya dapat lubus lubusin na .

6:00pm na at nakahanda na ang lahat .
Tapos na rin akong naayusan
nasuot ko na rin ang pinagawa kong gown gustong gusto ko tong gown kasi kulay green i love green talaga

Ilang sandali pa'y
nakita ko ring nag si datingan na ang mga bisita namin mga tita'tito mga kaibigan ni daddy ni kuya at ni mom ang daming ding bumati saakin halos lahat sila at ang dami ring nagbigay ng regalo .

"Beshy" narinig kong tawag saakin Joy kasama na rin nya si Josh , Carlo , Lyka at Dave .
"Hello ,akala ko di kayo pupunta " biro ko
"Kami pa ba mawawala sa birthday mo hindi no" sagot ni Joy saakin

"Beshy dito kami matutulog
ni Joy ah malamang late na matapos ang party mo" pinaalam na nila sa magulang nila na dito sila matutulog iwan ko ba kong ano naisip nila samantalang may dala silang mga sasakyan at hindi naman kalayuhan bahay nila.
Sila Dave, Josh at Carlo naman sa bahay nila Gio sila matutulog , nagtataka naman ako pero hinayaan ko na lang .

"Sure walang problema yon mga beshy " sagot ko naman

"Sya nga pala ito pala gift namin" pinag aabot nila saakin  .Hirap na hirap naman ako hirap na nga ko sa gown ko tapos pag bibitbitin pa ko .
Buti na lang at lumapit si manang kinuha nya yong mga regalo

"Thank you sa gift " sabi ko na lang

"Wala yon sana magustuhan mo  " sagot ni Dave.
Napansin ko hindi pa nila ko binabating happy birthday ayos ang mga to.

"Guys, nakita nyo ba si Gio?" Tanong ko sakanila nag sitinginan muna sila bago sumagot
"Dumaan kami kanina sa bahay nila nag bibihis palang sila ni Charlotte" sagot ni Carlo

"Baka kasi mag simula na yong party " sagot ko naman sa totoo lang gusto ko na syang makita ilang araw ko na kasi syang hindi nakikita.

"Papunta na yon wag kang mag alala " sabi naman ni Josh
" Kaya nga beshy malay mo nag papa gwapo pa sya lalo para sayo heheh" sabi naman ni Lyka

"Ooh ayan na pala sila " sabay tingin sa paparating
Palapit na si Gio at Charlotte saamin

"Guys sorry na late kami nakakahiya lapit lang bahay namin nalate pa kami" sabi ni Charlotte ,tumingin ako kay Gio parang wala sya sa sarili nya

"Wala yon Charlotte."
"Ito pala gift ko Mieh" sabay abot saakin ng reglo nya
"Thank you " sabi ko pero nakatingin pa din ako kay Gio na parang natulala syang nakatingin saakin"

"Bro, hindi ka na nakagalaw dyan " pa pitik pitik pang sabi ni carlo sa harapan nya . Nakita ko nagulat pa sya ..
"Ay sorry."

"Subrang ganda mo ngayon Mak ". Nakangiti nyang sabi

"Kaya pala, nagandahan sya sayo beshy kaya natulala " sabi ni Joy habang tumatawa .
Tumawa na rin ang iba .
"Magsitigil nga kayo walang nakakatawa " asar na sabi ni Gio nahihiya siguro sya kaya nag susungit nanaman.

𝐌𝐫.𝐒𝐮𝐧𝐠𝐢𝐭 𝐋𝐨𝐯𝐞 𝐌𝐬.𝐒𝐮𝐧𝐠𝐢𝐭 (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon