Jacob's PoV
Napabalikwas agad ako ng bangon nang napagtantong umaga na pala. Hindi na ako nag-abala pang maligo dahil baka hindi kona maabotan pa sila mom at dad.Patakbo akong nagtungo sa pintuan at binuksan ito. Tumakbo ako pababa sa hagdan at agad na dumiretso sa labas. Nakabukas na ang pinto kaya sigurado akong nakalabas na sina mom. Aish.
Tumakbo ako ng abot ng aking makakaya at naabotan ko sina mom dad at yaya Alisia na probably ay naghihintay ng kanilang sundo.
Huminto ako sa likuran nila na sa tingin ko ay hindi pansin ang aking presensya. Naghabol muna ako ng hininga bago tuluyang nagsalita.
"Mom... Dad." Naiiyak na tawag ko sa kanila. Hindi kona talaga napigilan ang pagtulo ng mga luha ko. They are leaving me. Sino ba namang anak ang gustong mahiwalay sa kanyang mga magulang? Diko parin lubos matanggap na aalis na naman sila papuntang U.K. at iiwan na naman nila ako.
Napalingon silang tatlo sa akin at napangiti ako ng mapait. "Bakit ba kasi kailangan niyo pang magtrabaho sa ibang bansa pwede naman dito sa Pilipinas?" Malungkot na tanong ko sa kanila. I'm not dependent to my parents but I'm really gonna miss them.
"Jacob, wag ka ngang umiyak. Ano kaba lalake o babae? Wag kang mag-alala anak, babalik naman kami ng mommy mo kapag naasikaso na namin ng mabuti ang negosyo natin doon. Remember, ikaw nalang ang nag-iisa naming anak kaya kailangan mong mag-aral ng mabuti dahil ikaw na ang susunod sa mga yapak namin ng mom mo." Wika ni dad sabay tapik sa balikat ko. He smiled at me. Naalala ko nong sinabi nila ang tungkol sa kapatid ko. Hindi paman ako naisilang ni mom, namatay raw ang kapatid ko dahil sa trahedya.
Nalulungkot ako sa tuwing naiisip yun, though hindi ko nasaksihan ang trahedya, hindi ko man lang nakita ang kapatid ko. Sabi nila babae daw ito but wala pa silang picture nun. Her name is Lolaine Gonzales, 21 na sana siya ngayon kung nabubuhay pa siya.
Ang saya suguro kung buhay pa siya hanggang ngayon.
Lumapit si mom at hinawakan ang magkabilang balikat ko at pinaharap sa kanya. Napayuko naman ako dahil sa hiya sa pag-iyak. Uhhh, what's wrong with these two? Pinagtatawanan lang nila ako!
"Seryoso nak? Umiiyak ka talaga?" Natatawang wika ni mom sabay hawak sa baba ko at pinaharap sa kanya. "Nasaan naba yung Jacob na kilala ko? Yung hindi umiiyak, tsaka palaging bossy at walang pakialam sa parent's niya." Sigunda pa niyang wika. 'Do I really like that?' Sabi ko sa aking isipan. I looked at dad and yaya na tumatawa lang. Mas lalo tuloy akong nahiya.
"Mom. Syempre mamimiss ko kayo. Eh ako hindi niyo ba mamimiss?" Naiiritang tanong ko kay mommy.
BINABASA MO ANG
THE SURVIVORS (The Lee Squad) [Soon To Be Published]
ActionStory Genre: Action: Science Fiction Fighting all the zombies in order to survive. ©2018 darkk_aceeGG