Chapter - 14

18 14 5
                                    


Jacob's POV

Huminto kami sa tapat ng isang malaking budega. Sarado ito at walang nakasabit na tarpaulins, hindi ko tuloy matukoy kung anong pangalan. Parang abandonado na ang budega na'to noon pa.

Nilibot ko ang tingin sa paligid. May nakikita akong mga bahay at mga sasakyan pero mukhang ang tahimik naman. Salamat naman at wala ng nakasunod na zombies sa amin. Tirik na tirik parin ang araw, kung hindi ako nagkakamali ay kanina pa nagtanghali. Hayss, ang hirap pala pag walang orasan. Gutom narin ako, hindi ako nakapagbaon ng pagkain.

Nilingon ko si Nicky na binuksan na ang pintuan ng sasakyan sa gilid niya at lumabas. Ganon din ang ginawa ko.

Dinala ko ang baril na kinuha ko kanina nagbakasakali lang na may zombie sa loob. Umuna siyang naglakad sa akin at nagtungo sa malaking pintuan ng budega. Nakakandado at nakakadena ito.

"Sigurado ka bang may mga pyesa ng sasakyan dyan? O kulungan lang talaga yan ng mga zombies?" Nagtatakang tanong ko habang sumusunod na sa kanya.

Napabuntong hininga nalang ako nang hindi man lang niya ako pinansin. Ang seryoso ng mukha niya. Wala kang makikitang takot dito.

"Wala ka talagang tiwala sa akin Jacob kahit kailan ano?" Wika nito. Ngumisi nalang ako habang pinagmasdan siya. Napakahirap naman talagang magtiwala. Kakilala palang namin tapos alagad pa siya ng jake na yun.

May kinuha siya sa kanyang bulsa. Isang susi. No, hindi lang isang susi kundi kayraming mga susi. Key holder rin pala siya? Pinagmasdan ko siyang binubuksan ang kandado.

Hindi parin ako nakamove on sa sinabe niyang wala akong tiwala sa kanya. Babaeng to naman, nagtataka lang. Sasama ba'ko sa kanya kung wala akong tiwala? Tsh. May tiwala naman ako sa kanya, pero slight lang hehe.

Nang nabuksan nito ang kandado ay agad nitong hinila ng malakas ang kadena. Lumikha ito ng nakakabinging ingay. Shit!. Buti nalang talaga walang zombies sa paligid. Baliw talaga ang babaeng 'to.

Lumapit ako sa isang side para tulungan siyang buksan ang dalawang malaking pinto. Hinawakan ko ang isa at hinila ito.

Ganon rin ang ginawa niya sa isa pang pinto. Bale dalawa ang malaking pinto ng budegang 'to. Nang nabuksan namin ang pinto ay pumasok naman ang liwanag ng araw sa loob ng budega. Napamangha na naman ako sa aking nakita.

Nagtatambakan ang naglalakihang mga gulong at lahat ng mga pyesa ng sasakyan. Waw. Nauna na akong pumasok sa kanya dahil sa excitement na nararamdaman ko. Sumalubong naman sa akin ang mga alikabok dagilan upang mapatakip ako sa aking ilong. Nagtungo ako sa area na may nakatambang na ibat ibang uri ng gulong.

"Mag ingat ka sa mga zombies!" Sigaw ni Nicky na ikinatigil ko. Agad ko namang tinutok ang baril na hawak ko sa loob. Huh? Wala naman ah.

Narinig ko nalang ang mga halakhak niya habang lumalapit siya sa akin. Aba'y Loko ka talaga Nicky!

"Matakotin ka talaga. Hahaha." Wika nito na hindi pa tumitigil sa kakahalakhak. Putek talaga tong babaeng 'to. Nakuha pa'kong pagtripan. Kung siya kaya takotin ko? Hehe.

Balak kong magzombie zombiehan at takotin siya bwahaha.

Pero nanlake ang mga mata ko nang napansin ang isang zombie sa likoran niya. Hindi ko yun napansin sa labas ah? Siguro dito yan sa loob nanggaling.

THE SURVIVORS  (The Lee Squad) [Soon To Be Published]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon