"Ria!" Jacob.
"Sophia!" James.
"Isabella!" William.
Sabaysabay na sigaw ng tatlo nang makitang may tatlong hindi pamilyar na mga lalake ang humawak sa leeg mula sa likuran ng mga babae at tinutukan ng baril sa ulo. Mabilis na tinutok nila Jacob, William at James ang armas nila sa mga taong may hawak sa mga girls.
Halatang nanginginig ang mga kamay ng tatlo habang nakatutok ang mga armas nila sa mga istrangherong lalake.
"Wag kayong magkamaling paputokan kami, dahil kung hindi, basag ang ulo ng mga babaeng to!" Sigaw ng lalakeng nasa gitna na siyang may hawak kay Ria. "Ang ganda pa naman nila." Sigunda ng lalake at inamoy ang balikat ni Ria. "At ang bango pa." Dagdag nito at humalakhak.
"Wag niyo siyang saktan!" Sigaw ni Jacob sa lalakeng may hawak kay Ria. Nagngingitngit na ang ngipin ni jacob dahil sa galit at gusto na niyang barilin ang lalakeng may hawak kay Ria pero di niya ito magagawa dahil siguradong basag ang ulo nila Sophia at Isabella kapag gagawin niya 'yon.
Nagpumiglas si Ria sa pagkakahawak ng lalake ngunit wala syang magagawa dahil mas malakas pa ito sa kanya. Lalake nga naman.
"Pakawalan mo na kami!" Naiiyak na sabi ni Ria sa lalake. "Hindi tayo magkalaban! Ang mga zombies ang kalaban natin dito!" Dagdag ng dalaga. Ngumisi ang lalake na may hawak sa kanya hanggang sa humalakhak na ito. Para na itong baliw sa tawa ng tawa. Nagtataka na ang mga kaharap nitong sina Jacob, William at James, talagang nababaliw na nga ang taong ito.
"Sa tingin niyo ba ay kalaban namin ang mga zombies?" Wika ng lalake at nagpatuloy sa paghalakhak. Ano ang ibig nyang sabihin?
Kitangkita sa mga mata ng mga dalaga't binata ang maraming katanongan. Mas lalo namang humalakhak ang lalake nang makita ang reaksiyon ng mga dalaga at binata.
"Mga walang alam, walang kwenta." Wika ng isa pang lalake at napahalakhak narin.
"Dapat kasi pag sasabak kayo sa laban, ay pagplanohan niyong mabuti." Pang aasar ng isa pa at nagpatuloy sa pagtawa.
Nagulat silang lahat nang may isang van na humarutot at tumigil sa tapat ng mga lalakeng may hawak sa dalaga.
May tatlong mga lalake ang lumabas. Iba ang kanilang kasuotan. Parang pang terorista ito. Pang civilian pero may nakasablay na towel sa kanilang leeg.
"Ibaba niyo ang mga baril niyo." Sabi ng isa sa kanila. Hindi nakagalaw si Jacob at ang mga kasamahan niya dahil sa gulat.
"Ibaba niyo na sabe! kung ayaw niyong patayin dito mismo!" Pasigaw na ulit nito. Nang matauhan naman sila Jacob ay mabilis nilang ibinaba ang mga armas. Agad naman itong kinuha ng mga lalake.
Napaubo si Jacob nang sinuntok ito ng isa sa mga lalake sa kanyang tiyan at sinipa pa dahilan ng pagka subsob niya sa kalsada. Napaluwa ng dugo si Jacob sa kanyang bibig habang dumudugo naman ang kanyang ilong.
BINABASA MO ANG
THE SURVIVORS (The Lee Squad) [Soon To Be Published]
ActionStory Genre: Action: Science Fiction Fighting all the zombies in order to survive. ©2018 darkk_aceeGG