Kinabukasan.Jacob's PoV
First day of school ngayon. Dapat hindi ako malate kaya madaling araw palang ay gising na ako. Aish masyado yata akong excited.
Bumangon ako mula sa pagkakahiga sa kama at pumunta sa shower room para mag shower. Pagkatapos kong magshower ay agad akong nagbihis.
Isinuot ko ang bagong uniform. White polo shirt and slacks. Sinunod ko naman sa pag suot ang itim kong school shoes. I walked towards the body mirror and looked my whole reflection.
Now, I can say that I am hot. Hindi naman pala ako pangit, pero hindi naman ako subrang gwapo. Ba't ba ang pula pula ng mga labi ko? Mapagkamalan pakong bakla nito dahil para akong nagliliptint.
Nang makontento na sa katitingin kay self ay agad na akong nagtungo sa pintuan. Binuksan ko ang pinto ng kwarto upang lumabas at bumaba papunta sa kusina para kumain.
Nagtungo ako sa mesa. As usual, nakahanda na ang mga pagkain sa mesa. Nakita ko si yaya Alisia at lumapit siya sa akin nang makita ako.
"Waw ang gwapo talaga ng alaga ko." Nakangiti na sabi ni yaya sa akin. Ngumisi lang ako dahil alam ko naman na nagbibiro lang siya. Bolera rin pala si yaya.haha. Di nalang ako nagsalita at bahagya ko nalang iniyuko ang aking ulo.
"Kumain kana hiho. Nakahanda na sa mesa ang mga pagkain." Mahinahon na sabi ni yaya Alisia.
"Opo yaya." Magalang na sagot ko kay yaya alisia.
Malaki ang respeto ko sa kaniya dahil siya ang nag alaga sa akin mula nong iniwan ako sa kaniya ng aking mga magulang. Napakabait ni Yaya kasi lahat ng mga kailangan ko ay binibigay niya at lagi niya akong sinusuportahan sa mga gusto kong gawin. Itinuring konarin siyang parang nanay ko kasi mula pa nong bata pa ako ay siya na ang nag-aalaga sa akin hanggang ngayun na teenage na ako ay patuloy niya parin akong inaalagaan.
Nagtungo na ako sa mesa at umopo sa wooden chair. Habang kumakain iniisip ko kung ano kaya ang mangyayari sa school ngayon. May makikilala kaya ako? Meron ba akong magiging kaibigan? Natigilan ako nang tiningnan ko ang wall clock. It's already 7 in the morning. At ang schedule sa first subject namin ay 7:30. Shit! Malelate nako. Mabilis kong tinapos ang pagkain. Pagkatapos ay kinuha ko ang bag at ang susi ng sasakyan.
"Yaya aalis napo ako. Punta napo ako sa school." Nagpaalam ako sa kaniya bago tumakbo papunta sa garahe.
"Sige hiho mag ingat ka." Narinig ko pa yong sagot ni yaya alisia.
Nagtungo ako sa driver seat ng sasakyan. Binuksan ko ang pinto at pumasok. Pinaandar ko ito at mabilis na pinaharurot.
Nakasanayan kona talaga na patakbohin ang sasakyan ng mabilis. Kulang nalang ay ang paliparin ito. Malawak rin ang daloy ng mga sasakyan kaya malaya akong nakapag over take sa mga sasakyan na nauuna pa sa akin. 20 minuto koring benyahe ang papuntang school.
Natatanaw kona ang naglalakihang mga buildings ng school mula sa kalsada na aking dinadaanan. Halos lahat ng buildings ay nasa dalawa o tatlong palapag ang haba. Siguro marami ring nag aaral dito. Sa laki ng paaralang to ay halos lahat siguro ng mga kabataan dito sa siyudad ay dito nag aaral. Actually, isa akong new student sa paaralang ito kaya diko pa ito kabisado.
BINABASA MO ANG
THE SURVIVORS (The Lee Squad) [Soon To Be Published]
ActionStory Genre: Action: Science Fiction Fighting all the zombies in order to survive. ©2018 darkk_aceeGG