chapter - 3

54 21 7
                                    


Jacob's PoV

Tumunog na ang bell para sa next subject namin, sabay na kaming pumunta sa subject room tutal CSS (Computer System Services) naman kaming lahat ng strand na kinuha.

Sabay sabay kaming nagtungo sa computer room, dahil doon magkaklase ang teacher namin malamang.

Tutal sila Ria naman ang una kong naging kaibigan, sa kanila nalang ako sasabay palagi. Hinawi ko ang bawat studyanteng nadadaanan upang makasunod sa mga kasamahan ko. Ano ba yan, ang dami daming studyante sa school na'to, hindi kopa naman kabisado ang com lab.

Huminto sila sa tapat ng pintoan at agad namang kumatok si Sophia. Nang buksan ng isang teacher ang pinto ay agad na kaming pumasok.

Ang una kong naramdaman ay ang ginaw. Ang lakas ng aircon parang nasa 15°.

I looked at the whole room and all I can see are the sets of personal computers.
We all greeted to the teacher standing on front and he introduced himself to us.

Keyboarding lang ang pinapagawa sa amin ni sir Reyes. Sabi niya pa 'ang lahat ay nagsisimula sa basic' kaya ayun wala kaming nagawa. Marunong na naman ako magkeyboarding.

Linibot ko ang tingin sa buong room. Ang daming mga computers. Halos aabot rin ito ng mga hundreds. Row by row ang pagkakaarange ng mga computers. Sa bawat rows ay may walong computers. Meron itong lebreng wifi. Ibig sabihin may internet. Malaya kang makakagawa ng iyong gusto. So manunuod nalang ako ng movies.

Naupo kami sa unang row, ako ang unang nakaupo sa fist pc, katabi ko naman si Ria sa kaliwa, katabi niya si Sophia at james, katabi naman nila si Isabella at william.

I opened the computer screen and the wallpaper emediately flashed. Niclick ko ang YouTube at ni-search ko sa search bar ang tungkol sa mga zombie movies. Ang daming lumabas na movies. Ibat iba'ng title.

"Mahilig karin pala sa mga zombie movies?" Tanong ni Ria sa akin na kanina pa pala nakatingin sa screen ng pc na gamit ko.

"Oo. Bakit?" Tanong korin sa kanya habang nakatitig ang aking mga mata sa screen.

"Ah wala. Mahilig rin kasi akong manood nyan." Sagot ni Ria sabay tawa. Ngumiti lang ako sa kanya.

"Mr. Gonzales!" Tawag sa akin ni sir Reyes. Paktay. Hindi ako nakasagot agad dahil sa gulat. Patay ako neto, nahuli ako.

"P-po?" Nauutal na sagot ko.

"Ano ba ang pinapagawa ko? Diba keyboarding? Bakit nasa youtube ka?" Galit na wika nito habang nakatingin sa kanyang pc . Shit. Ngayon ko lang din narealize na nakikita niya pala lahat ng pinaggagawa namin sa aming gamit na pc's kasi ang computer niya yung server. Ay syet, ba't diko agad nakita na tree topology ang laytout ng computers? Lagot.

"Sorry po." Mahinahon na sagot ko at agad na ni-back home. I searched the Microsoft word and run it. Kinuha ko ang pinapa-encode niya at mabilisan ko itong in-encode. Nanlaki ang mga mata at nalaglag ang panga ni sir Reyes nang matapos ko sa dalawang minuto ang pag encode ng dalawang pages. Maging si Ria rin na nakatingin sa akin ay nagulat rin.

THE SURVIVORS  (The Lee Squad) [Soon To Be Published]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon