Jacob's POV
Nagising ako sa kahabaan ng aking masarap na tulog. Unti-unti kong ibinulat ang aking mga mata at inilibot ang aking tingin. Hindi ako pamilyar sa lugar. Nasan ako? Nakahiga ako sa isang kamang gawa sa kahoy. Ang boung kwarto ay kulay puti. Ano'to? Laboratoryo? Hinawakan ko ang aking mukha at wala na akong narararamdamang hapdi. Anong nangyare?
Napatingin ako sa isang babaeng pumasok. Nakasuot siya ng lab gown. Kumunot ang aking noo nang tanggalin niya ang kanyang mask. Her face is beautiful. Her lips are so damn red but I'm not attracted though.
"Salamat naman at gising kana. Nagamot ko na ang lahat ng sugat mo." Wika nito. Agad namang nanumbalik ang mga alaala sa mga pangyayari kanina.
I looked around the room to scanned where are they but ako lang ang nandito maliban dito sa babaeng nakatayo sa gilid ko. I need to find them, kailangang makapagplano kami agad!
Then I looked at the girl besides me. She's also staring at me and waiting for me to speak.
"Sinong nag utos sayo na gamotin ako?" Tanong ko sa kanya na nakakunot ang noo.
Then she just frowned.
"Wala. Pasalamat ka nga na ginamot kita." Wika nito na nakataas ang kilay. Agad na nilagay niya ang tray na ngayun ko lang napansin na bitbit na pala. Foods and medicines. Agad naman akong nakaramdam ng gutom pero nag iwas nalang ako ng tingin.
"Okay salamat." Malamig na wika ko. "By the way, nasan ako? Nasan ang mga kaibigan ko? Anong ginawa niyo sa kanila?" Sunodsunod na tanong ko sa kanya pero di man lang ako tiningnan para sagotin.
"Hindi ko yan pweding sagotin. Malilintikan ako kay boss. Sorry." Wika nito. "Wag mo nalang alamin para dika mapahamak." Babala nito. Sinong boss ang sinasabi niya? Yung lalakeng sumuntok sa'kin? Buset yung lalakeng yun.
Mabilis akong tumayo at nagtungo sa pintuan. Pagbabayarin ko ang lalaking yun. Dudurogin ko ang mukha ng lalaking yun. Kapag may nangyaring masama sa mga kaibigan ko ay papatayin ko talaga siya.
Walang hiya siya. Lumalaban siya ng hindi patas.
Natigilan ako nang may humawak sa braso ko. Ang babaeng gumamot sa'kin.
"Wagka munang lumabas sa ngayon, wag kang padalosdalos sa mga kilos mo." Wika nito. Unti-unti naman akong kumalma. Sabagay tama rin naman siya.
"Okay sino kaba? At bakit moba ako pinipigilan?" Tanong ko sa babae. Umopo ito sa kama at may kinuha sa kanyang bulsa. Isang litrato. Parang family picture.
"Ako si Nicky Hurts Quezon, isa akong Philippine army noon. At pagkatapos ng trahidya ay namatay ang mga magulang ko, naging zombies sila kaya ako napadpad dito. Isa rin akong nurse, ako ang gumagamot ng mga nasugatang army noon, kaya madali ko lang nagamot ang mga sugat mo. I used to be an ally for jake pero hindi ko gusto ang mga pinaggagawa niya." Paliwanag nito. Akala ko ay nagpadala rin siya sa taong yun. Ngayon, nakakita narin ako ng kakampi kahit papano. I know, mabuti siyang tao.
BINABASA MO ANG
THE SURVIVORS (The Lee Squad) [Soon To Be Published]
ActionStory Genre: Action: Science Fiction Fighting all the zombies in order to survive. ©2018 darkk_aceeGG