chapter - 9

20 14 14
                                    

Jacob's PoV

Hinanda namin ang mga armas na nakuha namin. Kailangan namin itong taposin na walang ingay na lumalabas para dina lalong dumami ang mga zombies na nandito. Lalong lalo na sa mga armas na aming gagamitin. Karamihan sa mga armas ay may nakakabingi na ingay.

"Kailangan na wala tayong ingay sa pagpatay ng mga zombies dahil kung hindi, dudumogin tayo ng mas marami pang mga zombies kung lilikha tayo ng ingay sa ating mga armas." Paalala ko sa kanila. Tumaas naman ang kilay ni James.

"E paano naman pre? " Tanong ni James.

"Meron ba kayong nakuhang silencer?" Tanong ko na naghahanap narin. Naghanap rin sila sa kani kanilang mga bag.

"Meron akong nakita. Pero apat lang ito." Ani ni William. Ibig sabihin apat lang din ang makakagamit ng baril?

"Gagamit ako ng baril!" Excited na wika ni Ria.

"Ako rin." Sabay rin na wika nilang Sophia at Isabella.

"Pre, kami na ni William ang susugod. Akin na yang espada mo." Wika ni James at agad koring tinanggal ang espada sa likod ko at binigay ito sa kanya.

"Salamat. Pre." Pasalamat nito.

"Walang anoman bro. Wag kayong mag alala, ecocover ko kayo. Just take care." Sabi ko sa kanila habang hinahanda ni William ang dalawang axe.

Calibre 45 naman ang napili ni Ria. At hand guns naman sa dalawa.

"Ayus nayan. Okay lagyan nyo na ng silencer ang mga armas na gagamitin niyo." Wika ko habang iniinkot ang silencer na nilagay ko sa sniper rifle na gagamitin ko.

Mabilis naman nilang nilagyan ng silencer ang mga armas nila. Nagplano kami kung ano ang gagawin. Kung saan kami pupwesto. At nang magkaintindihan na sabaysabay kaming lumabas. Pinagplanohan namin ng mabuti ang entrance and exit.

"Wala man lang bang group hug dyan?" Biro ni William habang nakangisi.

"Tayo ang susugod tol eh, kaya tayo tayo nalang rin ang magyayakapan." Pang aasar ni James. Waw ah, ngayon pa sila ginanahang mang asar.

"Ulul." Wika ni william sabay open arms.

Lumapit naman kami at nagyakapan.

"Mag ingat kayo mga tol." Paalala ko sa kanila.

"Mag ingat rin kayo pre." Nakangiting wika ng dalawa.

"Mag ingat ka rin jacob." Sabi ni Ria sabay yakap sa akin. Naramdaman ko naman ang biglang pag init ng pisngi ko sa ginawa niya. Kinilig? Ganun?

"Uhyyyy, ayiieee~" pang aasar nung apat. Hindi ko nalang sila pinansin at yumakap narin ako kay ria pabalim. Ganon din ang ginawa ni Will at Iss nagyakapan din sila at maging sina James at Soph. Hindi pa nakontento at naghalikan pa, amputt mga pda!

THE SURVIVORS  (The Lee Squad) [Soon To Be Published]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon