chapter - 11

18 13 7
                                    

Ria's PoV

Hanggang ngayon ay nahihirapan parin akong huminga ng maayos dahil hawakhawak parin ako ng lalake. Diko lubos maisip kung paano nakaligtas sila Jake.

Sa dinamidami pa ng mga taong pwede maligtas, bakit siya pa? Matagal talagang namamatay ang mga masasamang damo. Psh.

Tumaas ang aking kilay nang tingnan niya ako ng malalim. Walang emosyon na nababakas sa kanyang mukha. Seryoso talaga ang taong'to.

Ano kaya ang gagawin niya sa amin? Papatayin niya ba kami? Kung papatayin nila kami ay pinapatay na sana kami ng mga tauhan niya kanina. Lubos konang kilala si Jake at gagawin niya kong ano ang gusto niya. Ano kayang pinaplano niya? Diko mabasa ang kanyang isip. Shit. Masama ang kutob ko.

Naglakad si Jake patungo sa amin at tumingin sa kanyang tauhan na may hawak sa akin. Iba ang titig nito sa kanyang tauhan. Parang nagbabanta ang titig nito.

"B-boss." Nauutal na wika ng lalake. Diko man makita ang kaniyang expression, ramdam ko na natatakot ito.

Napatingin naman ako sa mukha ni Jake na unti unting ngumisi na nagpapadala ng mensahe sa akin. Hindi ko maintindihan ang ibig niyang sabihin. I don't care. Mas lalong natakot ang lalake sa aking giliran nang mas ngumisi pa si Jake. Iba ang kanyang ngisi. Parang nagbabanta ito ng masama.

Parang gusto nitong durogin sa pamamagitan ng kanyang ngisi ang tauhan niyang may hawak sa akin. Demonyo talaga tong taong to. Naging kahawig na sya ng demonyo.

"Let her go and don't you ever touch her again, or else." Pagputol na wika nito na siyang ikinanginig naman ng lalake. Agad naman niya akong binitawan at napaatras ito. Hay sa wakas nakahinga narin ako ng maluwag.

"Kapag nakita pa kitang hinawakan mo ang babaeng to, ako na mismo ang magpapakain sayo sa mga zombies." Dagdag nito. Ano bang ginagawa niya? Magpapakain sa mga zombies? Seryoso sya? Wala akong naiintindihan. Ang gulo na ng isip ko.

Nagmadaling pumunta ang lalake sa harapan ni Jake at lumuhod na nakayuko ang ulo.

"Paumanhin po boss Jake. Pangako, hindi napo mauulit." pagpaumanhin ng lalake.

" dapat lang, dahil kung hindi ay alam mo na ang mangyayare sayo." Pananakot nito, at bapabalik naman ang kanyang tingin sa akin.

Nag iwas ako ng tingin at tumingin sa kanyang tauhan. Kitang kita ko ang takot na nadarama nito, nanginginig pa ito dahil sa takot.

Nagtataka na ang mga mata nila Jacob, James at William sa mga nangyayari at maging sina Sophia at Isabella. Sigurado akong tatanongin nila ako tungkol dito. Sasabihin koba sa kanila ang totoo? Naguguluhan na ako.

Pero magbestfriends kami, hindi dapat ako maglilihim at magsisinungaling sa kanila. What bestfriends are for diba? Dapat nila 'tong malaman sa mas madaling panahon. Except for Isabel kasi alam na niya ang lahat. Sa kanya lang ako nag oopen noon.

Actually, part na'to sa plano at mukhang nasunod naman sa plano ang lahat.

Nanumbalik ako sa realidad nang magsalita si Jake .

"Ria ko! Long time no see!" Nakangising wika nito at hinawakan ang aking pisngi. Malakas kong hinampas ang kanyang braso at isinabay niya naman ito sa aking paghampas. Napansin kong nagpupumiglas na si Jacob na gusto ng pumatay ano mang oras.

THE SURVIVORS  (The Lee Squad) [Soon To Be Published]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon