chapter - 4

24 3 8
                                    


Ria's PoV

--

Nagulat talaga ako nang makita kong nakapalibot na sa lugar namin ang grupo ni Jake. Kumakain kami at nahinto nalang kami sa pagsubo nang makarating sila sa lugar namin. Rinig ko ang pagbubulongan ng mga studyante na nasa loob ng restaurant.

Sila ang mga siga dito sa school namin. Inisa-isa kong tiningnan ang mga mukha nila pero wala dito ang boss nila na si Jake. Ang pinagkakatiwalaan lang niya ang nagboboss bossan sa mga kasama niya ngayon. Napakayabang din ng taong ito, kitang kita sa porma palang.

Gusto ko sanang pigilan si William at James na kausapin ang grupong ito dahil sigurado akong bugbog sarado sila. Baka madamay si Jacob dito, bagohan pa naman siya sa school. Sinulyapan ko siya at nakakunot lang ang kanyang nuo na nakatingin sa mga lalaking nakapalibot sa amin.

"Nandito na naman ang grupo ni Jake." Bulong ko kay Jake para naman may ideya siya sa mga nangyayari pero mas lalo lang kumunot ang nuo niya.

"Anong kailangan niyo?" "Simple lang naman ang kailangan namin. Ang umalis kayo at ibigay si Ria." Sabi ng isang lalake at malakas itong humalakhak, bakit ba kasi hindi nalang ako tigilan ni Jake? Hindi nga sabi ako sasama sa kanila! Isa siyang demonyo!

"Kami ang nakauna sa lugar nato. Marami namang bakante jan. O naghahanap lang kayong gulo? Tsaka wag nyong pilitin ang babaeng hindi kailan man nagkagusto sa boss niyo." Malakas na sigaw ni James at napasmirk.

'Oh my God!' Nagulat ako nang tumama ang kamao ng lalake sa mukha ni James dahilan upang mapasigaw si Sophia.

Nagkagulo narin ang ibang mga studyante at nagsitakbohan nang lumabas dahil sa takot.

"Aba! Aba! lumalaban na oh. Dimo ba kilala ang boss namin? Si boss Jake. Kaya kung ayaw niyong makaladkad ay umalis na kayo agad at ibigay niyo samin yang kasama niyong si Ria." pang aasar ng isang lalaki na may malaking katawan. Now way!

Nanlaki ang mga mata ko nang lumapit sa akin ang lalake at hinawakan ang aking pisngi. Pero bago paman nito mahawakan ang pisngi ko ay nahawakan na agad ni Jacob ang braso nito. Narinig ko ang mahinang bulong ng lalake bago pa nahawakan ang kanyang braso ni jacob. "Makukuha karin ni boss Jake." Humalakhak siya matapos niyang sabihin yun, hinding hindi talaga ako titigilan ni Jake hangga't hindi niya ako nakukuha.

Hinding hindi rin ako magpapakuha sa isang demonyong tao. Nagulat nalang ako nung napasigaw yung lalaki nang baliin ni Jacob ang braso nito. Paanong?

Nanlaki ang mga mata ko sa ginawa ni Jacob, pipigilan kopa sana siya pero huli na ang lahat at natamaan na ng kanyang kamao ang mukha ng lalake at doon ako napamangha nang tumilapon pa ito sa mesa.

Hindi ko akalain na mas malakas pala si Jacob. Hindi halata sa anyo niya dahil parang normal naman siya kung titingnan.

Mas lalo akong napamangha nong natamaan ng kanyang kamao ang lalakeng hawak niya. Tumilapon ito at nasira pa 'yung mesa na nabagsakan nong lalake. Ang galing niya rin sa pakikipaglaban. Inaamin kong subra niya akong napamangha sa ginawa niya. Mukhang sanay na sanay siyang makipaglaban. Hindi ko tuloy maiwasang mag-isap kung ganyan ba siya sa previous school niya, hindi naman siguro.

THE SURVIVORS  (The Lee Squad) [Soon To Be Published]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon