chapter - 8

22 15 19
                                    

Jacob's POV

We're running towards the car.

"Run as fast as you can!" Sigaw ko sa kanila.

Agad namang inalayan ni james si william na tumakbo kahit paika-ika na ito dahil masakit pa ang kanyang paa. Si sophia at isabella naman ay pinauna ng pinatakbo patungo sa sasakyan. Sabay naman kaming tumakbo ni ria. Gusto ko sanang hawakan ang kanyang kamay pero hindi ko magawa dahil nagpapanic narin ako.

Pabilis ng pabilis ang pagtakbo ng mga zombies na humahabol sa amin. Hingal na hingal na ako at maging ang mga kaibigan ko. Nararamdaman ko ang bilis ng tibok ng aking puso. Hindi kami pwedeng huminto at magpahinga kaya patuloy lang kami sa pagtakbo kahit pagod na pagod na.

Habang tumatakbo kami ay napalingon ako sa likod. Shit naiwan na si Ria. Malapit na kami sa gate, siguradong hindi siya aabot. Binalikan ko siya nang huminto siya at nadatnan kong naghahabol na siya ng hininga. Pinakapit ko siya sa likod ko at binuhat. Mabigat man ay titiisin ko, hindi lang kami maabitan ng mga zombies na malapit na sa amin. Shit diko na kaya. Di kami aabot nito. Jacob tiisin molang malapit na tayo sa gate.

Nang nakalampas kami ng gate ay isinara agad ito ni james at mabilis na ikinandado.

Samantalang ako naman ay nasubsob sa kalsada dahil diko na kinaya ang bigat ni Ria. Pero hindi naman siya chubby sadyang mabigat lang talaga siya.

Namalayan ko nalang na nakapatong pala sa akin si Ria habang yakapyakap ko. Shit! Unti-unti siyang gumalaw at agad naman siyang tumayo nang napansin niyang nahihirapan ako.
Iniabot niya sa'kin ang kamay niya nang tuloyan na siyang nakatayo. Di naman ako nagdalawang isip na tanggapin iyun at nagpabigat pa ako para mas lalo kong mahawakan ang malambot niyang kamay.

"S-sorry pala kanina." Paghingi ko nang paumanhin nang nakatayo na ako.

"Ayos lang. Dapat nga akong magpasalamat sayo dahil binuhat mo'ko." Natatawang sabi nito. Owaaa ang cute! Naramdaman ko ang pag-init ng aking pisngi, ughh am I blushing? Agad naman akong yumuko para hindi nila ako mahalata.

"Hey! Ano? Hihintayin niyo pabang makalabas ang mga zombies sa gate?" Naiiritang tanong ni Sophia.

Mabilis ko namang hinila si Ria at umalis na sa lugar. Buti nalang at hindi nakalusot ang mga zombies. Muntikan pang maabot ng mga zombies si james kanina habang isinarado ang kadena buti nalang talaga at nagawang pigilan ng gate ang napakaraming zombies na'yon dahil kung hindi, pagpepestahan siguro kaming lahat.

Nang nakarating na kami sa sasakyan ay agad naman akong sumakay. Hinintay ko munang makasakay si Ria sa front seat bago ko pinaandar ang sasakyan. Nang tuloyan ng nakasakay si Ria ay kaagad kong tinapakan ang ingene ng sasakyan at pinaharurot palayo sa lugar.

"Wala nabang kataposan to? Malalampasan pa kaya natin ang problemang to? Makakaligtas pa kaya tayo?" Sunodsunod na tanong ni Ria na halatang nanginginig pa sa takot. Ang bilis magbago ng mood niya. Kanikanina lang ay kitang kita ko sa kanyang mga mata ang saya at kilig pero ngayon ay takot at galit naman ang nakikita ko sa kanya.

"Huwag kang mag alala Ria. Malalampasan natin 'tong magkakaibigan. Matatapos rin ang lahat ng to. Hindi ko hahayaan na may mawala o mahawa ni isa sa atin." Seryosong sabi ko sa kanya at umiling naman siya na parang hindi naniniwala. Diko siya masisisi kung di siya naniniwala dahil parami na ng parami ang mga zombies. Kung saan man kami, naroon naman sila. Damn.

THE SURVIVORS  (The Lee Squad) [Soon To Be Published]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon