Chapter - 13

19 13 5
                                    


Jacob's POV

Napahaba ang pag uusap namin ni Nicky. Napag usapan namin ang tungkol sa karera. Sa susunod pa daw na linggo magaganap ang karera kaya may limang araw pa kami para makapaghanda.

Sa labas ng kampo gagawin ang karera. Mula sa kampo, lilibutin namin ang isla at ang finish line ay sa kampo rin. Malilibot namin ang isla sa loob ng dalawang araw. Malakilaki ang isla kaya malayolayo ang aming babyahiin.

Pinakilala niya sa akin ang mga makakalaban ko. The killer, sila ang tipo ng kalaban na walang pakialam na makalabas. Mas gusto nilang pumatay kisa sa makalabas.

The assassins, sila yung tipong biglabigla nalang sumusulpot para bumbahin ang kanilang target. Sila yung determinadong manalo. Wala silang pakialam kung ilan ang mapatay nila.

Si Frank, siya ang pangatlo sa kinatatakotan. Isa rin siyang genius. Ginagamitan niya ng pandadaya ang mga kalaban para manalo.

Bloody, sila ang mga racer na gustong gusto ang madugong labanan. Di sila papayag kapag wala silang dugo na napadanak.

The devils, sila yung mga demonyo, lahat ng mga katangian na meron ang mga kalaban ay nandon sa kanila, taglay nila. Sila rin ay mga tuso.

At ang panghuli ay si Jake. Akala ko ay hindi siya kasali pero nagkamali ako. Siya ang may pakana ng kompetesyon na'to pero bakit siya kasali?. I wonder why. Mas mabuti rin ito para mas madali akong makapaghiganti sa kanya. Humanda ka Jake.

Jake Santos, siya pala yung pinakatatakutan sa lahat ng mga kinakatakutan nila. Mas masama pa siya sa pinakamasama. At ang lahat ng mga tinitira niya ay tinitira rin ng iba. Unfair.

Siyam na sasakyan lahat ang kasale sa karera. Kasali kaming anim. Tatlong sasakyan lahat ang magagamit namin. Isa sa amin ni Ria, isa sa kanilang James at Sophia, at isa sa kanilang William at Isabella.

Tatlong manlalaro ang mananalo. Ang reward nila ay ang permaninteng kalayaan at hindi na sila gugulohin pa ng mga tauhan ni Jake. Sana kaming tatlo 'yon. Hindi rin ako makakasiguro kung mananalo kami ay palalayain niya kami, alam ko tuso rin ang taong yan.

Sa mga matatalo naman ay ipapakain nila sa mga zombies. Papatayin muna nila ito at echupchup bago ipakain sa mga zombies. Bat pa tatadtarin? Kung ipapakain lang naman sa zombies.

Nicky even give me some tips para hindi kami mpahamak sa laro. Una, kung maaari ay iwasan ang mga zombies na madadaanan o barilin ang mga yun bago pa makakabit sa sasakyan.

Pangalawa, iwasan ang kalaban.

I know, nasa lost-lost stage kami nito. Kung hindi kami maglalaro, mamamatay kami. Kung sasali kami sa laro, mamamatay parin kami. Uhhh! Kahit saan kami magpunta, patay parin kami!

Pero mas okay na yung mamatay na lumalaban. May chance pa kaming makatakas pag ganun.

"Hey! Jacob!?" Narinig kong salita ni Ria. Natauhan naman ako at nakita si James na kinakaway ang kanyang palad sa aking mga mata. Kumunot ang noo ko at tiningnan siya ng masama.

"Hey pre okay kalang? Ang lalim ata ng iniisip mo." Wika ni William. Nakatingin naman silang lima sa'kin.

"H-hindi, iniisip kolang kung paano natin maipanalo ang karera." Sagot ko habang naka poker face. Ngumiti naman ang dalawa.

"Jacob, bruh kailangan nating magtiwala sa ating sarili. Magagawa nating manalo." Wika ni james. Bumuntong hininga ako. May tiwala ako sa aking sarili, sa kanila, pero sa may pakana ng larong to? Si Jake? Wala. Sigurado akong gagawa siya ng paraan para mapatay kami. Kaya siya sumali.

THE SURVIVORS  (The Lee Squad) [Soon To Be Published]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon