Nicky's POV
Nagulat ako nang bigla nalang sinipa ni Jacob ang radyo ng sasakyan dahilan upang mamatay nito. Kitang kita ko sa kanyang mga mata ang lungkot at galit. Nadadala nito ang kanyang mga luha kaya hindi niya ito napigilan. Galit ba sya sa akin? Pero wala lang talaga ako sa mood non eh. Nagsorry naman ako. Nagalit ako sa aking sarili sa mga oras na'yon dahil muntik na akong makagat ng zombie. Tangatanga ko, I felt embarrassed, I'm strong enough to defense my self! Aishh ang pride ko talaga ang nangunguna eh. Salamat nalang at nailigtas ni Jacob ang aking buhay. Ako pala itong walang tiwala sa kanya.
Nagsimulang nagalit si Jacob nong iniwan ko siya. I didn't say anything kung bakit ko siya iniwan nun kasi alam ko namang alam na niya kung bakit ko 'yun ginawa. Pabalik palang siya sa loob ng budega ay napansin ko na ang maraming mga zombies na nagtatakbohan hindi kalayoan sa amin.
Nagulat talaga ako nong paputukin niya ang baril dahil hindi ko siya pinapansin. Oo na, kasalanan ko naman eh pero nagulat talaga ako.
Diko inakala na iba pala siya kapag nagagalit. Parang demonyo. I think he can't control his self when he get mad.
Pansin ko naman nun na mas lalo siyang nagalit nong narinig niya ang breaking news. Bakit? Bakit siya nagalit? Nagtataka talaga ako sa mga oras na'yon. Ano kaya ang iniisip niya? May mga mahal sa buhay ba siya na nasa ibang bansa? Urgh sumasakit na ang ulo ko sa nagtatambakang mga tanong sa aking isipan. Hindi ko nalang siya tatanongin. Subrang personal na kapag tinanong ko pa ang mga bagay na'yan. Hahayaan ko nalang siya na siya mismo ang magsabe sa akin.
Nang tumahimik na ang paligid ay nilingon ko si Jacob. Nakatulog siya habang nakasandal sa bintana. Alam ko na marami na siyang pinagdadaanan at ang dami niya pang pagdadaanan. At patuloy lang siyang lumalaban kahit na nahihirapan. Gusto kong maligtas siya, sila ng mga kaibigan niya. Tutulongan ko silang maipanalo ang laro. I will not let Jake to make them as an object for his experiments. Alam kong may pinag eexperimentohan na naman siya pero hindi ko alam kung ano yun dahil siya lang ang nakakapasok sa kanyang laboratoryo, at bantay sarado pa ito sa mga taohan niya.
Napabuntong hininga nalang ako at ibinalik ang tingin sa harap saka nagfocus nalang sa pagmamaneho. Pinakiramdaman ko ang paligid. Kakaiba ito, walang mga zombies, ang tahimik. Tanging ang malakas na tunog ng makina ng truck ang naririnig ko. Wala talaga akong nakita kahit ni isang zombies. Pero kanina lang pagkadaan namin dito ay hinahabol agad kami ng mga zombies. Ow Shit. Parang may kakaiba. Mula sa normal na takbo ng sasakyan, ay inapakan ko ang engine hanggang sa naifull speed na ito. Pinaharurot ko na ang sasakyan dahil nanindig na ang mga likurang balahibo ko.
Pero bigla kong naifull brake ang sasakyan nang may isang kakaibang zombie na humarang sa daan. Ang laki-laking zombie naman nito! Kung sa computer games pa, ay parehong pareho ito sa tinatawag na 'tanker'.
Halos masubsub na ako sa manibela nang tuluyan ng makahinto ang sasakyan. Anong klaseng zombie yun? Kakaiba siya sa karamihang nakikita ko. Isa rin ba 'yun sa naembento niya? Talagang masama 'to!
Agad kong iniangat ang tingin sa harap para tingnan ang zombie ngunit wala na ito. Nas'an na yun? Diko naman na nasagasaan ang zombie na'yon. Tsaka pag umalis na yun sigurado akong makikita ko pa yun ngayon pero wala. Biglabigla nalang itong naglaho. Shit. Ano 'tong nararamdaman ko? Ngayon lang ako nakaramdam ng ganitong kaba. Halos nagpipigil na ako ng hininga. Anong ba kasing klaseng zombie yun? Nilibot ko ang tingin sa mga bahay. May nakita akong isang zombie na palipatlipat sa pagtalon sa mga bubong ng bahay. Shit! Yun ba ang nakita ko? Pano 'yun nakarating doon? Puta, Dilikado to.
Liningon ko si Jacob at tulog na tulog parin siya. Mukhang hindi niya naramdaman yun pagtigil ng sasakyan at mukhang hindi niya rin nakita yung nasaksihan ko kanina.
BINABASA MO ANG
THE SURVIVORS (The Lee Squad) [Soon To Be Published]
ActionStory Genre: Action: Science Fiction Fighting all the zombies in order to survive. ©2018 darkk_aceeGG